Kabanata 3

2.9K 196 27
                                    

KABANATA 3


Pagka-ugong ng makina ng auto, napangiti si Sandra dahil malamig na ulit ang sumunod na buga ng air-conditioner niyon.

"Maayos na 'ho. Daghang salamat!" aniya sa mekaniko at may-ari ng talyer na si Mang Ambrosio Lanza. Matanda na ito, ngunit nanatiling pinakamahusay na mekaniko sa buong Monte Amor.

"Magkano po ang ibabayad ko?" tanong pa niya at saka hinugot ang kalupi.

"Wala ka nang babayaran, hija. Nabayaran na lahat ng iyong nobyo kahapon pagkadala ng sasakyan mo rito. Ibinilin niya rin na huwag ka nang singilin pa. At kung may karagdagang bayad man ay siya pa rin daw ang magbabayad." Ngumiti ang matanda, nanunukso. "Umiibig nang lubos sa iyo ang binatang Honradez, Xandi."

Napangiti siya. Namula nang bahagya ang magkabilang pisngi. "Ganyan po kaasikaso si Uriah pagdating po sa mga taong mahalaga sa kanya. Ngunit, totoo po bang wala na 'kong babayaran?" Kumuha siya ng dalawang piso. "Ito po, kahit pang-meryenda lang."

"Huwag na, hija. May kasama na ring pang-meryenda ang ibinayad ng magiging asawa mo."

Magiging asawa! Mahina siyang humagikgik.

"Kailan nga ba ulit ang kasal ninyo?" tanong pa ng matanda.

"Sa Hunyo po upang hindi na ganoon kaabala si Uriah at maghihintay na lang po kami sa resulta ng eleksyon."

Napatango-tango ang matanda. "Eh, pagpasensyahan niyo na kung hindi si Uriah ang iboboto ko. Magaling ang batang iyon at napakabait pa. Nakita ko naman ang sinseridad na makapagsilbi para sa ating bayan. Magandang siya ang nakatunggali ng isang Valleroso. Ngunit, sa aking palagay lamang ay sana tumakbo na lang muna si Uriah bilang bise-alkalde. Kung magkakampi pa sila ni Estefan, siguradong panalo silang dalawa."

Nanatili ang ngiti ni Sandra. Hindi naman bago sa kanya ang makarinig ng ganoon. Vallerosos had gained loyal supporters over decades of serving in office.

"Wala 'hong problema, Manong." Sa katunayan din naman ay iyon ang unang plano dahil magkasama sa iisang partido sina Estefan at Uriah.

The two should have run in tandem—Estefan as the Mayor, Uriah as the Vice-Mayor.

Subalit kumuha ng ibang taga-payo si Uriah dahil sa panghihikayat ng ama nito. Nahirapan si Uriah na tanggihan ang ama, kasabay pa ang panunulsol ng ina.

Ang nais ni Tiyo Manolo, humiwalay sa partido si Uriah at tumakbo agad na alkalde. Sapagkat noong huling halalan, numero uno si Uriah sa nakatanggap ng pinakamaraming boto bilang konsehal. Habang ng panahong iyon, si Estefan ay nahalal naman na bilang bise-alkalde.

The new political advisers of the Honradez believed that Uriah was the best contender for Estefan, based on popularity. Nandoon na rin na lumalakas na nga rin ang tawag na mapalitan naman sana ang namumuno sa Monte Amor.

Ever since, the highest position played between the Valleroso and Lanza clans only. Until the Valleroso dominated Monte Amor for many generations now. May ibang nagsasawa na kahit wala namang problema sa pamumuno ng mga ito.

Ang isa sa mga nagsasawa ay ang mga Honradez.

Sa angkan ng mga ito, si Uriah lamang ang matagumpay na nakapasok ng politika. Ang tanda ni Sandra, sinubukan ng mga tiyuhin ni Uriah na tumakbo sa posisyon subalit palaging talo. May pagkakataon din yata na si Tiyo Manolo ay tumakbo ngunit nabigo rin.

Sandra would always have the thought that Uriah's father and uncles were frustrated politicians and now, they were trying to relive their dreams through Uriah.

Ang kanyang nobyo naman, tapat sa tungkulin. Ngunit hindi naman ito nagmamadali na makakuha ng mataas na posisyon. Gayunpaman, hindi rin nito matanggihan ang ama.

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon