CHAPTER 26

420 23 5
                                    

Nang sumunod na araw ay walang Billie na nagpakita sa school. Pinipilit kong hindi siya masyadong isipin dahil ayokong ma-stress.

Pero si Maxine, si Billie ang laging bukam-bibig na kesyo nasaan na daw ito? Okay lang daw ba ito? Kaya ang ending, naiisip ko pa rin talaga si Billie.

Sakto naman na inaya kami ni Darius na magpunta sa roof top. May ipapakita daw siya sa aming video ni Billie na kumakalat ngayon sa facebook. Agad naman kaming pumayag ni Maxine.

"Si Billie yan. Malinaw na malinaw." Sabi nito habang sabay-sabay naming pinanuod ang video

Video yun na kung saan may kahalikang babae si Billie. Base sa itsura ng lugar kung nasaan siya. Parang bar yata ito.

"Kailan pa 'to?" Tanong ko.

"Kaninang umaga lang. May nagpost sa facebook. Tapos yan kumalat na." Sagot ni Darius.

Medyo nagulat ako sa napanuod dahil ibang iba ang aura ni Billie sa video. Parang ang tapang-tapang niya na walang pakialam sa sasabihin ng iba.

"No way." Bulalas ni Maxine at ibinalik kay Darius ang cellphone nito.

"Mukhang pinanindigan na talaga niya ang pagiging that's my tomboy." Natatawang komento nito.

Sinamaan siya ng tingin ni Maxine.

"Lumayas ka na nga sa harapan namin." Pagtataboy nito kay Darius.

Tumatango lang itong naglakad paalis dito sa roof top kaya naiwan kami ni Maxine. Nang muli ko itong balingan ng tingin ay napansin ko ang pagkabalisa sa mukha nito.

"Gabby, anong ginagawa ni Billie?" Tanong niya na mukhang na shock yata.

"Bakit nandidiri ka?"

Literal na namilog ang mga mata niya sa akin at hindi nagsalita kaya napangisi ako.

"Hindi ba yun ang sinabi mo kahapon? Na ayaw mo sa mga tomboy? Kasi kadiri sila?" Dagdag ko pa at tinalikuran siya.

Naglakad ako palapit sa pwesto kung saan kami nag usap ni Billie kahapon.

"Kung ganun tomboy na talaga siya?"

"Oo. Matagal na."

At isa ka sa dahilan.

Hindi nakapagsalita si Maxine. Nanatili siya sa kinatatayuan.

"Pero bakit?"

Bahagya akong natawa bago pinag ekis ang mga braso.

"Anong bakit?" Balik kong tanong.

Hindi siya agad sumagot. Naglakad lang siya palapit sa akin at tumabi.

"Oo, tomboyish siya nang una natin siyang makilala. Pero tingin ko babae pa siya nun. Parang ang bilis naman yata. Saglit na buwan, nagpalit siya agad ng sexual orientation niya? Ano ba yan, kakanuod niya ng mga panglalaking movies, sports etc? Ganun?"

Saglit akong napapikit na tila gusto ko ng ilabas ang inis ko. Pero dahil alam kong hindi makakatulong yun ay pinilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Nakausap ko si Billie kahapon. Ayon sa kaniya. Matagal na niyang nararamdaman na may kakaiba sa kaniya. Hindi niya lang magawang ma-amin dahil sa takot sa magulang niya. Nahihirapan siyang magpakatotoo sa sarili niya."

"Tapos ano? Ngayon, nagkaroon siya ng lakas ng loob na magpakatotoo? Kaya nagpagupit siya? Tapos nakikipaghalikan pa sa babae?"

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. Napatuwid ako ng tayo.

"Bakit hindi mo nalang ako diretsahin? Nandidiri ka nga sa kaniya. Hindi mo matanggap na yung babaeng kaibigan mo, eh tomboy pala? Ganyan ang dahilan ng mga Homo."

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon