Bigla akong natulala nang dahan-dahan siyang kumalas at umatras. Humarap siya sa likod at humawak sa itaas ng aparador.
Kumurapa ako habang pigil ang hiningang tinitignan siya ng may pagtataka. Hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa, ang daming pumapasok sa isipan ko.
"Eric" I softly called his name
"Get out."
"Are you going to free me?" naiiyak ako
Bigla siyang humarap at galit na hinila ang mga braso ko para mapalapit ako sakanya.
"You are carrying my surname, and you will be carrying my children soon."
Sobrang naguguluhan ako sakanya "Pero nangako ka?! nangako ka sakin na papalayain mo ako sa oras na--"
"P*tang*na, asawa kita Catleya!"
Nagpaumiglas ako at inagaw ang braso ko "Nangako ka! nangako ka saking papayagan mo akong makaalis na t*ang*nang imperyanong ito!" dinuro ko siya
"Kahit kailan ay hinding hindi ka makakaalis sa bahay na ito. Dahil tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay saating dalawa."
Seryoso ko siyang tinignan.
You ruined my life.
You took away my youth.
You made me lifeless.
"You can have my body, you can take my name, but you'll never have my heart."
Inilabas ko ang kutsilyong hawak ko at itinutok sa leeg ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat nang makita niyang naka-diin sa leeg ko ang patalim. Pero bago pa siya makalapit saakin ay ipinikit ko ang aking mga mata at nilaslas ang aking leeg.
Pagkatumba ko sa sahig ay kitang-kita ko ang mabilis niyang paglapit at ang pag-alalay niya saaking ulo habang tinatawag ang pangalan ko.
Until I closed my eyes.
Naranasan ko nga bang mabuhay ng normal? dahil sa tingin ko ay hindi. Hindi ko pa nga naranasang maging masaya, napunta na naman ako sa isang panibagong miserableng sitwasyon. Kung maibabalik ko lang sana ang oras, pipiliin kong umalis at lumayo sa lugar na ito, para hindi na sana nagkatagpo ang aming landas at hindi na sana mas nasira ang buhay ko.
Alam nga ba niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal? dahil sa sitwasyon ko ay sobrang nasasakal na ako, hindi ako makahinga sa ginagawa niya, pagmamahal pa nga ba ito? sa totoo lang ay binigay naman niya lahat sakin, oras, atensyon, kalabisang pagmamahal, at lahat ng klase ng luho na hindi ko kailanman inaasahang makukuha ko, ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay may hindi pa siya nakukuha mula saakin at yun ay ang aking pagmamahal. Hindi ko alam pero hindi ko talaga kayang buksan ang puso ko para sakanya, na kahit kaunti espasyo ay hindi ko talaga maibigay.
When I was young, i dreamed of a man who would love me as much as he loves himself, someone who would give me everything that I need, someone who will treat me as his queen and will protect me from everything that would harm me. But now that I have him, I had the biggest regret. Because insetad of love, i feared him the most.
Paggising ko ay nakita kong nasa loob ako ng kwarto ko, nakahiga sa malawak na kama. Umaga na dahil nakikita ko ang sinag ng araw sa likod ng kurtina kong naka-sara. Gagalaw sana ako pero nakaramdam ako ng sakit sa aking leeg kaya kinapa ko ito at napagtantong may benda ito. Kinapa ko ang salamin sa gilid at nakitang ginamot na ito.
Hindi niya ako dinala sa ospital, dahil nangangamba siyang baka tumakas ako mula sakanya. Maingat akong umupo kasi masakit ang leeg ko at hindi ako makagalaw ng maayos, tinanggal ko rin ang makapal na itim na kumot saaking binti dahil naiinitan ako. Tinignan ko ang lamesa sa tabi at nakitang nagkalat ang mga gamot, bandage at cotton balls na may bahid ng dugo.
Nagulat ako nang biglang bumukas ng malakas ang pintuan kaya tinignan ko kung sino ito. Umiwas ako ng tingin noong makita ko kung sino ang pumasok, padabog niya ito isinara. Napausog ako nang ibato niya ang isang notebook sa kama at muntik na akong matamaan.
Nang makita kong pamilyar ito dahil sa cover nitong may mga disenyo ng bulaklak kaya agad ko itong kinuha at itinago sa likuran ko nang lumapit siya at pwersahan itong hablutin mula saakin. Binuksan niya ang isang pahina nito at binasa ng malakas.
"Every day was like a living hell for me inside this mansion. Every time that passes by feels as if my days are numbered, I have no freedom. But i am still hoping to escape from this place as soon as possible--"
Nagulat ako nang hablutin niya ang picture frame na may larawan naming dalawa at ibato ito sa sahig. Bigla niyang pinunit ang lahat ng pahina ng aking talaarawan at sinira ito. Umupo siya sa harapan ko at sinakal ako.
"A-aray--Masakit ang sugat ko" nagsumamo ako sakanay habang pilit na tinatanggal ang kamay niyang dumidikit sa mahapding sugat ng aking leeg
"May balak kang iwan ako?" tumawa siya ng sarkastiko "Sumagot ka!"
"Masakit ang s-sugat ko.."
Galit niya akong itinulak sa headboard ng higaan ko. Kinuha niya ang lighter sa kanyang bulsa at sinunog ang talaarawan ko sa mismong harapan ko. Kaunti nalang ay ilapit niya sakin ang nasusunog na notebook ko.
"Lalo kitang pahihirapan Catleya.
Maghihirap ka hanggang sa masasabi mo na lamang na hindi mo na kaya. Araw-araw ko sayong ipaparamdam kung ano ang pakiramdam ng maging asawa ko. Your whole life is mine, and that includes your breath, your mind, your body. Hinding-hindi kita pakakawalan kahit anong gawin mo, the more you'll resist from me, the more ill have fun making you stay in different ways you could never imagine. Lagi mo itong isaksak sa isipan mo, na gagawa ako ng pamilya ng kasama ka."Tumayo siya habang ako ay naiwang nakaupo at umiiyak habang nakahawak sa sugat sa leeg ko na dumudugo. Tinignan ko siya ng may galit at pagmamakaawa. Bago siya lumabas at isara ang pintuan ay nagsalita muna siya.
"Wala kang kasalanan. Tanging ang tadhana lamang ang dahilan kung bakit narito ka sa sitwasyong ito ngayon."
BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
Storie d'amoreHe was a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She was a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one...