Matulin ang mga araw na lumipas. Subalit ang nangyari ng gabing yun ay nanatiling lihim na bangungot kay Estacie. Naalala niya kung paanong nahirapan siya maghanap ng hotel na pansamantalang matutuluyan. Mabuti na lang, aksidenteng nagka-salubong ang landas nila at ang sinasabing kapatid ni Vista.
Ang Vice-captain ng Owl Detective agency na kilala bilang pinaka-mahal ngunit pinaka-magaling na detective agency sa buong Prekonville. Muntik pa nga silang mapagkamalan na magnanakaw ng grupo, subalit ng mamukhaan ni Vista ang kapatid, mabilis pa sa alas singko na tinulungan sila ng grupo nito na makahanap ng pansamantalang matutuluyan.
At ngayon nga, nandun sila isang bahay na hindi kalakihan subalit sapat na para tirhan. At kasalukuyang nasa hardin si Estacie habang gumuguhit ng mga desinyo ng mga damit na a-alala pa niya.
"Ehem.."
Otomatik na napalingon siya nang marinig ang isang pagtikhim sa tagiliran niya. Ang may-ari ng boses ay walang iba kundi ang Vice-captain ng OWL, Secret Detective Clewin Lecilion.
"Sir Clewin.." Ani Estacie habang tumatayo.
"Hi! Hindi mo na kailangang tumayo. Actually napadaan lang ako para kumustahin ang Ate ko." Mabilis na response nito sa kanya.
Bumalik naman siya sa pagkaka-upo bagamat naka-tingin pa rin sa lalake. Kung hindi si Estacie nagkakamali, ang lalake ay may tangkad na 5" 11. Medyo may kaputian ito at talagang matangos ang ilong. Tulad ni Vista, kulay itim din ang mga mata ng lalake at binayayaan ng medyo pouty lips. Ang buhok nito na natural ang pagka-wavy ay nakadagdag sa karisma ng lalake. Ngayon nya lang napagtanto, halos lahat ng lalake sa mundo ng totoong Estacie ay matatangkad.
"Ganun ba? Nasa loob ng bahay si Vista, hindi mo ba nakita?" Tanong niya dito.
Simula ng magkakilala sila ng lalake, pinigilan na niya itong tawagin siyang My Lady. Hindi na rin naman siya myembro ng mansyon kaya hindi na iyon kailangan.
"Ehem.. Nakita ko at nakausap si Ate, dinalhan ko kayo ng mga sariwang gulay galing sa isa sa mga tauhan ko. And, I was just passing by." Sagot ng lalake na napapakamot sa ulo.
Ang mga ganitong galawan ay hindi na bago kay Estacie na nanggaling sa modernong mundo. Hindi na niya kailangan manghula, masasabi niyang may gusto sa kanya ang lalake. Kaya lang, ang mga ganitong sitwasyon ang iniiwasan niya sa kasalukuyan.
"Nabanggit mo nga na napadaan ka lang. So, is there anything else you wanted to tell me?" Deritso ang tingin na tanong niya sa binata.
Ayaw man niyang maging bastos dahil ito ang tumulong sa kanya noong gabing yun, kailangan niyang ipakita sa lalake na hindi siya interesado sa mga ligawan sa ngayon. May mas importante siyang nais gawin.
"Pasensya na, mukhang naabala kita." Ang lalake pa ang humingi ng pasensya kahit siya dapat ang gumagawa nun.
Nais ni Estacie makonsensya. Dinalhan na nga siya ng gulay ng lalake, tinulungan pa siyang makahanap ng matitirhan. Lihim niyang nakurot ang sarili.
"No.. Actually okay lang please sit down. Mayroon din akong gustong sabihin sa iyo." Nakangiting nilingon niya ito ulit.
Atubiling umupo ang binata sa harapan niya. "Thanks." Sabi pa nito.
Tumango lang si Estacie bilang tugon.
"So? Anong maitutulong ko sa iyo, Yssa?" Yssa, pangalan na ibinigay ni Vista sa kapatid para itawag kay Estacie.
May dahilan kung bakit yan ang ibinigay niyang pangalan kay Vista. Ayaw niyang makilala siya bilang Estacie. Ayaw niya, lalo na sa panahon ngayon na kumakapa pa siya.
"Well, gusto kong mag-bukas ng isang clothing shop. Pero ang gusto ko, naka-pangalan sa ibang tao. Alam mo naman dito sa Prekonville, hindi kikilalanin ang isang negosyo kung hindi hawak ng isang kilalang tao." Panimula ni Estacie.
Kung gusto niyang makapag-higanti, kailangan niyang gumawa ng solid na foundation. Hindi pwedeng nagbubuhay prinsesa ang kalaban niya, habang siya ay umaasa lang sa iba.
"Negosyo? Hmmm.. Madali lang ang humanap ng pwesto Yssa. Ang problema.." Makikita mo ang kaseryosohan sa mukha ni Clewin habang nagsasalita.
"Ang problema?" Tanong ni Estacie.
"Bago ka maka-kuha ng pwesto at permit para sa negosyo mo, kailangan mong personal na makausap ang may-ari ng market Square sa Prekonville."
Nangunot ang noo ni Estacie sa narinig. "May-ari ng Market Square? Ang ibig mo bang sabihin, may nag-mamay-ari sa buong kalupaan na pinag-tatayuan ng mga negosyo sa Prekonville?" May halong gulat ang tono ng kanyang tanong.
Sunod- sunod ang naging pag-tango ni Clewin bilang sagot sa tanong niya. "Hindi mo ba alam? Pag-aari ng Dukedom ang 40 pursyento ng pinagkaka-kitaan dito sa Prekonville. Ibig sabihin nun, pag-aari din ng Duke ang lupain na pinag-titirikan ng mga negosyong yun." Ani Clewin na ngayon ay naka-tingin sa kapatid nito na parating at may bitbit na tray ng meryenda.
"D-duke? So ibig mong sabihin, kung gusto kong magtayo ng negosyo, kailangan kong makipag-usap sa Duke?" Napapa-kurap na tanong niya.
Iyon na ata ang pinaka-mahirap niyang gagawin kong sakali. Hindi ba't hindi sila magkasundo ng Duke? Sigurado, hindi pa niya nasasabi ang pakay niya, rejected na siya agad.
"Ganun na nga Yssa. Well, pero syempre dahil kaibigan ka ng Ate ko. Pwede kita matulungan." Naka-ngiti nitong sabi. "Salamat Ate Vista." Dugtong pa nito ng tanggapin ang tray ng meryenda.
"Talaga? Matutulungan mo ako? Paano?" Siya na ata ang pinaka-excited na tao ng mga oras na iyon.
"Oo. Pwede kita i-recommend sa Duke para magkausap kayo. Ang totoo niyan, naka-takda din kami magkita ngayon dahil kailangan naming mag-usap tungkol sa pina-iimbistigahan niya sa OWL. Napa-daan lang talaga ako dito." Humigop ng mainit na tsaa si Clewin habang nagsasalita.
Masyadong komportable ang lalake sa harap niya. Paano kaya kung malaman nito na may dugo siyang Somyls?
"Pina-iimbistigahan? I see.." Wala sa sariling namutawi ni Estacie. Nagdadalawang isip na siya kung susundin ang payo ni Clewin na makipag-usap sa Duke. Hindi pa naman maganda ang relasyon nilang dalawa.
Kung ikukumpara sa hayop, Aso at pusa silang dalawa.
"Hn! The Duke asked me to investigate the dark information of the eldest daughter of the Somyls. Kaya lang, hindi ko pa naumpisahan dahil wala akong larawan ng- Binibini, okay ka lang?!" Hindi na natapos ni Clewin ang sasabihin ng biglang nabitiwan ni Estacie ang baso na naglalaman ng mainit na tsaa.
Bakit siya pina-iimbistigahan ng Duke?! Ganun ba katindi ang galit nito sa kanya para gawin ang pag-iimbestiga ng tungkol sa kanya?!
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomanceSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...