"Sino kamo ang ihahatid ang kaluluwa kay kamatayan?" Malamig ang boses na ulit ni Elanher sa huling sinabi. His hands were crossed in front of his chest as he watched those wretched people torturing Mirabelle. He couldn't help but frown deeply when he felt the itchiness in his heart while watching Mirabelle in pain.
Matapos lisanin ang palasyo ng Eiecektro ay dito dumiretso sina Elanher at Keili. At tama nga ang hinala ni Elanher na may harang na nakapalibot sa kinaroroonan ni Mirabelle dahil sa labas niyon ay naghihintay ang paro-paru at ang phoenix na inutusan niya upang hanapin ang babae. Gamit ang gintong salagubang na binigay ni Xavier ay nagawang makapasok ng dalawa nang walang kahirap-hirap sa loob ng isang bodega. Hindi iyon nakikita ng sinuman sa labas dahil sa hindi nakikitang harang. The golden beetle gnawed a hole in the barrier, so the two could enter. Ngunit ang mga tao sa loob ay tila hindi alam ang tungkol sa harang dahil kontrolado ito ng isang nilalang na siya niyang aalamin.
"Sino kayo at paano kayo nakapasok dito?" The man of the family asked with his anger visible on his face. Mabilis itong humugot ng baril at itinutok kay Elanher. Si Keili lang ang kilala ng mga ito pero dahil gumamit ito ng magic cloak, isang cloak na kayang maging invisible sa harap ninuman, ay hindi ito nakikita ng mga kumidnap kay Mirabelle.
Walang ideya si Elanher kung sino ang mga kaharap niya basta sinabi sa kanya ni Keili na ito ang mga taong nais sumakop sa hacienda. Ang tanging alam niya ay gusto niyang lusawin sa kamay ang mga ito dahil sa ginawa ng mga ito kay Mirabelle. Kung nakinig lang sana siya agad sa mayordoma ay baka hindi sana ito nangyari sa dalaga. Pero dahil isa siyang Heralm ay hindi niya pwedeng pagsisihan ang ginawa.
"Ang sabi mo isa siyang gintong dragon pero bakit wala akong naamoy sa dugo niya?" Nangungunot ang noo na tanong ni Elanher kay Keili pero ang mata ay nakatutok sa nakagapos at duguang si Mirabelle. Napahigpit ang hawak niya sa Elhalbedier dahil sa galit na unti-unting umuusbong.
"Of course, she is. Kailan ba ako nagkakamali ng sapantaha?" Nakangisi namang sagot ni Keili. Katulad niya ay nakakrus din ang braso nito sa harap ng dibdib habang nakatitig kay Mirabelle. Nanatili silang nakatayo sa pintuan ng bodega, magkabilaan. They looked like demons ready to slaughter humankind.
Elanher nodded. Isa sa kapangyarihan ni Keili ang magbasa ng katauhan ng tao o anumang nilalang kaya nito nakilala si Mirabelle. Pero matagal, halos daang taon, na itong namamalagi sa mundo ng mga mortal bago nito nahanap si Mirabelle.
"Then why is she hurt? At bakit hindi ko maamoy ang dugo ng dragon sa kanya? At bakit hindi niya kayang depensahan ang sarili niya?" Sunod-sunod na tanong ni Elanher. Lumipat ang tingin niya sa tiyuhin ng dalaga kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kanya. Tumaas ang isa niyang kilay. Want to fight me, huh?
"Your Heralm, have you forgotten? Isa pang birhen si Mirabelle. Hindi pa napipisa ang unang katas niya. At iyon ang kailangan mong makuha para manumbalik at mapanatili ang lakas mo, ang unang katas ng birheng dragon. Kapag napisa mo iyon ay saka gigising ang dugo ng dragon sa katauhan ni Mirabelle."
Habang nagsasalita si Keili ay nakatingin pa rin ito kay Mirabelle na unti-unti nang nawawalan ng malay. Dahil hindi ito nakikita ng mga naroon ay nag-umpisa itong maglakad patungo sa kinaroroonan ng alaga nito. He walked nonchalantly and Elanher watched him with a cold smirk on his face. Nararamdaman niyang may ibang nilalang ang nasa loob ng bodega at alam niyang 'yon ang kumokontrol sa pag-iisip ng pamilya ng Tiyuhin ni Mirabelle.
The Chronos are the invisible engkantos who were the masters of barrier benders.
"Ayaw mong sumagot? Ang lakas ng loob mong sumugod dito nang mag-isa. Akala mo kaya mo kami?" angil naman ni Jovito. Humigpit ang pagkakahawak nito sa duguang kamay ni Mirabelle.
BINABASA MO ANG
Ang Engkantong Malibog
General FictionKinakailangan ni Elanher ang katas ng babae upang mapanatili ang kanyang malakas na kapangyarihan at upang manatili sa kanyang pamumuno ang kaharian ng mga Engkanto. Dahil dito ay nabansagan siya na isang walang kwentang lider ng kanyang nasasakupan...