╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 13
╚════════════. .✯ . ╝Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko nang mag lakad na palapit samin si France. Siguro dahil sa sinabi ni Cai na kung ano-ano
Akala ko sa akin siya lalapit pero dinaanan niya lamang ako at kay Cai lumapit. Nag usap naman silang dalawa na parang wala ako sa harap nila
Nakaramdam naman ako ng pagka-inis dahil mukhang pinag titripan lamang ako. Tinignan ko naman sila ng matalim kahit na Hindi sila naka tingin sakin
Umalis naman ako doon at nag lakad papuntang labas ng kaharian. Gusto kong mag libot dahil hindi ko nato nagawa ng ilang taon, marami na ding nag bago
Sa bawat sulok ng lugar naaalala ko si Hexia at ang masasaya naming memories. Ano kaya ang mangyayari ngayon kung buhay lang siya.
Tinanggal ko naman ang kaisipan nayun dahil nangako ako sa sarili ko na pipigilan mag isip ng ganon. Dahil gusto ko narin maka wala sa madilim na nakaraan, pero nandoon parin ang takot.
Hindi sa kalayuan natatanaw ko ang mga pamangkin ko na nag lalaro. Kasama nila si Haley para mag bantay sa kanila dahil umalis ngayon ang magulang nila
Lumapit naman ako at patuloy parin sila sa paglalaro "Ate may kukunin lang ako sa loob ah. Paki bantay muna sila"
Mag sasalita naman sana ako pero dali dali na siyang umalis. Tatanggi sana ako dahil gusto ko pang mag libot para maka balik agad ako sa aking silid
"Cooper kamukha niya si Tito Cai noh" Bulong ng maliit na si Xiomar, napa iling naman ako dahil rinig na rinig ko ito. Bumulong kapa talaga
"Malamang kambal siya ni ama" Sagot niya naman dito. Tinignan naman ako ulit ni Xiomar at bumulong ulit "Bakit hindi ko alam? " Tinignan naman siya nito ng masama
Lumayo naman ako sa kanila at lumapit kay Xavion na nagbabasa sa ilalim ng puno. Tumayo naman ako sa harap niya at tinignan ang silid ko dito
Wala akong nakikitang bintana at purong pader lang. May mahika ito at walang nakaka kita nito kahit na ako, kaya bakit nakikita niya ako
"I saw you yesterday" Sabi niya at tinignan ako. Tinuro niya naman ang silid ko, kaya mas nakasigurado akong totoong nakita niya ako kahapon
"At pano? "
"Because I have eyes? " Gusto kong ngumiwi sa sinabi niya. Diko alam na pilosopo pala ang batang ito at diko din alam kung saan ito nag mana dahil seryoso si kuya at hindi pilosopo
"Nevermind" Sagot ko. Bumalik naman siya sa pagbabasa at hindi na ako kinausap, ayuko na din makipag usap. Nakakapanibago na makipag usap ulit ng iba
Hindi naman nag tagal dumating na din si Haley na may dala dalang mga macaroons at inumin. Humiyaw naman sila Cooper at Xiomar at tumakbo papunta sa lamesa na nasa kabila
Sumunod naman ako sa kanila at kumuha ng isa, masarap ito at kumuha din ako ng tsaa. Akmang iinumin kona ito ngunit may humawak sa kamay ko
"That's mine" Sabi ni Xiomar
"Xiomar marami pa dito" Saway sa kanya ni Haley at binigyan ito ng tsaa. Binilatan ko naman siya pero seryoso lang siyang naka tingin
BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4)
VampireValkyrie Series #4 The 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 Elise Sy Valkyrie ┊┊┊✧ ⁺ ⁺ 𝙴𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚊𝚢𝚜 𝚜𝚑𝚎'𝚜 𝚊 𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚕𝚎𝚜𝚜 𝚙𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜. 𝙱𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚢 𝚍𝚒𝚍𝚗'𝚝 𝚔𝚗𝚘𝚠 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚛𝚎𝚊𝚜𝚘𝚗 𝚋𝚎𝚑𝚒𝚗𝚍 �...