Content warning. Some scenes/dialogues might bring discomfort. Read at your discretion.
***
KABANATA 5
Inaya na siyang bumaba ulit ni Lass nang pumasok ang tagapag-alaga ng mga anak nito. Sa pagbalik nila sa hapagkainan, nagtatawanan sina Olya at Dalia.
Nagpalitan na sila ng ngiti ng huli. Agad siya nitong hinila paupo at isinali sa usapan. Buong hapon ay nagtatawanan sila dahil sa mga kuwento ni Dalia.
Ang laki ng ipinagbago nito mula nang magpakasal. Wala itong pakialam masyado sa buhay ng ibang tao noon. Subalit ngayon, kayang masagap ni Dalia ang kuwento ng buhay kahit ng isang tindera sa merkado. Ito ang rin ang nagdadala sa kanila ng mga haka-hakang umiikot sa buong bayan.
Oras bang ikasal na rin siya ay magkakaroon ng pagbabago kay Sandra?
Nahinto lang sila sa pag-uusap nang makarinig ng mga taong pumasok sa maluwag na sala ng mansyon.
Unang tumayo si Dalia at sumilip. "Vier! Nandito na kayo!"
Napasulyap si Sandra sa malaking orasan na nakasabit sa dingding patungong kusina.
Alas-singko y medya nang hapon na pala!
"Ngayon lang pinalabas si Estefan..." Boses ni Arc ang narinig nilang tumugon.
Iyon pala ay magkakasama ang mga ito. Sabay-sabay na pumasok ang mga lalaking Valleroso sa silid-kainan.
Sandra was a bit surprised. Although it was not a new sight for her, she's still mesmerized just by looking at Archelaus and Archimedes Valleroso.
Sa loob ng maraming taon, ang akala ng lahat ay matagal ng patay ang kakambal ni Arc. Ngunit heto at sa nakalipas na apat o limang buwan ay isa na si Archimedes sa madalas nakikita ng buong Monte Amor.
The Valleroso family's story was just like in the dramas, Dalia was right. Sandra was still amazed every moment the long-lost twins would be seen inside one room. The twins are identical in all sense of the word!
Ilang beses na niyang naisip na kung makukunan niya ang dalawa ng retrato, ang nais niyang konsepto ay magkaharap ang magkapatid sa isa't isa—suot ang parehas na damit at istilo ng buhok. Makakakuha siya tiyak ng ilusyon na nakaharap lang sa salamin ang mga ito.
There's only an easy distinction now between the two because of Archelaus' eye patch and Archimedes' tanned skin. If it weren't for those big differences, only the twin's family and their wives could tell them apart!
Naiisip niya rin na kung iguguhit niya ang dalawa, magkatalikod naman ang mga ito at sa ibabaw ng ulo ng mga ito ay lalagyan niya ng simbolo ng araw si Archelaus habang simbolo ng buwan kay Archimedes. Because the former exudes a proud-look like a bright morning sun. While the latter's humble charm shines like a moon in the night.
Ah, what a great concept! Maybe, she should write about that, too!
Natigil lang si Sandra sa paglilikot ng isip sapagkat kusang lumagpas ang mga mata niya sa magkakambal.
Huling pumasok si Estefan!
She silently gasped. Kasama pala ito!
Their eyes accidentally met, and Sandra looked away immediately.
"They harassed Estefan? Aba't siya pa rin ang bise-alkalde hanggang sa mag-anunsyo ng resulta ng halalan!" narinig na lang niyang talak ni Dalia.
"Hindi sa ganoon," malumanay na tugon ng esposo nito. "Estefan was interrogated too many times. They wanted to put words on his mouth that could be an evidence to use against him."
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.