Hinding hindi ko makakalimutan yung panahon na una kitang nakilala, ang panahon na magpapabago sa gagong tulad ko. Akala ko noon wala na akong pag-asa na magbago pa, akala ko lang pala yun.
Highschool tayo noong una kitang nakita at nakilala, freshman ka samantalang ako 3rd year na. Sa akin ka nagtanong kung san yung room ng section mo, tinuro ko yung way at hinatid kita kung san yung room, habang naglalakad tayo patungo sa room mo tanong ka ng tanong, ang daldal mo nakakatuwa ka.
Tinanong mo pa nga noon kung mababait ang mga tao sa school na pinapasukan natin, Oo ang isinagot ko kahit hindi naman lahat ay mabait.
Nang maihatid na kita sa classroom mo, nasilayan ko ang ngiti mo ang amo ng muhka mo. Nagpasalamat ka at pumasok na.
Ilang buwan ang nakalipas mula nung first day of school. Habang nakatambay at nagbibiruan kami ng mga kaibigan ko sa may field ng school bigla kang napadaan tatawagin sana kita kaya lang yung mga kaibigan ko binully ka, hinarang nung isang kaibigan ko yung paa niya dahilan para madapa ka.
Nagkatinginan tayo nun at tumawa ako pero yung tawa na yun peke yun pinakita ko lang sa mga kaibigan ko yun para naman hindi ako masabihan ng di ako marunong maki ride, na-guilty ako nun. Tumakbo ka nun at sinundan kita dinahilan ko sa mga kaibigan ko na magc-CR lang ako.
Nakita kitang huminto at umupo sa malayong part ng field kung saan konti lang yung tao. Tinabihan kita at tinignan mo ako. Umiiyak ka yung iyak na sobrang sakit at tanda ko pa na sinigawan mo ako nun sinabihan mo akong sinungaling kasi sabi ko mabait ang mga tao sa school pero hindi naman at sinabi mo pa nun na akala mo mabait ako pero hindi naman.
Sinabi ko sayo nun na hindi ko ginusto na tawanan ka nadala lang ako sa mga kaibigan ko. Nag kwento ka nun sakin sinabi mo na binubully ka din nung mga classmates mo, kaya pala pag nakikita kita lagi kang mag isa. Sabi mo pa dati pa lang binubully ka na, bigla akong nakaramdam ng awa, ngunit nagulat ako nung sinabi mong wag kitang kaawaan dahil ayaw mo ng kinakaawaan ka, ayaw mong maging mahina sa mata ng iba.
Simula noong araw na nagkwentuhan tayo naging magkaibigan na tayo pinakilala pa kita sa mga kaibigan ko nung una ayaw mo kasi natatakot ka pero napapayag kita at yung mga kaibigan kong nambubully sayo ay naging tagapag tanggol mo pa.
2nd year ka na at ako huling taon ko na sa highschool, tanda ko pa nga nung panahon na napa-trouble kami ng mga kaibigan ko ikaw ang unang nilapitan ko ginamot mo yung mga sugat ko at yun nung moment na yun I realized one thing, na realize ko na may gusto na ako sayo.
Ilang araw ang lumipas bago ako nakapagtapat sayo, ayaw mo pa nga maniwala nun e pero niligawan pa rin kita para mapatunayan ko na tunay ang pagmamahal ko sayo. Habang tumatagal lalo kitang minamahal lalo na pag naririnig ko ang boses mo tuwing kakanta ka, magsasalita ka yung mga galaw mo, yung muhka mong mala anghel.
Ngunit lumipas ang ilang araw tila nagbago ang kilos mo hindi ka na masiyahin tulad ng lagi mong pinapakita. Lumipas ang ilang araw na hindi na kita nakikita sa school, tinanong kita sa mga classmates mo pero hindi nila alam kung ano ang nangyari sayo. Nagtanong ako sa opisina ng eskwelahan natin at tinignan nila ang record mo at sinabing huminto ka na raw ng pag-aaral. Nag-alala ako nun hindi ko alam ang gagawin ko at nagpasya ako na pumunta sa bahay niyo.
Pinuntahan kita sa inyo dahil di ko na talaga matiis na hindi ka makita. Tinanong kita sa katulong niyo at sinabing hindi daw pwedeng malaman kung nasaan ka. Aalis na sana ako nung tinawag ako nung isa pa ninyong katulong na sa pagkakatanda ko ay personal maid mo iyon at may inabot siya sakin.
Isang sulat na ipinapabigay mo raw sa akin. Kinuha ko iyon at binasa.
"Patrick,
Hi! I don't know what to say. Pat! I know you're wondering why I don't go to school anymore. I'm sorry kasi hindi ko sinasagot ang tawag mo at di ko nirereplyan ang mga text mo. Masakit para saakin na hindi ka pansinin at sobrang sakit kasi kahit sa maikling panahon lang kita nakasama hindi ko maipagkakaila na minahal na nga kita. Nung inamin mo na gusto mo ko hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi kasi nung time na yun alam ko na kung hanggang kailan na lang ako mabubuhay sa mundong ito. Pinilit kong maging masaya pero isang gabi sinugod ako sa ospital at sinabi nila na malala na daw ang sakit kong leukemia. Pat wag kang malulungkot, ayaw kong nakikita kang malungkot. Pagdaan ng araw at ilang buwan ay malilimutan mo ako. Gusto kitang makasama sa mga huling sandali ng buhay ko ngunit ayaw kitang makitang kinakaawaan ako at malungkot gusto ko masaya ka lagi parang yung dati. Mahal na mahal kita Patrick. O wag ka na umiyak, ayos lang ako sa pupuntahan ko mag-iingat ka, lagi kitang babantayan sabi mo muhka akong anghel diba, ngayon ako na magiging anghel mo at katulad ng sinasabi mong hindi mo ako papabayaan, ako hinding hindi kita papabayaan. Paalam Patrick
Ashley. "
Sobrang iyak ko nung nabasa ko ang sulat mo para sa akin. At muli akong nilapitan ng personal maid mo at sinabi kung nasaang ospital ka at kung anong room number. Agad akong pumunta sa ospital kung saan ka naka confine.
Nang makarating ako sa tapat ng iyong silid halos hindi ko kinaya ang nakita ko. Ang putla mo sobra tapos wala na yung maganda at mahaba mong buhok. Pumasok ako sa silid kung san ka nagpapahinga. Nabigla ka nung nakita mo ako gusto mong umupo ngunit pinigilan kita. Umiiyak ka at sinasabi mong tumahan ako pero ayaw kong tumahan dahil sobrang nasasaktan ako. Kahit umiiyak ay nagawa ko pa rin sabihin sayo ang gusto kong sabihin para sayo.
"Bakit hindi mo sinabi? Bakit tinago mo? Alam mo bang mas lalo akong nasasaktan ngayon. Mahal kita Ashley, alam mo yan at tatanggapin ko ang lahat sayo. Mahal pa rin kita hanggang ngayon kahit na nawala na ang sigla sa muhka mo at wala na ang maganda at mahaba mong buhok para saakin ikaw pa rin ang pinakamaganda, ikaw pa rin ang the best sa lahat. Ashley, hindi ako nagsisising minahal kita. Sobrang na-miss kita alam mo ba yun di ako makatulog at makakain iniisip ko kung anong lagay mo kung ayos ka ba o ano."
Niyakap kita at niyakap mo ako pabalik. Hanggang sa naramdaman kong hindi ka na gumagalaw at tumigil ka na sa paghinga. Pinilit kitang gisingin, nang hindi kita magising tumawag ako ng doktor at dumating din ang mga magulang mo.
Kinuha ka na niya Ashley, nasa tahimik at magandang lugar ka na sabi mo babantayan mo ako lagi tinupad mo ang sinabi mo lagi kong nararamdaman ang presensya mo sa katawan ng isang taong espesyal sa akin ngayon.
Si Claire, parang ikaw siya kahit bata lang siya kuhang kuha niya ang galaw mo at maganda din ang boses niya lagi ko siyang dinadalaw sa ampunan at ikinukwento kita sa kanya palagi.
Ilang taon na ang lumipas Ashley, almost 3 years na pero ganun pa rin nararamdaman ko para sayo.
Ashley, Mahal na Mahal pa rin kita.
END 😂