Chapter 11:

2 0 0
                                    

Queen's POV

Nakakapagod. Nakakastress.

Alam niyo ba ang pinagawa sakin ni Danilo Ford?

Siyempre hindi.

Kasi naman eh!

Siguraduhin ko daw maayos ko ang relasyon nila ni cassandra!

Wow diba? Anong kinalaman ng mga narinig ko dun?

Ay.. Meron nga pala.

Pero kahit pa! Siya dapat ang gumagawa ng move para maayos nila ang relasyon na yon diba?

Bakit pinapahirapan niya ako? Diba dapat ang ginagawa niya eh magpakabait siya sakin para naman hindi ko ipagkalat ang narinig ko diba?

At isa pa, kung ipagkakalat ko man yun, may maniniwala ba? Diba wala? Sino ba naman ako sa university na to? Baka nga ako pa ang mabash kapag nagsalita ako diba?

Ang akala ko ba naman matalino ang danilo ford na yan. Bopols din naman pala.

Hindi nagiisip!

Ano kaya kung.. Ay pakshet oo nga pala. Hindi ako makakatakas sakanya kasi siya naman ang sisira saakin.

Ano bang kailangan niya??

"Miss takeout?" Tanong nung kahera ng 7 eleven sakin.

"Hindi. Dito ko yan kakainin" sagot ko

Nginitian niya ako at nagbayad na ako ng binili ko

"Yes! Hotdog sandwich na maanghang! Na miss kita!" Bulong ko sa sarili ko

Tapos bumili din ako ng Sola raspberry icedtea.

Perfect combi!

Naupo ako sa mga upuan ng 7eleven at nagsimula ng kumain.

8:00 na ng gabi pero lumabas talaga ako para kumain.

Namimiss ko na kasi tong mga pagkain dito. Lalo na tong hotdog sandwich

Bigla kong naala yung jijimamons. Napangiti ako bigla. Kahit naman nakakainis ang mga salita nung mga jejemon na yun, nakakagaan parin sila ng loob.

Totoong kaibigan parin naman ang turing ko sakanila.

Nakita ko kasi yung group of friends sa labas ng store na to, tapos nagtatawanan sila at nagtutulakan.

Namiss ko tuloy sila. Hindi na namin nagagawa yung game of the century. Tapos bihira ko na kasi sila makasama.

Si mitch at elle yung bihira talaga, kasi si gia naman best friend ko talaga yun kaya madalas kami magusap. Si Abi naman member din siya ng photography club. Kaya si mitch at elle talaga yung di ko na nakakajamming.

Pero mas masaya sana kung sama sama kami diba?

Hay.

Naubos na yung sandwich ko. Hmmm Bibili nalang ulit ako heheh

**

Welcome Students! Happy 143rd Anniversary!

May nakasabit na banner sa labas ng school.

"143rd?" Bulong ko

"It means I love you" may bumulong sa gilid ng tenga ko kaya naman nagulat ako at hinarap ko yung taong yun

Tiningnan ko ng masama yung lalaking yun. Sino pa ba eh di si Kingkong siyempre!

"Tanga!" Sigaw ko sakanya

"143 means I hate you!" Sigaw ko ulit

"The more you hate, the more you love" mahinang sagot niya tapos kinindatan ako

Our Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon