Chapter 5

6 0 0
                                    

"Sadie!" Isang katok ang tumawag sa pangalan ko kinaumagahan. Boses ni Choi iyon sa pinto.

Wala na si Kohl sa tabi ko at maayos niyang iniwan ang hinigaan. Gising ang sistema ko kaninang inayos niya ang nagulong kumot ko at itinalukbong sa akin bago siya umalis. He's a morning person kaya siguradong nakaalis na siya at umuwi. 

Bumaba ako sa kama at tinungo ang pinto nang muling kumatok si Choi. Bagong ligo siya nang bumungad sa akin. Medyo inaantok pa ako nang harapin siya.

"Kumain na tayo. May niluto si Kohl.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang malamang hindi pa pala nakakaalis si Kohl. Nagluto pa siya ng breakfast!

"Nandiyan pa ba siya?" 

Gusto kong marinig ulit kahit kasasabi niya lang. Baka inaantok lang ako.

"Oo nga. Pinapagising ka niya at nang makakain na."

Tinanguan ko siya. "Mauna ka na. Maghihilamos lang ako."

"Bilisan mo, Madam!"

"Tss…”

I shut my door to his face and went to my comfort room. Tinitigan ko ang sarili ng ilang segundo sa salamin habang sinasariwa sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. 

Nakangiti akong naghilamos at nagtoothbrush. Dapat ay presentable akong haharap sa hapag dahil ngayon lang ulit ako may kasamang kakain. Dati kasi ay kahit anong oras ako bababa para kumain dahil maf-isa lang naman ako. Minsan ay dinadala nalang sa kwarto ko.

Paglabas ko ng kwarto ay narinig ko ang dagundong na boses sa baba. Pumanhik ako sa hagdanan at nakuryoso kung ano iyon.

"Sige na. Kain na kayo mga hijo, hija. Marami naman itong pagkain," dinig kong sabi ni Nay Luisa.

Nasa taas ako at pinapakinggan ang mga boses na pamilyar.

"Salamat, Nay! Ang laki naman pala nitong mansyon nila Sadie. Mukhang kasya kaming lahat dito kung dito kami matutulog," sabi pa ng isang lalake. 

Sino ang mga tao'ng ito? Wala naman akong inaasahang panauhin ngayon! Isa pa, sina Indiana at Choi lang naman ang kaibigan ko… tiyaka si Kohl. Pero base sa boses na naririnig ko ay higit pa sa lima ang nag-uusap. 

Narinig ko ang pagtawa ni Nay Luisa. Bumaba ako sa hagdanan at napahinto nang natanaw ko si Eren sa baba na nakapamulsang tinitingala ang malaking family portrait namin nila Mom at Dad. Suot nito ang four buttons na shirt at ang figarro chain kagaya nong nakita ko sa profile niya. Kulay navy blue ang suot na pinaresan ng beige na short. Nananawag ng atensyon ang tattoo niya sa sleeve. Nangunot ang noo ko. Anong ginagawa nila rito? Sigurado akong ang mga maingay sa kusina ay kasama rin niya.

Mukhang narinig niya ang yapak ko kaya lumingon siya pagkababa ko. I didn't know why my heart jumped when I saw his smile inched wider. Alam kong may multong ngiti na siya kaninang tinititigan ang mga litrato, pero mas lumapad pa iyon nang makita ako.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko nang makalapit. Hawak ko ang barandilya.

"Masyado ka namang nananakit. Pagkatapos mo akong hindi i-follow back sa instagram, tatanungin mo naman ngayon kung anong ginagawa ko rito?"

I grimace at his words. "Iyan ang pinunta mo rito? Dahil hindi kita finollow back?"

"Oo. Pero naisip ko, na baka siguro ayaw mo akong i-followback sa instagram ay dahil gusto mong sa personal kita i-follow. Iyong kahit saan ka pumunta, dapat nakasunod ako. Tama ba ako?" Corny niyang sabi. "Sana tama ako…”

Giving him a death glare, he smiled more. "Eren, seryoso akong nagtatanong."

"Seryoso rin naman ako, ah?" he said in a baritone voice. The way he said the words is more serious now. Ilang segundo at walang pag aatubili, sinarado niya ang distansya namin. Nakipaglabanan siya sa akin ng mariin na titig. "Seryosong seryoso…”

In The Cruel Twist of FateWhere stories live. Discover now