"Buti nalang hindi ka natanggal sa trabaho," Mary said and chuckle.
Ngumiti ako sa'kaniya. Ilang araw na ang nakalipas simula noong naganap sa dining room. Sinabi kong pagsisilbihan ko siya day and night but I don't know how to start. Hindi niya rin naman ako tinatawag. Hindi niya naman pinapatunog ang bell.
"Mary, may alam kaba kung bakit ganoon nalang nila ituring si Senorito Uno?" I ask.
Kumunot naman ang noo niya. "Kakaiba ka rin gurl! Bakit ba ang dami mong tanong tungkol sa kaniya?" Tanong niya. "Sabagay gwapo naman siya."
Namilog ang mata ko at agad na umiling. "No! It's not what you're thinking. Gusto ko lang malaman. Curious lang ako," I said.
Naningkit ang mata niya kaya hinampas ko siya at tinawanan nalang ang hiya at kaba. Kakaiba mag isip si Mary. I'm helping her watering the plants and cleaning the garden. Wala naman kasi akong ginagawa tuwing umaga. Inaalam ko rin ang pasikotsikot dito sa bahay. Baka may malaman akong impormasyon sa mga katulong dito.
"Ang totoo niyan noon paman malamig at mahigpit na talaga sila kay Senorito Uno Ventricos. Hindi namin alam kung bakit. Apat na taon na ako rito pero kahit isang dahilan wala kaming makalap kung bakit ganoon nalang ang pakikitungo nila kay Senorito Uno."
"Hindi ba sinasabi sa inyo ni Manang Linda?" I ask.
Umiling naman siya at bumuntonghininga. "Matagal na si Manang Linda dito. At ayon sa kanila, isang matalik na kaibigan ni Senora Laura si Manang Linda."
Ngumuso ako at napatitig sa pulang rosas sa harapan. Hanggang ngayon nagtataka parin ako sa pinakita nilang pagtrato sa pinagsisilbihan ko. Gusto ko ng kasagutan!
"Pero alam mo may narinig ako," bulong ni Mary at lumapit sa akin.
"Ano?"
"Kilala mo si Ella diba?" Bulong niya. I nodded. "Hindi siya tao."
"Huh?" Kunot noo ko siyang tiningnan. Nagbibiro ba siya?
"Oo nga! Ayaw mong maniwala? Hindi siya-"
"Pinag-uusapan niyo ba ako?!"
Napaatras ako sa gulat at muntik ng mabitawan ang hose dahil sa gulat. Ella was frowning while looking at us.
"Nakakagulat ka naman!" Inis kong sabi sa kaniya.
Umirap naman siya.
"How'd you know that we're talking about you?" I ask.
"Narinig ko ang pangalan ko," Ani niya at matapang na humakbang palapit saamin.
I smirk and give the hose back to Mary. Ella is different, siya lang ang nag iisang katulong dito na hindi ko close.
"Paano mo naman narinig?" I ask.
"Hindi ako bingi!"
Tumaas ang isa kong kilay. "Really? Baka naman kanina kapa nakasunod sa amin kaya narinig mo." I said. Ang totoo kuryuso ako kung bakit narinig niya.
Kumunot ang kaniyang noo at hindi agad nakasagot.
"Totoo? Nakikinig ka sa usapan namin?" Tanong ni Mary.
Nilingon niya si Mary gamit ang matalim niyang tingin. "Hindi ako chismosa gaya mo!"
"Eh, gaga ka pala ba't ka nandito? Ba't ka nakikinig sa usapan ng may usapan?!" Inis na nagpamaywang si Mary.
"I said I heard my name-"
"Woah! Anong meron dito?"
My brows furrowed when someone appear in front of us with demonic yet playful aura.
YOU ARE READING
Dancing Under The Moonlight | Uno Ventricos Laviore #1
Random"Let the wind whisper and let the moon speak to you..."