Chapter 12

3 0 0
                                    

Herron‘s Pov

“Uhm isasama mo ako?” I chuckled.

“Hindi p‘wedeng hindi, gusto kong kasama ka sa unang araw ko sa trabaho—bukas, p‘wede ka nang magsimula sa shop. Ang sabi ko naman, dadalhin kita sa mga lugar na una kong mapupuntahan.”

Ngumiti lang siya. “Go, magbihis ka na. Sa labas na lang tayo kakain.”

“Oum,”

Sandali ko pa s‘yang tiningnan bago lumabas ng k‘warto niya. Sinadiya ko talagang puntahan siya para sabihin ‘yon.

Kagabi pa ako nakangiti dahil sobrang excited ko sa unang araw—at kasama ang mahal ko.

Mahal ko?

Fvck, I‘m a man—pero kinikilig ako.

Paminsan-minsan kong kinakagat ang labi ko dahil walang tigil sa nakangiti. Lagi naman akong nakangiti at siya lang ang laging dahilan—but this one is different.

Black suit ang napili ko dahil mas bagay sa ‘kin ang ganitong kulay, nahinto ako sa pag-aayos ng k‘welyo nang bumukas ang pinto.

Pinasadahan ko siya ng tingin, nakasuot siya ng formal tube black plain dress above the knee and silver three inch heels. Nakalugay lang ang buhok niya. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya dahil agaw pansin ang k‘wintas na binigay ko sa kan‘ya. ‘yon lang ang accesories niya at ang bracelet na galing kay Amare at Exell.

Ayos lang sa ‘kin na suot niya ang mga ‘yon dahil kaibigan niya sila.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kan‘ya at hinapit siya sa beywang.

“Gorgeous.” Saad ko at hinalikan siya sa noo.

“Aayusin ko ang necktie mo.”

Kinuha niya sa isang kamay ko ang necktie at nakangiti s‘yang pinapanood na isuot sa ‘kin ‘yon.

Hawak ko pa rin siya sa beywang at hinila pa siya nang matapos siya.

“Let‘s go?”

“Oum,”

Inakay ko siya hanggang makalabas kami ng bahay. Inalalayan ko siya sa passenger seat at ako na rin ang naglagay ng seatbelt sa kan‘ya.

“I‘m excited—and a bit nervous.”

“Hindi ka,” nilingon ko siya. “Lagi rin kitang pupuntahan para dalhan ng lunch.”

“I would love that—pero mahihirapan ka pa kung pupunta ka para hatiran ako, nagta-trabaho ka na rin.”

“Ayos lang—”

“Ako na lang ang pupunta—”

“Mas marami ang aasikasuhin mo—”

“It‘s fine.”

“Ayaw mo na naman paawat.” Nakangusong saad niya.

I chuckled. “Hindi ko naman hahayaan na ikaw pa ang magpa-pagod.” Ngumiti lang siya.

Inabot ng isang kamay ko ang kamay n‘yang nasa mga hita niya at pinagsiklop ang mga kamay namin. Hindi ko inalis hanggang sa makarating kami sa Japanese Restaurant.

A Compassionate A Compassionless (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon