Chapter 39

1K 25 6
                                    

Laura's POV

"Ano, hindi pa rin tumatawag?" Tanong ni Gelee.

"Hindi." Malamyang sagot ko dahil sa tanong ni Gelee.

"Nako teh ha. Ang fishy na talaga ng jowa mo ha." Sabi ni Gelee.

"Baka naman busy lang talaga si Luke. Alam niyo naman, umaarangkada ang modeling career." Dugtong naman ni Cess.

"Akala ko ba uuwi na yon kapag natapos na ang therapy? Isang buwan ng okay yon ah?" Tanong naman ulit ni Gelee.

Napanguso ako at nakaramdam ako ng lungkot at pangamba.

"Nag-extend daw sya ng contract sa agency." Sagot ko sa kanila habang walang ganang nakatingin sa pagkain ko.

"Oh see? Nag-extend pa. Akala ko ba sabik na sabik na yun na makasama ka?"

"Tama na nga yan Gel, baka mamaya mag-overthink 'tong si Laura."

Napatikom naman ng bibig si Gelee at sumubo na lang ng pagkain.

Nitong mga nakaraang araw, bihira na lang kami magkausap ni Luke. Bukod sa hindi nag-tutugma ang oras namin dahil nasa magkaibang bansa kami ay mas naging busy pa siya sa pag-momodel.

Masaya naman ako para sa kanya pero pakiramdam ko unti-unti na akong nawawala sa routine niya. Hindi gaya nung mga unang buwan na nandoon siya. Kahit madaling araw sa kanila ay pinipilit niyang makausap ako kahit antok na antok pa siya. Palagi siya ang unang tumatawag. Hindi siya mapakali kapag hindi niya ako nakakausap. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa mag-bago pero bigla ko na lang naramdaman isang araw na may nag-bago na sa relasyon namin.

Nag-memessage naman siya at nagsasabi ng mga salitang 'I love you'  and 'I miss you' pero hindi ko na masiyadong maramdaman ang sincerity or praning lang talaga ako?

"Sige na, mauuna na ko." Sabi ko habang inililigpit yung pinagkainan ko.

"Ingat! Huwag masyadong pa-stress sa acads!" Sabi ni Gelee.

"Ingat girl!" Dugtong naman ni Cess.

Bumyahe na ako papunta sa school na pinapasukan ko.

Patapos na ang sem at finals week na namin ngayon. Halos anim na buwan na rin pala ang nakalipas simula nung mag-desisyon akong mag-umpisa ng panibagong yugto. Walong buwan na rin simula nung umalis si Luke at mag-iisang buwan na siyang hindi masyadong nag-paparamdam sa akin. Para siyang kabuting pasulpot sulpot.

Pilit kong inalis sa isipan ko lahat ng negativities na pumapasok sa utak ko habang nandito ako sa Train. Baka makalimutan ko pa ang lahat ng inaral ko kapag pinatuloy ko ang pag-iisip ng kung anu-ano.

"Yow, Lau." Bati sa akin ni Sam pag-pasok na pag-pasok ko sa classroom.

"Yow. Nag-aral ka?" Tanong ko dito.

"Matik." Sagot niya at tsaka naman dumating ang iba pa naming kaklase.

"Gagi, kinakabahan na ako." Sabi ni Meng. "Baka walang lumabas sa inaral ko."

"Eh wala ka namang inaral gaga! Pano'y halos ibuhos mo na ang oras mo sa jowa mong patapon." Prangkang sagot ng best friend niyang si Niña. Ngumuso naman si Meng. Sanay na sanay na siya sa pagiging prangka ni Niña.

"Palibhasa ay di ka pa nag-kakajowa kaya hindi mo maintindihan eh." Pang-aasar ni Meng.

"Mas mabuti naman no. Kaysa ganyan, pa-tanga tanga ka."

Natatawang nag-tinginan na lang kami ni Sam.

"Tawa tawa kayo diyan, ba't hindi na lang kaya maging kayo?" Sabi ni Meng sa aming dalawa ni Sam.

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now