Chapter 9

2K 40 6
                                    

"Hindi ko inaasahan na aalis ka sa bahay na iyon. Lahat naman binigay ni Klaxon sayo, ah? Ano pa bang kulang?" mariin na tanong niya. Nasa loob parin kami ng sasakyan kaharap ang malaking pharmacy kung nasaan si Klaxon nanggaling kanina.

Bumuntong hininga ako. Nakikita ko na ang pagsikat ng araw at dahan-dahang pagdami ng mga sasakyan sa highway.

Bakit ito ang usapan namin? Gusto ko lang naman lumayo dahil ayaw kong sirain ang buhay ni mommy. Mahal niya si Klaxon kaya aalis ako. Kapag nandun ako hindi ako titigilan ni Klaxon. Pupwede naman akong tumawag sa kanila kung iyon ang gusto nila. Sa ngayon ay aalis muna ako, may bata sa sinapupunan ko na hindi dapat malaman ni Klaxon. I can raise this child alone, isa na iyon sa rason ko kung bakit ako lalayo. Napapansin ko na ang pagbabago. Ayaw kong mapansin rin iyon ni Klaxon.

Baka pag nalaman niya iiwan niya ang mommy ko. Hindi ako naniniwala na ginawa niya iyon dahil sa akin. Natatakot ako na tanggapin ang kasinungalingan na 'yon. I don't want to ruin everything. Nag-aaral pa ako ngayon at wala pang ibubuga. Walang pera! Huling taon ko na sana ito sa kolehiyo ngunit nangyari ang hindi inaasahang mangyari.

Binalik ko ang aking tingin sa kanya. "Do you really know that person? Kung ganun, bakit ka huminto? Bakit hindi mo pinaalam sa kanya na aalis ako, huh? Anong gusto mong iparating?" seryoso kong tanong. Pinipigilang huwag tumingin sa likuran baka magsisi na naman ako. I saw his car, nakapark lang iyon sa likuran namin. Baka sinumbong nga talaga niya na ako kaya nandito ngayon si Klaxon. Naghihintay na lalabas ako. Fvck!

"This is for your own safety, Kelra. Ayaw niyang may mangyari masama sayo,"

"Masama? Naririnig mo ba ang sarili mo? Kung hindi ako aalis sa bahay na iyon magiging masama ako sa tingin ng nanay ko! I don't want ro ruin everything they had! This is the best way for me to move forward and find my own peace!" galit na sambit ko sabay kuyom ng aking kamao.

"You don't understand. Wala ka ngayon sa posisyon ko."

I heard him sighed. Tumalikod siya at bumalik sa manubela. "Kilalang-kilala ko si Klaxon. Kapag umalis ka ngayon magwawala 'yan."

Pinaandar niya ang sasakyan. Hindi siya bumalik sa dating daan namin sa halip ay bumalik siya sa highway at tinahak ang tamang daan patungog destination namin. Tumikhim ako, hindi magwawala iyon.

Kailangan niyang panagutan ang sariling desisyon. He chose my mom, nangako siyang pakakasalan niya iyon. I can't just stand and watch him played with me. I did wrong too, hinayaan ko siyang ganunin ako kaya ito ang resulta ng aking kagagahan. May nabuo. Nu'ng una ay nagsisisi ako, ngayon ay tinanggap ko nalang dahil wala na akong magagawa pa. Nangyari na eh.

Kailangan ko pang pag-isipan kung anong gagawin ko sa Cagayan. Anong trabaho ang papasukan ko. Hindi madali 'to panigurado.

"Fvck!" malakas na mura niya kayat nabaling sa kanya ang aking tingin. Napansin kong patingin-tingin siya sa kanyang salamin. Igting ang panga.

"What's wrong?" kunot noo kong tanong. Hanggang ngayon ay pinipigilan parin ang sariling huwag lumingon sa likuran dahil ayaw kong maghinala. Ayaw kong tanggapin ang katotohanang iyon.

"Alam kong mangyayari ito! Kahit hindi mo sabihin sa kanya, malalaman at malalaman niya parin ito!"

"W-What?" bigla na namang nanumbalik ang aking kaba sa dibdib. Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ni Klaxon kanina. Mula sa malayo wala na akong nakitang sasakayang nakaparada duon. Wala na ang kanyang sasakyan kundi...

"What the hell is he doing!"

Gulat at pangamba ang aking naramdaman nang mapagtantong sinusundan na kami ni Klaxon ngayon. Pinilit niyang dinidikit ang nguso ng sasakyan sa sasakyan namin. Tangina!

The Hot Professor (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon