IVAN
Nasaloob kami ng bahay ni Yuki. Maliit lamang ito. Hindi nalalayo sa itsura ng apartment ko. Nakapalibot kami sa isang pabilog na lamesa, habang mga monoblock lang ang aming inuupuan. Ilang kembot lamang sa puwesto namin ang banyo. Sa gilid namin ay may isang double deck na tila kinakalawang na. May mga laruan ng bata sa itaas na higaan. Samantalang halatang si Yuki ang natutulog sa lower bed dahil nakita ko roon ang mga pamilyar na Trigonometry book ng Eastampton.
Alam kong pinapanood ako ni Yuki habang sinusuyod ko ng tingin ang buong bahay. Marahang umiikot ang mata ko, hindi ko napigilang mapangiti kahit kaunti nang may nakita akong kumpol ng damit na nakasampay sa bintana.
"Cute," I mouthed.
Nakasabit sa desipit na hanger ang mga brief niya. Uraurada siyang tumayo nang mapagtanto niya ang tinitignan ko.
"Pambihira, ano ba kasing ginagawa ninyo rito?" Siya pa ang may ganang magreklamo habang itinatago sa kung saan ang sinampay niya.
"May ibibigay kasi sayo si Ivan," sagot ni Andi. Abala ito sa paglatag ng mga pagkaing fried chicken at spaghetti na inorder ko sa fast food at idiniliber sa bahay ni Yuki.
Nginuso ako ni Andi. She was looking at me as if she wanted me to hand Yuki the module. But I'm not in the mood to talk to the guy. Kanina pa ko nagpipigil ng mga sasabihin ko. Nakakamao pa rin ang kaliwang kamay ko. I squeezed it harder when I suddenly felt a tight hold mula sa maliit na kamay na nakahawak sa hinliliit ng kanang kamay ko.
"Puwede na po akong kumain?" The clouds in my head were blown away by a soft voice. Kite was holding me. Magaspang ang kamay niya, pero malambot. Andi and I took care of his knee. We even wiped Kite's face na sobrang dungis kanina at ngayon ay bagong bihis na rin siya.
"Oo, naman. Para sa atin iyan." I smiled at him. Panay ang yuko niya. "Nahihiya ka ba, Kite?"
"Ngayon lang po ako makakatikim ng spaghetti. Minsan pinapanood ko lang ang mga kapitbahay ko na kumain niyan sa bintana nila, e."
Sometimes ang galit ko sa mundo ay parang isang blackhole na palagi akong hinihigop. Isang maitim na vortex patungo sa kawalan na alam kong hindi ko kayang pigilan. But when Kite said that, all the images of the end of the universe in my mind vanished in a snap.
Pero alam kong babalik ang mga imaheng iyon sa utak ko. Alam kong babalik ang mga galit na naipon sa puso ko. Pero ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi awa at lungkot para sa batang nanghihingi pa ng permiso kung puwede siyang kumain ng masarap.
I don't know what gotten into me. Umalis ako sa upuan ko at yumuko sa harapan ni Kite. Niyakap ko siya. I felt my throat thrembling. Naramdaman kong napupuno ng tubig ang sinuses ko hanggang sa umagos ang lahat ng luha ko. I was just there, letting those fucking emotions flow out of my eyes na hindi ko ma-figure out kung saan nanggagaling.
I remembered something. One painful night many years ago. I remember my pet birds. Noong gabing inabanduna ko sila. Noong gabing inabanduna rin ako.
"Ivan." I felt Yuki's hand on my shoulder. May mga bandage na rin ang galos sa kamay niya. "Okay ka lang?"
Aligaga akong tumayo. Pinunasan ko ang mga pisngi ko. Kaharap ko si Yuki na tila nagulat sa aking naging reaksyon. My fucking tears won't stop falling.
Tumingin ako sa itaas. I was trying my best to stop the water from coming down my eyes. Natatawa na lang ako habang nakatingala at sinisipon dahil bumabalik na sa ilong ko ang mga luha ko. Sa tagal ko siguro sa ganoong posisyon, nabilang ko na ang mga butas sa bubong ng bahay ni Yuki.
"23," ani ko.
"Ano 'yon?" tanong ni Yuki.
"Wala," I said habang marahang umuupo.
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...