Chapter 13

5 0 0
                                    

Eashana‘s Pov

Bumalik kami ng k‘warto at nakaramdam ako ng ilang nang magkatinginan kami.

Hindi ko alam bakit ganito ako. Hindi ko rin naman aasahan na may... may... ganitong side ako.

“You‘re mother look innocent like you,” napa-angat ako ng tingin pero leeg niya ang nakita ko dahil nasa harap ko na pala siya at binulong ‘yon. “But she‘s like you. I saw them before she when we were young, she sits on your Father‘s lap.” Tsaka ko narinig ang matunog n‘yang ngisi.

“But I like it, I like what you did,” naramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko. “Go and sit, magpapahatid ako ng lunch.”

Hindi ako tumugon sa sinabi niya at sumunod lang. Nakayuko lang ako at nag-gigames.

Napa-angat ako ng tingin nang may kumatok. Tiningnan ko si Herron nang dahan-dahan s‘yang lumapit sa pinto at pinag-buksan ang secretary niya pero hindi niya pinapasok.

“Ito na Sir,”

“Thank you,”

Ngumiti lang ang babae at umalis, hindi ko naman inalis ang tingin kay Herron hanggang sa mag-tama ang tingin namin nang humarap na siya at naglakad palapit sa ‘kin.

“Kumain ka na,” inasikaso niya ang pagkain at tinapat sa ‘kin tsaka siya umupo sa upuan kaharap ko.

“Hindi ka kakain?”

Pinilit kong itago pa rin ang ilang, pero alam kong hindi na makakawala sa kan‘ya ‘yon dahil kilala na namin ang isa‘t-isa.

“I‘m still full,” diretso ang tingin niya sa mga mata ko nang sabihin ‘yon at nakaramdam ako ng ilang.

Umiwas ako ng tingin at tinuunan ang pagkain. “Take a rest after you eat and sleep.” Tumango lang ako.

Tumango ako at kumain na, pero hindi ako makakain ng maayos dahil nakatingin lang siya sa ‘kin.

Sanay na ako sa kan‘ya pero parang nawawala ‘yon dahil ganito siya kumilos.

“Uhm... b-bakit pala?”

Kumunot ang noo niya pero nawala rin ‘yon at parang naintindihan na niya.

“Masaya ako Eashana,” seryoso ang  mga tingin niya at ang sinabi niya kaya sa pangalan ko niya ako tinawag.
“I don‘t know what to do anymore.”

Tumabi siya sa ‘kin at hinawakan ang isa kong kamay at dinala niya ‘yon sa labi niya.

“Gusto kong sabihin ang pinaka-dahilan pero gusto kong surpresahin ka.”

“Gusto ko nang malaman.”

“You‘ll know on Sunday.”

Sunday?

Limang araw pa.

“Continue your food.” Tsaka niya ako mabilisang hinalikan, ngumiti siya nang lumayo. “Eat.”

A Compassionate A Compassionless (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon