Queen's POV
"Hi Queen, tara kain tayo? Nagugutom na kasi ako eh. Saan mo ba gusto?" Tanong ng makulit na nilalang na to saakin
"Ikaw bahala" sagot ko
"San yun? Wala naman akong alam na Ikaw Bahala Restaurant o canteen o booth dito ah" pamimilosopo ni king
1 Month queen. 1 Month lang.
"What the." Sagot ko at tiningnan ko siya ng masama
"Ah eh alam ko na! May alam ako ditong sobrang sarap na kainan sa school natin! Madalas nga akong nakain doon eh" nakangiting sagot ni king
"Tara!" Excited na sagot niya at hinila niya ako papunta kung saan man
"Aling Sesilya?" Mahinang tanong ko nung matanaw ko ang tindahan ni aling sesilya
Pero nadinig parin pala ni king.
"Huh? Kilala mo siya? Nakain ka din dito?" Tanong niya saakin nung makarating kami sa harap ni aling sesilya
Oo nga pala, naikwento ni aling sesilya na madalas din daw yung king dito na inuubos ang paninda niya. At etong kasama ko lang naman ang kilala kong king. Kaya for sure siya na yung kinekwento ni aling sesilya.
"Oo eh. Hi aling sesilya! Na miss ko mga tinda mo!" Nakangiti kong bati sakanya
"Oh iha, buti naman at nagkakilala na kayo? Aba't kakaiba nga talaga ang tadhana, hindi mo aasahan ang mga mangyayari" sagot ni aling sesilya
"Oho. Unfortunately." Pabulong kong sagot
"Anong unfortunately? Swerte nga oh! Nagkakilala ang Royalties!" Sagot ni king
Tiningnan ko nalang siya ng masama.
"Pasalamat ka nga at nakalimutan ko yung neckless chater" mahinang sagot ni king pero narinig ko
"Anong sabi mo?" Nagsalubong ang kilay ko at Nanlaki ang mga mata ko sakanya
Naalala niya parin yun? Wahhh
"Ha? Hindi kita kausap noh! Sabi ko sampung isaw at sampung quek quek" tumingin agad si king kay aling sesilya
"Oh dinig mo yon aling sesilya?" Tanong ni king
"Oo naman iho. Alam na alam ko na ang mga gusto mong kinakain eh" sagot ni aling sesilya
Inirapan ko nalang siya. Pero nakita kong ngumiti siya.
"Oh eto, limang isaw at limang quek quek. Libre ko yan!"
"Salamat" kinuha ko sa kamay niya yung mga pagkain at naupo kami sa gilid ng cart ni aling sesilya.
May mga upuan at lamesa kasi doon sa gilid ng cart niya. Marami kasi ang kumakain dito dahil nga sa dabest ang mga pagkain ni aling sesilya.
"Madalas ka din pala dito?" Tanong ni king saakin
"Oo naman. Gustong gusto ko nga ubusin ang paninda niya araw araw" natawa siya sa sinabi ko
"Ang takaw mo pala. Parang ako" nakangiting sagot niya
Ngumiti nalang din ako sakanya at pinagpatuloy ang pagkain.
"Buti nalang hindi tayo ang assigned sa photography club na kumuha ng mga litrato ngayong 1st day no?" Tanong niya saakin habang kinakagat niya ang isaw
"Oo nga eh. Nakakastress din yun. Daming activities na babantayan mo simula hanggang matapos para lang makuhaan ng litrato." Sagot ko
"Pero masaya naman diba?"
BINABASA MO ANG
Our Love Game
Romance"This game you have started should be finished as soon as possible" -Queen Bhi