Arian Pov
"Miss me?" Tanong ko habang nakaupo sa harap ng isang matandang hukluban na toh
"Ikaw nanaman? Ano ba yan!" Inis niyang sigaw kaya naman napangite nalang ako dahil naramdaman ko na makakakita nanaman ako ng kaaya aya.... Sana
"Lahat ng na assign dito! Hanapin sila!" Inis niyang sigaw habang ako naman ay prenteng nakaupo sa narap niya at hinihintay ang mga susunod na pangyayari
"Bakit boss?" Agad akong napatingin sa pinto ng pumasok ang walang nanay
"Welcome!" Nakangite kong sabi habang siya naman ay nagtatakang nakatingin sa akin
"Ikaw nanaman?" Inis niyang tanong pero hindi ko na ito pinansin at bumalik sa pagkain na nakahain sa lamesa ang sarap talaga
"Damn you! Curse you! Hindi mo alam kung gaano ka mahal ang nagastos ko para lamang makuha niyo ang gusto kong kuhain niyo!" Inis na sigaw ng matandang hukluban na ito, grabe sa katandaan halos lumabas na ang pustiso kakasigaw, biro lang
"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Agad naman akong napatigil sa pagtawa ng tanungin niya ako
"Huh? Well hindi ko din alam" Kibit balikat kong sagot bago pinagpatuloy ngumuya
"Baliw" Inis niyang sabi bago bumunot ng baril
Carmella Pov
"Ano na?" Takang tanong ko sa kanila habang pilit pa din pinapakalma ang aking sarili, halos hindi kasi ako makapag-isip ng maayos dahil sa pag aalala kay Kuya Arian, kada segundo na dumadaan ay baka patay na siya at wala kaming magagawa
"FUCK!" inis kong mura dahil sa biglang pumasok sa isip ko
"Kalma ka lang, ililigtas namin--" Tinakpan ko ang bibig ni Ace at masamang tumingin sa kanya, bad trip
"NATIN, N.A.T.I.N. tayo ang magliligtas sa kuya ko at wala ka ng magagawa doon" Inis na sabi ko sa kanya bago pakawalan ang bunganga niya at ipunas ang kamay kong may laway niya sa damit niya mismo... kadiri.
"At sinong nagsabi na sasama kayo?" Taas kilay na tanong ni Kuya Sevy habang may kinukulikot sa kanyang phone.
"Ano ba kuya! Hindi ka ba nag aalala sa kanya? Any moment pwedeng mamatay si Kuya Arian, ayoko non" Inis kong sagot kaya naman agad siyang napatingin sa akin
"Look Carmella Carter. I'm trying to stay calm okay? Control that temper of yours, baka mabatukan kita dyan" Sagot niya at ramdam na ramdam ko ang pagka seryoso sa boses niya kaya naman tumikhim ako para pakalmahin ng kaunti ang aking sarili
"Sasama ako! Pag hindi mo ako sinama ako mismo pupunta sa kanila!" Sigaw ko kaya naman nagsalubong ang tingin namin ni Kuya Sevy pero hindi ako magpapatinag sa pakikipag titigan sa kanya
"Wag ng makulit, kaya ko na toh" Kamot ulong sabi ni Kuya Sev ng mapansing wala akong balak na magpatinag sa kanyang titig
"Ikaw lang? Hindi mo ba nakita yung kaya nilang gawin!" Inis na sigaw ko bago sapakin ang lamesa sa inis, agad ko din namang binaba ng maramdaman ang kirot na bunga nito pero napahinto ng makita ang crack sa bandang gilid........ nubayan!
"Still no" Pagbabalewala sa akin ni Kuya Sev bago ipagpatuloy ang kanyang ginagawa kaya naman bumalik nalang ulit ako sa pagkakaupo, anong akala niya? na susuko ako? NO WAY hahanap ako ng paraan.
Sevy Pov
Alam ko ng may balak si Carm at may balak din akong pigilin ang kanyang balak kaya naman tumingin ako kay Ace at nag signal na siya na bahala kay Carm habang yung iba naman ay pinapauwi na namin
"Oi Ella, why don't we talk about what happened hmm??" Rinig kong sabi ni Ace, sigurado akong alam niya ang ginagawa niya at ngayon lang ako magtitiwala sa pag handle niya kay Carm habang susunduin si Arian
"Talk about what happened?! Ma t-talk about what happen ko yang mukha mo, ako wag mo muna akong inisin ngayon kundi babaon tong kuko ko sa mata mo" Napangite nalang ako sa narinig kong naging sagot ni Carm, may pinagmanahan talaga
"How about sa iba bumaon yung kuko mo pag hindi ka sumama sa akin?" May banta sa tono na sabi ni Ace kaya naman agad akong tumayo para sana hilain si Ace pero pagtingin ko sa kanila ay nakahiga na si Ace sa sahig at nakapatong sa kanya si Carmella na nakaamba na...... kaya naman ata niya ang sarili niya sa isip isip ko kaya naman umalis na ako para puntahan ang address na natanggap ko.
Carmella Pov
"Isang ulit pa at tatama na tong kamao ko sa mukha mo" Inis na banta pero ang hayop ngumise lang, naiinis na nga ako sa sitwasyon namin pero iinisin niya pa ako?
"Go on, try it but if that fist of yours didn't meet my face then I will handle you today" Pangaasar niya kaya naman agad kong pinatama sa kanya pero kamay niya ang sumalo nito
"P-paanong--" Ang bilis ng pangyayari, ako na ang nasa ilalim ngayon at hawak hawak niya ang kamao ko habang ang isa ko namang kamay ay hawak hawak niya
"Okay seriously, tama na ang laro" Seryoso niyang sabi pero masamang tingin pa rin ang ibinibigay ko sa kanya, hindi ako hahayaan ni kuya Sevy maiwan dito at alam kong tutulungan niya ako kaya naman agad akong napatingin kung saan nakaupo si kuya Sev pero ni anino wala man lang akong makita......... THE BETRAYAL!!
"Look's like your big bro trust me this much" Narinig kong bulong ni Ace sapat na para matuyuan ako ng lalamunan sa kaba
BINABASA MO ANG
The only girl in Section C
Teen FictionA girl name CARMELLA, sounds innocent right? Is she look Innocent too? YES SHE IS but who know what she can do..... Isang babae na hindi tinanggap ng iba't ibang klaseng paaralan. Pero dahil sa connection na meron siya ay nakapasok sa isang magaran...