Chapter 10

1 0 0
                                    

His Secret

Herron‘s Pov

“Hm?”

Nilingon niya ako at ngumiti. Naalala ko lang ‘yong dati.” Alam ko ang tinutukoy niya.

Ang mga araw na dinala ko siya sa bahay namin at pinaramdam sa kan‘ya ang mga bagay na ‘yon. Hindi ko gustong pati sa bahay na ‘to saktan siya, pero wala akong control no‘n.

Dahan-dahan akong lumapit sa kan‘ya at niyakap siya. Marahan kong hinaplos ang likod niya.

Lo siento.”

Ramdam ko ang pag-ngiti niya kaya hiniwalay ko siya sa yakap.

Naalala ko lang, pero ayos na ‘di ba?” I chuckled and kissed her forehead.

“Oo nga pala, ang sabi mo kapag kasal na tayo lilipat dito?”

“I can‘t wait anymore.”

“Alam kong marami tayong magagandang ala-ala sa bahay na ‘yon, pero iba na ngayon.” I added.

“Uhm... mag-ayos na tayo.”

“Yeah,”

Tinulungan ko s‘yang magdala ng mga gamit sa k‘warto niya—yes, gaya ng sabi ko, may isang k‘warto rito para sa magiging anak namin, pero gagamitin muna ni Eashana.

Hindi pa rin p‘wede na magtabi kami dahil hindi pa kami kasal.

Gusto pa niya na unahin ang mga gamit sa sala at kusina, pero gusto kong makapag-pahinga siya ng maayos.

“ ‘yong k‘warto mo naman.” Saad niya nang matapos kami.

“No, sa sala at kusina muna.”

“Paano ‘yong sa ‘yo?”

“Mamaya na ‘yon, malapit na ang dinner, para maka-kain ka agad.” Ngumiti siya at tumango.

Hindi na kailanman pumasok pa sa isip ko ang sarili ko, dahil hanggang ngayon, dala ko pa rin ang kasalanan ko.

Bukod sa ginagawa ko ‘to para makabawi, ginagawa ko rin ‘to dahil ito ang dapat at tama.

“Anong gusto mong kainin?”

‘yong lagi mong niluluto.”

“Sure,”

Sumunod siya sa ‘kin sa kusina, kunting gamit lang dinala namin dahil ang bahay naming tatlo ang magiging puntahan namin kapag may okasyon.

And maybe it‘ll be Amare‘s child‘s house.

Since galing ‘yon kay tia and tio.

Tapos na kami sa teenage life, we‘re adults now.

Pero nakaka-miss at ang sarap balikan. Inangat ko ang tingin sa kan‘ya dahil kanina niya pa ako tinitingnan.

“Sobrang g‘wapo ko right?”

Hindi siya gumalaw pero unti-unting nawala ang pagkaka-ngiti niya. She‘s staring my dark hazel eyes.

“Baby?”

Gumalaw ang mga mata niya at umiwas na parang wala lang. Napangisi ako.

“Isasama kita bukas.” Maya maya pa‘y saad ko.

A Compassionate A Compassionless (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon