May mga oras na napapatanong ako kung... may patutunguhan pa ba ako? Mahirap pala pumasok sa isang sitwasyon na parang walang proseso, walang usad, o kaya'y nananatili kung saan lamang ang unang posisyon.
Ngunit gayunpaman, sisikapin kong makaalis kung saan man ako ngayon. Sisikapin kong makalakad sa daanang natigil ang pangarap kong nais makaahon.
Baka sa susunod, uusad din kasabay ng panahon. Aayon din kahit hindi pa ngayon. Talagang malayo pa, pero alam kong malayo na ako sa dati noon.
BINABASA MO ANG
Talaarawan
Non-FictionAng "talaarawan" ay ginawa para sa aking sarili at sa mga taong nasa proseso pa lamang ng paghilom. May mga araw man na hindi umaayon sa atin ang panahon, tandaan pa rin natin na may isang lugar pa upang tayo'y doon maghilom. "Saan?" "Sa dalampasiga...