Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam sa tuwing makikita ng aking mga mata ang asul at kalmadong mga alon. Kasabay ang malamig na simoy ng hangin ay mas lalo pa akong nangingisay sa tuwa't nais nang tumalon.
Talagang isa na akong tagahanga ng dagat. Sila ang tanging naghihilom sa pusong may sugat. Sa tuwing nasa mababang sitwasyon, nandoon nakikiramay ang mga alon.
Salamat sa dagat, kahit maalat, hinihilom ang pusong may sugat.
BINABASA MO ANG
Talaarawan
Non-FictionAng "talaarawan" ay ginawa para sa aking sarili at sa mga taong nasa proseso pa lamang ng paghilom. May mga araw man na hindi umaayon sa atin ang panahon, tandaan pa rin natin na may isang lugar pa upang tayo'y doon maghilom. "Saan?" "Sa dalampasiga...