BLAIRE SAMANTHA'S POV
Hindi ko maiwasang mapatawa sa mga biro nila. Nag-iinuman na rin kasi sila kaya medyo naparami na ang mga kwentuhan. Napasulyap naman ako kay min na kasalukuyang iniinom ang alak na nasa baso niya.
Muli na namang bumalik sa akin ang nangyari kanina. Ewan ko hindi ko lang kasi makalimutan ang pangyayaring yun. Siguro dahil iyon pa lang ang unang beses na ginawa niya yun.
"Hija ikaw naman oh." napabaling naman ako kay aling linda ng abutan niya ko ng basong may lamang alak. Puno ng alak ang basong yun. Tatanggi sana ako pero nakakahiya naman kaya tinanggap ko na lamang ito.
Hindi ko akalaing kaya nilang uminom ng ganito karaming alak. Saka kung titingnan mo naman sa edad ng ibang mga nandito ay aakalain mong hindi na sila umiinom dahil may edad na rin.
Hindi ko pa nasusubukang uminom kahit nasa tamang edad na rin naman ako. Well minsan naman eh niyayaya ako ni scarlett na uminom pero lagi ko rin siyang tinatanggihan. Takot rin kasi ako sa kung anong mangyayari sakin kapag nalasing.
Palipat lipat ang tingin ko kay aling linda na nakatingin sakin at sa basong hawak ko. Nagdadalawang isip kung iinumin ko ba ito lalo pa't mukhang hinihintay ni aling linda na inumin ko itong alak.
Marahan kong inilapit sa ilong ang baso at di ko maiwasang mapangiwi ng maamoy ko ang matapang nitong amoy na hinaluan ng juice. Masarap ba to? Bat ang tapang ng amoy?
Bumuga muna ako ng hangin bago ininom ang alak. Halos mapapikit pa ako ng maramdaman ko ang pagdaloy ng alak sa lalamunan ko. Nalasahan ko pa rin naman yung juice pero mas nangibabaw yung alak. Hindi ko maiwasang mapakurap.
Napatingin ako sa kamay na humawak sakin at nang angatan ko ng tingin ay seryosong mukha ni min ang bumungad sakin. Palipat lipat ang tingin niya sakin at sa basong hawak ko.
"F*ck! Why did you drink it? Masiyadong matapang ang alak nato para sayo." seryoso ngunit may bahid na pag-aalala sa boses nito.
Napanguso ako at napahawak sa ulo ko ng makaramdam ako nang pagkahilo. Marahan niya kong inilapit sa kaniya kaya hindi ko maiwasang palihim na mapangiti.
"Shit! Your drunk!"
"Naku pasensya ka na hijo. Hindi pala sanay si sam sa alak?! Akala ko kasi umiinom rin siya." rinig kong singit ni aling linda. Pilit kong minumulat ang mata ko tsaka binalingan si aling linda ng tingin. I even give her a thumbs up.
"Wala po iyon... aling linda. Ang sarap...nga po eh. Pero bhakit medyo.... may pait." pahinto-hinto kong sagot sa kaniya.
"Naku mukhang lasing na nga siya."
Nang maramdaman kong muli ang pagkahilo ay napayuko ako pero dahil hawak ako ni min ay sa bandang dibdib niya ako napayuko.
Gagi isang baso lang naman iyon pero bakit ganito ang epekto. Sana pala hindi ko na lamang iyon ininom.
Pero teka! Ang bango naman nitong lalaking to.
"Mom.. Dad mauna na po muna kami sa inyo. Lasing na po si sam." rinig ko namang paalam ni min kina tita at tito pero masiyado nang inaantok ang mata ko para tingnan pa sila tita at tito.
"Alright son! Take care of sam." tita celine.
Nang subukan akong patayuin ni min ay muntik pa akong mapaupo mabuti na lamang at hawak niya ako, kung hindi baka bumulagta na ako sa lupa.
Hindi ko maiwasang mapahagikhik dahil dun pero napatigil ako at halos mapasinghap ng bigla akong buhatin ni min. Marahan ko na lamang niyakap ang kamay ko sa batok ni min para hindi mahulog.
Di ko akalaing mararanasan ko rin ito kay min. Akala ko kasi hanggang imagination ko lamang mararanasan ang lahat nang ito.
Nanatili lamang akong nakayakap sa kaniya hanggang sa maramdaman kong marahan niya kong ipinasok sa loob ng kotse. He even put my seatbelt on.
Pilit kong iminulat ang mata ko at kahit medyo nanlalabo ang mata ay nakita ko siyang seryoso ang mukhang hinawakan ang manibela bago ito paandarin.
Nang mapansing nakatitig ako sa kaniya ay nilingon niya ako pero agad ring ibinalik ang tingin sa kalsada.
"You shouldn't have drink it? Dapat tinanggihan mo na lamang si aling linda," seryoso niyang pangaral sakin.
"Okay lang! I want to try it too." sagot ko tsaka marahang hinilot ang sintido ko.
Napasulyap ako sa kaniya ng abutan niya ko ng isang bottled water. Tinanggap ko naman iyon bago binuksan at ininom.
I never knew that drinking is such a pleasure. Kaya pala maraming tao ang gustong laging umiinom ng alak. Pero bakit ganon ang epekto sakin? Para akong nahihilo. Dahil ba iyon ang unang beses na uminom ako nun?
Nagpatuloy lamang ako sa paghilot sa sintido ko hanggang sa maramdaman kong tumigil ang kotse. Nang tingnan ko ang labas ay nakarating na pala kami sa bahay.
Kasalukuyan ko pang hinuhubad ang seatbelt at handa na sanang lumabas ng buksan ni min ang pintong nasa gilid ko at nasa ambang yuyuko sana nang bigla akong lumingon sa kaniya. Dahilan kung bakit halos sobrang lapit ng mukha namin.
Wala ni isa sa amin ang gumalaw. Nanatili lamang kaming nakatitig sa isat isa. Nakita ko pa siyang palipat-lipat ang tingin mula sa mata ko at sa labi ko. Kaya wala sa sariling napakagat labi ako.
Hindi ko alam kung dahil ba sa alak, pero marahan akong lumapit sa kaniya hanggang sa maramdaman kong naglapat ang labi naming dalawa. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya gumalaw at nanatili lamang na nakayuko doon. But when I was about to move my lips, he suddenly pushed me away from him.
Parang biglang nawala ang epekto ng alak sakin. Parang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko. Sobrang sakit!
"Your drunk! You should rest now." saad niya at aalis na sana ng mabilis ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan.
"Min why can't you love me?" nanlalabo ang mata ko hindi dahil sa kalasingan kung hindi dahil sa luhang nagbabadyang bumuhos sa mata ko. "Mahal kita min!" I confess.
"Your just drunk sam-"
"I'm not saying this because I'm drunk. Sinasabi ko to dahil iyon ang totoong nararamdaman ko min. Mahal kita at nasasaktan ako kapag nakikita kayong dalawa ni stella na magkasama. Bakit laging si stella nalang? Hindi ba pwedeng ako min?" naramdaman ko ang paglandas ng luha sa pisngi ko.
Kita ko sa mukha nito ang gulat dahil sa sinabi ko.
"Ano bang meron si stella na wala ako min? Bakit kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makuha ang puso mo? Min hindi ba pwedeng ako nam-"
"Stop!"
Napatigil ako at lumuluha na lamang na nakatingin sa kaniya. Ang sakit!
"You know that I love stella. And were just pretending for the sake of my parents trust sam. Your just drunk. Let's-- let's not talk about this. Pumasok ka na sa bahay."
Para akong nanlumo sa sinabi niya. Were just pretending for the sake of his parents trust?
Nakita ko siyang naglakad na papasok ng bahay. Habang ako ay nanatili lamang sa loob ng sasakyan, nakayuko ako at pilit pinipigilan ang paghikbi.
Sana pala hindi lang isang basong alak ang ininom ko para ng sa ganon ay mamanhid ang puso ko at hindi makaramdam ng sakit.
Hinayaan ko na lamang ang pagbuhos ng luha ko. Ubos na ang lakas ko para punasan pa ito. Ang sakit pala na sa kaniya mismo manggaling ang salitang kailanman ay hindi ko gugustohing marinig.
Ibig sabihin ba nito, lahat ng pinapakita niya ay parte pa rin pala ng pagpapanggap?
Hindi ko maiwasang mapatawa ng mapakla habang nakayuko. Kahit anong gawin ko hindi ko talaga mahihigitan si stella. Siya pa rin talaga!
______
Way Back Into Love
@itsme_kitcath
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?