Eashana‘s Pov
“Susunduin kita,” nakangiting saad niya.
Tumango ako at ngumiti rin. Hinalikan niya ako sa noo tsaka siya tumalikod. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.
Pumasok na ako sa loob at inayos ang mga dapat pang ayusin. Gumawa rin si Herron ng flyers at nag-post sa account niya para sa pag-a-apply rito.
Ako dapat ang gagawa no‘n pero gusto n‘yang siya, hindi naman ako makakatanggi kasi mapilit siya.
Ina-arrange ko ang ibang display at ang huli, ang picture namin nila mama at papa, dahil sila ang dahilan kung bakit ako nandito.
Dinisplay ko rin ang picture naming tatlo ni Amare at Herron, ang family picture nila, ‘yong kaming lahat, kasama na rin ‘yong kaming eleven, ang picture naming dalawa ni Amare at kami ni Herron.
Pero mas mapapansin ‘yong iginuhit ko—‘yong pinasa ko para makapasok sa arts club. Nakangiti ko ‘yong minamasdan.
++++++++++
Amare‘s Pov
Napabuntong hininga ako sa lalim ng iniisip, parang wala na akong patutunguhan, hindi ko na alam kung ano pa ang tatahakin.
Matagal din akong mananatili sa Madrid at gusto ko, ‘pag nakabalik ako wala na akong nararamdaman kay Eashana.
Wala pa man, pero pinaplano ko na.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil kailan lang nang sabihin ko kay Herron ang totoo kay Eashana tapos gusto ko naman s‘yang kalimutan.
“Aalis na ako.” Tsaka ako tumayo, tumango lang siya at tuloy-tuloy nang lumabas ng office niya.
Mag-isa man ako sa bahay, nakakayanan naman.
Wala rin namang k‘wenta kung pipiliin kong manatili sa bahay namin—dahil na wala na sila, ma-mimiss ko lang ang mga nangyari sa bahay na ‘yon.
(“Kailan mo balak pumunta rito Amare? Alam mo bang nagagalit na ang Abuelo mo?”)
Hindi ako nagsasalita pay dating sa mga bagay bagay, hindi rin ako mahilig maki-alam kung wala namang dapat paki-alaman.
Pero hindi ko gusto ang gusto nila, kailangan bang isunod sa magulang ang dapat na magiging profession ng anak?
Hindi ako makapaniwala.
++++++++++
Herron‘s Pov
“Sinasabi ko na nga ba,” ngumisi lang siya.
Una pa lang alam ko na na may iba sa kan‘ya.
“Girlfriend mo ‘yong babaeng ‘yon ‘diba?” Hindi ko siya sinagot at tinalikuran pero humarang siya. “Wala naman siya kompara sa ‘kin, she‘s naive—”
Mahigpit ko s‘yang hinawakan sa magkabilang balikat. Ayaw ko mang dumapo ang kamay ko sa kung sinong babae, pero gusto kong saktan siya dahil sa plano niya at sa mga sinabi niya kay Eashana.
BINABASA MO ANG
A Compassionate A Compassionless (Book 2)
RomanceI am now in this chapter, I am happy that we survived in our darkness, the darkness that I made. But I am wholeheartedly willing to change it. I am the cause and I am also the cause to make it new. I don't know what will happen, but in this chapter...