Prologue

5 1 0
                                    

Third Person Pov

2 years ago

SA loob ng isang factory, busy ang mga trabahador na nagbubuhat ng mga mabibigat na sako o kaya naman ay mga malalaking box para ilagay sa mga compartment na dadalhin pa papuntang ibang bansa.

Mapapansin na gabi na rin dahil sa dilim ng kalangitan kaya puro ilaw nalang ng factory ang nagsisilbing liwanag nila sa paligid nila.

"Pre!mag ingat ka naman sa pagbuhat baka mahulog yung laman!" sitá ng isang lalaki sa isa niyang kasama na binubuhat ang isang medium box.

Masama naman siyang tinignan ng sinita niyang kasama"Kung ikaw kaya ang magbuhat nito para malaman mo kung gaano ito kabigat!" suhestiyon nito sa kaniya at inayos ang pagkakabuhat ng kahon"Kaya nga ito lang ang buhat ko dahil sa bigat, ano ba kasing laman nito!?" naiinis na tanong nito sa kaniya.

Pareho silang papunta sa malaking compartment para doon ilagay ang mga binubuhat nilang mga gamit, sila kasi ang inatasan na magbuhat ng mahahalagang bagay kaya ingat na ingat sila na dalhin ang mga ito papuntang compartment.

Habang naglalakad sila sa daan ay hindi napansin ng lalaki ang malaking bato sa sementadong daan, kaya hindi sinasadyang natisod ang lalaking may buhat ng medium box kaya natapon ang laman nito at nabasag. Gulat at takot ang naramdaman nilang dalawa dahil ang iniingat ingatan nilang bagay ay nahulog at ang masaklap doon ay puro babasaging bote ang laman nito.

Gigil na ibinaba ng isang lalaki ang mga buhat niya sa sementadong daan at marahas niyang kinuwelyuhan ang kasama niya na nagbubuhat ng medium box kanina lang.

"Gago kaba!? Malilintikan tayo nito dahil sa ginawa mo eh, tignan mo ang ginawa mo!" galit na saad niya sa kasama niya na ngayon ay kinakabahan.

"N-Natisod lang naman ako, h-hindi ko sinasadya." mahinang saad nito sa kaniya na mas lalo lang niyang ikinagalit, kaya sa inis ay nasuntok niya ito dahilan para mapaupo ito.

Hindi na nila alam ang gagawin at kapag nalaman ito ng amo nila, siguradong matatanggal sila sa trabaho. Sila pa naman ang pinagkatiwalaan na buhatin ang mga dala nila para dalhin sa compartment.

Palakad lakad ang lalaki dahil sa kaba habang nakaupo pa rin sa sahig ang kasama niya na parang hindi na ata makapag isip ng maayos.

Maya maya ay tumigil na rin sa kakalakad ang lalaki dahil may naisip na siyang paraan"Ganito nalang," saad niya at tinignan ang kasama na nakaupo"Itapon nalang natin sa damuhan yung mga basag na bote, tapos ayusin nalang natin yung kahon na parang walang nangyari." paliwanag niya sa kasama na agad namang tumango.

Agad nilang nilinis sa sementadong daan yung mga nabasag na bote, pero maingat nilang inilagay sa plastic yung mga bubog dahil pansin nila na parang asido ang natapon na laman dahil umuusok pa ito. Nang matapos nilang ilagay lahat ng bubog ay itinapon na nila ito sa damuhan na medyo matataas na kaya hindi ito mapapansin ng mga dadaan.

Naayos na rin yung medium box kaya binuhat na ulit ito ng isang lalaki, tumingin pa sila sa isa't isa at tumango na para bang sinasabi na 'walang makakaalam' at patuloy na silang naglakad na parang walang nangyari.

Pero ang hindi alam ng dalawang lalaki ay dahil sa ginawa nila, maraming mababago sa buhay ng mga tao at sa buong mundo na rin.

••••

This is a work of fiction, names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.

WARNING: It contains some strong language, matured themes, and violence that may not suitable for the young readers.

The Survival Trilogy I: Death Is After You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon