Chapter 11

1.9K 30 2
                                    

Isang malakas na pagsabog ang namayani sa buong lugar. Nagsilabasan ang mga tauhan ni Kace at pinalibutan ang katawan ni Klaxon. Habang si Kelra naman ay nasa gilid, umiiyak hindi kayang masaksihan ang patayang labanan na ito. Walang imik si Klaxon, malamig at seryoso parin ang kanyang mukha. Paminsan ay tinatapunan ng tingin si Kelra. Gusto niya itong lapitan ngunit umaakasyon ang tauhan ni Kace.

"Hindi ako natatakot sayo, Klaxon. Hindi na tama 'tong ginagawa mo! Bata pa si Kelra at may mga pangarap pa 'yan!"

Binalingan niya ng tingin si Kelra. Hawak nito ang kanyang braso. Nanginginig sa takot. Ayaw niyang lumapit kay Klaxon baka hindi na naman siya nito bitawan. Gusto niyang tumakbo palayo sa lugar na iyon, palayo kay Klaxon but she chose to stay. Wala rin naman siyang ibang mapupuntahan. Kailangan niya ang kaibigan ni Jenie, siya ang inatasang tumulong sa kanya. She can wait, she can still endure this.

Pinunasan niya ang kanyang luha. Dahan-dahan inangat ang ulo. Nagtama ang mata nilang dalawa ni Klaxon. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagmamakaawa. Gusto siya ni Klaxon, ayaw nitong lumayo si Kelra. Makakapatay siya kapag nangyari iyon.

"Kelra...baby. Come with me, please..."

Napapikit siya sa marahang boses ni Klaxon. Naramdaman niya ang pagtahan sa boses na iyon. Unti-unting bumaba ang tibok ng kanyang puso at pangamba. Nakatitig lamang siya kay Klaxon. Hindi sinagot.

"Baby..."

Isang butil na namang luha ang kanyang pinakawalan nang makitang may luhang tumulo galing sa mga mata ni Klaxon. Nanlambot ang kanyang buong katawan, nasasaktan. Gusto niyang lapitan si Klaxon ngunit natatakot siya na baka magsisi na naman sa desisyon.

Nakatutok sa katawan nito ang baril ng mga tauhan ni Kace. Seryosong-seryoso ito. Isang galaw lang ni Klaxon ay talagang patay talaga siya. Gusto niyang ilayo ang dalaga mula sa kaibigan dahil kilala niya ito at alam niyang hindi maganda ang gagawin nito. Nang malaman niya mula sa kaibigang babae ang buong storya ay kaagad siyang pumayag na sunduin si Kelra. Nangako na ilalayo ang dalaga sa lugar na ito. Marumi maglaro si Klaxon, alam niya iyon. Walang sinasanto, walang awa. Kahit kaibigan o pamilya ay wala siyang pinapalampas. Nasaksihan niya lahat, ang kapangahasan ni Klaxon at hindi maganda iyon. Kapag hindi nakukuha ang gusto, papatay talaga siya. Ngayon, iba ang gusto ni Klaxon. Alam niyang hindi magiging madali ito dahil napalapit na ang kanyang loob sa dalaga ngunit gagawin niya parin ang kanyang makakaya. This is for Kelra, kailangan niyang ilayo ito mula kay Klaxon.

He cleared his throat na naging dahilan ng pagputol ng titigan nina Kelra at Klaxon. Wala ng oras, tatapusin niya na 'to. Malapit nang mabuo ang araw, tiyak na maraming madadamay kapag pinatagal niya pa ito.

"I can't, Klaxon. Gusto kong lumayo sayo dahil nasasaktan na ako..."

Napatigil siya. Napansin niya ang paglandas ng luha mula sa pisnge ni Klaxon. Wala paring emosyon ang mukha nito. Matigas at handa parin.

"Ayaw ko na. Papakasalan mo pa ang mommy ko! Mahal na mahal ka non! Ayokong sirain ang buhay na gusto niya! Nang dumating ka ay nabuhayan siya, Klaxon. Dahil sa akin..."

"Don't fvcking say that!" matigas na sambit naman ni Klaxon at akma na sanang aabutin si Kelra ng pigilan siya ng mga tauhan ni Kace.

Ilang mura ang kanyang pinakawalan. Timping-timpi na. Gusto niya nang pasabugin ang mga bungo ng mga tauhan ni Kace ngunit nag-aalala siya kay Kelra. Mas lalo itong matatakot at lalayo kapag nangyari iyon. Gusto niya ang dalaga at gagawin niya ang lahat para mapasakanya ito.

Nilingon niya ang kaibigan. Si Kace. Kahit na kaibigan ay hindi niya palalampasin.

"Gusto kong lumayo! Lumayo sayo!"

Napaawang ang kanyang labi roon. Kinuyom niya ang dalawang kamao tsaka yumuko at mahinang tumawa.

"You can't do that, baby. Don't worry, I know how to play this game," binalik niya ang tingin kay Kace. "I know how to defeat you, Kace Gunner."

Muli na namang nagsitaasan ang mga balahibo ni Kelra at sa isang iglap ay napatumba ni Klaxon ang limang tauhan ni Kace na kinalaki ng kanilang mga mata. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Kelra si Klaxon. Dahan-dahan siyang tumayo at umatras habang busy ito sa pakikipaglaban.

Binalingan niya si Kace. May sinabi ito na kaagad niya namang nakuha. Run.

Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso. Umatras siya ng ilang dangkal habang pinapanood si Klaxon na nakipagpatayan sa mga tauhan ni Kace. Putukan ng baril, matigas na suntukan ang kanyang naririnig at nakikita.

Kinagat niya ang kanyang labi. Nang sa tingin niyang nakakalayo na siya ay duon na siya tumakbo ng mabilis habang umaagos ang kanyang luha na kanina pa niya nararamdaman. Hindi na siya muling lumingon pa kina Klaxon at Kace. Tumakbo siya ng tumakbo, hindi indinda ang sakit sa buong katawan at panghihina nito.

"Kelra!"

Hindi siya lumingon. Buong pwerang tinawag ni Klaxon ang kanyang pangalan sa malayo ngunit nanatili parin siya. Hindi niya alam kung saan pupunta. Ang gusto niya lang ay makalayo sa lugar na iyon. Makatakas mula sa kamay ni Klaxon.

Pinunsan niya ang kanyang mukha. Malapit niya nang marating ang hospital sa kanyang harapan. Mas lalo niya pang binilisan ang kanyang pagtakbo papalapit roon ngunit isang nakakabinging pagsabog ang namayani sa buong lugar na naging dahilan ng kanyang pagtigil at mabilisang paglingon sa kinaroroonan nina Kace at Klaxon.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakahandusay sa daan ang katawan ni Klaxon at Kace. Parehong naliligo sa sariling dugo, kasabay nito ang mainit na likidong dumaan sa kanyang dalawang binti.

"Miss! Miss!" umikot ang kanyang paningin. Nabibingi sa sigawan ng mga tao.

My baby...

Umalingawngaw ang malakas na tunog ng ambulansya. Naramdaman niya ang pagtaas ng kanyang katawan. Hindi niya na inabalang tingnan iyon dahil nanghihina na ang kanyang buong katawan. Wala ng lakas pa.

Unti-unting pumikit ang kanyang mga mata. Natatakot na baka sa pagmulat ng kanyang mga mata ay magsisisi na naman siya sa nagawang desisyon.

Pagod na pagod na siya.

"Kelra, ilalayo kita sa lugar na ito. Aalagaan kita, okay?"

Muli na naman niyang naramdaman ang init na likidong dumaloy pababa sa kanyang pisnge. She heard her friend, Jenie. She's safe.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

The Hot Professor (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon