Ako si Beverly Hans Gonzaga, isa akong sikat at in demand na Fashion Designer from Europe. Ngayon ang Flight ko pauwi ng Pilipinas at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
Handa na nga ba akong bumalik ng Pilipinas?
Handa na nga ba akong bumalik kung Saan namatay ang mga Magulang ko?
Handa na nga ba akong tanggapin ang lahat ng nangyari?
Maraming pang mga tanong na walang kasagutan sa aking isip, Masaya naman ako na Makita ulit ang aking mga Kababata.
Si Jayden Dela Cruz na isang may-ari ng Kompanya ng mga Sapatos.
Si Joe Gonzales na isang magaling na Aktor.
Si Joshua Garciano na may-ari ng isang Security Agency.
Si Winston Marlbos na isang may-ari ng mga Sikat na Department Store.
Si Philip Might na may mga Beach Resorts sa buong Pilipinas.
At higit sa lahat si General MJ na aking Bestfriend at Ex Boyfriend. Close ko Silang lahat dahil magkakasabay kaming lumaki.
Si General MJ ay inampon ng aking mga Magulang at pinag-aral hanggang sa nag Sundalo ito at tumaas ang Posisyon.
Simula ng nawala ang mga Magulang ko ay nakipag hiwalay ako kay General MJ bago ako pumunta sa Europe para manirahan at makipag sapalara.
Hiniling ni General MJ na magbibitaw ito sa Army at Dalawa Silang aalis papuntang Europe. Ngunit hindi ako pumayag, matagal nitong pinag paguran para tumaas ang Posisyon nito.
Ayaw ko din na masayang ang Pangarap niya pati ang pagpapa aral sa kaniya ng mga Magulang ko.
Ang sabi ko na lamang sakaniya ay babalik ako ngunit hindi ko alam kung kailan, kapag sinundan niya Ako ay magagalit ako. Pumayag na lamang si General MJ at mga Kababata ko.
Ni minsan ay hindi nila ako kinulit na bumalik sa Pilipinas siguro dahil nakikita at alam nila na Masaya na ako sa Europe.
Malayo man ako ay hindi naging dahilan iyon para mawalan ako ng Komunikasyon sa kanila. Madalas pa rin kaming nagtatawagan at nagka kamustahan.
Mayroon na akong tutuluyan sa Makati na isang Condo, binili ko ito at pinalakad kay General MJ habang nasa Europe ako. May maglilinis din doon Evey weekends kaya hindi masyadong madumi.
Surprise visit ko ito at walang nakaka alam sa kanilang lahat, ayaw ko na abalahin pa Sila sa kanilang mga Gawain sa Buhay. Balak ko na lamang tawagan Sila kapag nakapag pahinga na ako at papuntahin ko na lamang Sila sa Condo ko.
Kalalapag pa lamang ng Airplane at mabilis akong maglakad palabas dito.
Ramdam ko agad ang init ng hangin, summer ngayon dito at mas lalong uminit kumpara noong andito pa ako nakatira.Dumerecho ako sa isang Restaurant matapos nito ay naligo na muna ako sa Condo ko, para na rin makapag pahinga bago ako pumunta sa Puntod ng Parents ko. Sila ang uunahin kong pasyalan at kwentuhan.
Pagkatapos maligo ay hindi siya makatulog kaya naman nagbihis Siya at pumunta na lamang sa Puntod ng Parents niya. Umiyak ako sa harap ng kanilang Puntod dahil miss na miss ko na Sila.
Bumili muna ako ng mga Kandila at Bulaklak tapos ay pumunta na ako sa Libingan.
Mom and Dad,
How are you there? I'm sorry ngayon lamang po ulit Ako nakadalaw, super miss na miss na miss ko na po kayo!
I love both po!
Pagkatapos ni Beverly mag alay ng Panalangin para sa kaniyang Parents ay hindi pa rin Siya inaantok, padilim na ang paligid kaya naman pinili ko na lamang mag Bar upang makatulog ako.
BINABASA MO ANG
POSSESIVE WILD SERIES #5 ; Please Me by Beverly AND Capt. Salcedo
RomanceROM-COM ‼️‼️‼️ Si Beverly Hans Gonzaga ay isang Fashion Designer slash Model sa Europe. Paglipas ng mahabang Taon ay ngayon na lamang ito uuwi ng Pilipinas. Masalimuot ang dahilan kung bakit nito iniwan ang Bansa. Namatay ang kaniyang mga Magulang...