OneShot Story

3 0 0
                                    


______

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan"
Mabagal at nakangiting kanta nito habang nakaharap sa malaking puno.

"Wala sa likod, wala sa harap. Pag bilang kong tatlo nakatago na kayo"

"Please, Kely !! Wag mong gawin samin to" biglang lumuhod ang isang babae at nagmamakaawa.

"Isa....."

Mabagal na bilang nito.

"Please , Kely !! Nagmamakaawa ako sayo." hindi na maipinta ang mukha ng babaeng nakaluhod ..

Walang tigil ang luhang lumalabas sa kanya .. Kahit ang buong katawan nya nangangatal na sa takot na nararamdaman nya.

"Bakit ka nagmamakaawa, Cheska ?? Itinutuloy ko lang naman ang larong hindi natin natapos noong bata pa tayo." mabagal nyang salita.

Nakaharap pa din sa malaking puno ang babaeng nagngangalang Kely.

"Dalawa ...... Magtago ka na rin Cheska .. Dahil pag tapos kung bigkasin ang huling numero .."

Humarap ito kay Cheska na puro dugo ang luha .. Madungis na pagmumukha at kasuotan , at may magulong buhok ..

"No !! No !! No !! No !! Please !! Kely, Please!!"

"Magtago kana Cheska , katulad ng ginawa mo sa akin dati. Nagtago ka at iniwan ako sa mga hinâyupâk mong mga kapatid , na walang ginawa kundi ang gâhâsâin ako ng paulit ulit at pag-sâsâksâkin hanggang sa mawalan ako ng hininga." walang tigil ang pag iyak nya ng dugo.

Ngumiti ng nakakatakot si Kely habang titig na titig sa mga mata ni Cheska ..

"Tatlo ..."

Mabilis na tumakbo si Kely kay Cheska at sinakal ito hanggang sa malagutan ng hininga si Cheska.

______

A/N : DO NOT REPOST
PLEASE REPECT

HIDE and SEEK (Completed Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon