Herron‘s Pov
Nakangiti ako habang pinapanood s‘yang mamangha sa mga nakikita.
Para s‘yang bumalik sa pagka-bata, ang mga ngiti niya ay masaya at totoo.
“Herron, tingnan mo ‘to.” Tumapat siya sa maskarang statue.
Kinunan ko siya ng litrato. “Ang laki ng shop na ‘to at ang lawak.”
Humakbang ako palapit sa kan‘ya. “Gusto kong matupad ang pangarap mo.”
Umalis siya sa likod ng statue at lumapit sa ‘kin tsaka ako niyakap. Ngumiti ako at niyakap din siya.
“Hindi ko na alam ano ang gagawin, p‘wede bang ako naman ang mag-bigay sa ‘yo?”
I chuckled. “You‘re enough. You don‘t need to do the same.”
“Pero hindi naman p‘wedeng ikaw na lang lagi ang nagbibigay o—”
“Hindi ko ‘to ginagawa para suklian mo, ginagawa ko ‘to dahil ito ang dapat.”
“Thank you,” I kissed her head.
“Te queiro.” I whispered.
“Te queiro.”
(Trans: I love you.)
“Bukas, p‘wede ka nang magsimula. May mga inin-vite ako para bisitahin ang shop mo.”
“Nae-excite ako.”
“I know.”
++++++++++
Amare‘s Pov
“Pabalik na sila,” si Troi.
“Akala ko ba hindi na?” Si Lao.
“Si Eashana ang nag-insist.”
“Tinext ka niya?”
“They‘re here,” pare-pareho naming tiningnan ang tinitingnan niya.
That fast?
Para sa ‘kin mabilis na ‘yon—o baka nasanay na akong hindi naghihintay.
“I just know.” Saad pa niya kaya nabalik ang tingin namin sa kan‘ya.
“Pinapagana mo na naman ang pagiging detective mo.”
Tumawa kami sa sinabi ni Cyrell. Bata pa lang si Troi mahilig na siya magbasa ng mga libro tungkol sa mga crimes.
Ciphers, Tiles and Codes.
Kaya kahit hindi ‘yon ang tinapos niya, marami s‘yang alam.
“How‘s it?” Tanong ko nang maka-upo siya sa tabi ko, napapa-gitnaan namin siya ni Herron.
Nilingon niya ako at ngumiti. Aaminin kong na-miss ko ang ngiti niya at ang pagiging dikit namin.
“Masaya,” ngumiti ako nang ngumiti siya.
Nararamdaman ko naman.
Hindi ko rin alam kung anong dahilan para itanong ‘yon. O baka gusto ko lang ulit ng atensyon niya.
“Hi,” pare-pareho naming nilingon ang boses na ‘yon at pare-pareho rin kaming natigilan nang makita ang taong hindi aasahan.
Ilang buwan na rin ang nakalipas nang makausap siya ulit.
BINABASA MO ANG
A Compassionate A Compassionless (Book 2)
RomansI am now in this chapter, I am happy that we survived in our darkness, the darkness that I made. But I am wholeheartedly willing to change it. I am the cause and I am also the cause to make it new. I don't know what will happen, but in this chapter...