Hello sayo na nagbabasa nitong One Shot ko! Thank you dahil pinaglaanan mo ng panahon para basahin to.Hope you like it! XD
vote,comment,follow!! Arigatou gozaimasu!!!!
HE BREAKS MY NBSB RECORD (ONE SHOT STORY)
BY:KOOKIE_SSEN29'If i am going to have a boyfriend i want to have it in a romantic way'
Yan ang sinulat ko sa slambook na pinapasagutan sakin ni Shasha.I took a deep breath at ibinalik na kay Shasha ang slambook nya.By the way im Sienna Angelie Rivera,17 years old a second year college student.Known as the notorious NBSB girl.Why notorious? Kase sa klase namin ako lang ang hindi pa nagkakaboyfriend.Maganda naman ako,choosy lang! Hahaha Sian nga pala nickname ko.
"Sian! Yung masugid mong manliligaw na si Patrick papunta daw dito"sabi ni Aryen.Agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa ni teacher para di nya ako makita.
"Guys! Pakisabi absent ako ngayon! Sabihin nyo may chicken pox,german measles,AH1N1,diarrhea,nadapa bahala na kayong magpalusot."hysterical na sabi ko at nagtago.
Narinig kong may yabag na papalapit sa classroom,and i think si Patrick na yun.
"Asan si Sienna?"tanong nito.Aba! Kung makapagtanong akala nya boyfriend ko sya,iuuntog ko kaya sya sa pader nang matauhan na di ko talaga sya gusto. -___-
"Ahh ehh absent sya ngayon,may malubhang sakit daw sya sabi ng mama nya."sagot ni Mary.Mukhang naniwala si Patrick kasi si Mary ang kilalang Religious sa klase namin,sabi nga ng iba ay hindi ito marunong magsinungaling.
"Uy! Labas na Sian,wala na si Patrick."rinig kong sigaw ni Matthew.Lumabas na ako at nakita kong napasign of the cross si Mary.
"Naku Sian! Kung hindi ka lang mabait,nagawa ko tuloy magsinungaling."sabi nito at umupo na ng upuan.Nag thank you na lang ako sa kanya at umupo na rin.Magsisimula na kasi ang klase. :)
Kinabukasan medyo maaga akong pumasok,gusto ko kasi makita yung crush kong si Darwin.Oo kahit NBSB ako may crush parin ako,normal lang naman yun diba? Mas matanda nga lang ng two years si Darwin sakin at graduating na sa kursong Business Administration at running for magna cumlaude.Ang talino ni crush ko!!!
"Kamusta ka na? Ano,magaling ka na ba? Sabi ni Mary malubha daw yung sakit mo."nag aalalang sabi ni Patrick.Patay! Nakita ako ng asungot na to,nakalimutan kong maaga ding pumasok tong mukhang adik na to. Infairness ang OA nya. -___-
"Ahh oo,sige alis na ko."sabi ko sabay ngiti ng plastic.Aalis na sana ako ng pigilan nya ako.Hawak hawak nya ang braso ko at ang higpit higpit pa ng pagkakahawak nya.Natatakot na ako,wala pang masyadong tao kaya wala akong mahingan ng tulong.
"A-aray Patrick,bitawan mo ko! Nasasaktan ako!"sigaw ko at nagpumiglas pero mukhang ayaw nya talaga akong bitawan.
"Iniiwasan mo ba ako?"sigaw nya.Umiling ako at yumuko.
"Ano k-kase Patrick,ayaw ng boyfriend kong may lumalapit saking ibang lalaki."pagsisinungaling ko.Lalong humigpit ang hawak nya sa akin,ang sakit na!
"Akala ko ba NBSB ka?"naguguluhang tanong nya.
"Not until i met him,my first boyfriend."sagot ko.
"Sino sya?"galit na tanong nya.
Agad naman akong nagpanic,alangan namang magturo na lang ako ng kung sinu-sino.Nilibot ko ang tingin ko at nahagip ng mata ko ang crush kong si Darwin.No choice na ako,sya lang naman ang tao sa paligid.
"Ayun sya oh!"turo ko kay Darwin.
Napatingin sya kay Darwin at unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak nya sakin na dahilan para makaalis ako sa harap nya.Tumakbo ako papalapit kay Darwin at hinawakan ko sya sa kamay.Naks! Chansing!
"Ahh k-kuya Darwin,please makisakay ka na muna.Wag kang magagalit ha?Please kelangan ko talaga ng tulong mo."bulong ko sa kanya sabay hila papalapit kay Patrick.
No reaction sya.Naku! Baka naman galit na sakin to.Turn off na agad sakin yung crush ko,pero nagpahila naman sya meaning pumapayag sya sa favor ko.
"Siya ba?"mahinang tanong ni Patrick.
"Oo,sya nga ang first boyfriend ko.Sorry talaga Patrick pero i think you have to stop following me from now on.Mahal ko tong boyfriend ko kaya please understand me Pat."maluha luhang sabi ko...Pero syempre acting lang yon!
"Oo nga pre,tigilan mo na ang girlfriend ko.Marami pang ibang babae dyan wag lang si Sienna,mahal na mahal ko to."pagsang ayon ni crush sabay akbay sakin. Whoa! Chansing din si crush! :D
Pero seryoso nagulat ako sa ginawa nya,ang inaasahan ko kasi tatayo lang sya dun.Di ko ineexpect na magdidialogue sya at may bonus pang akbay. Pero aaminin ko kinilig ako dun. HAHAHA :D
"Sorry Sienna,sorry pare.Aalis na ako,titigilan na kita."sabi ni Patrick at naglakad na palayo.
Napabuntong hininga na lang ako.Buti na lang naiintidihan nya agad.Buti na lang magaling kaming umarte ni crush.Wait?? Speaking of crush....naka akbay parin sya sakin. ;)
"A-ano kuya Darwin,salamat nga pala kasi di mo ako binisto dun kay Patrick."sabi ko at ngumiti.
Ngumiti din sya at ginulo ang buhok ko. "Wala yon,pero wala ng bawian ha?"
Huh? Anong ibig nyang sabihin?
"Haha you look confused. Ang sabi ko wala ng bawian,boyfriend mo na ko girlfriend na kita."nakangiting sagot nya.Naku! Wag kang ngumiti,nawawala lalo ang singkit mong mata.
"Seryoso ka?"tanong ko. Aba,naninigurado lang ako baka kasi binibiro lang ako nito.
"Oo naman! Matagal na kaya kitang crush,simula nung first year ka pa lang.Balak sana kitang ligawan nun kaya lang NBSB ka daw,kaya natorpe ako baka kasi bastedin mo ko bigla eh.Pero sayo na nanggaling,boyfriend mo na ako."
Hindi na ako nakapagsalita,bigla nya akong niyakap.I hugged him back,syempre crush ko na to no! Aarte pa ba ako???
'I have my first boyfriend in not so romantic way,but it become special because even if it's not happend in a very romantic way having HIM makes it romantic itself'
END ;)
DONE WITH MY FIRST ONE SHOT! HOW WAS IT? VOTE AND COMMENT,PRETTY PLEASE? :*
MYUNGZY PO YUNG INIMAGINE KONG CHARACTER.
BAE SUZY AS SIENNA ANGELIE RIVERA
KIM MYUNGSOO AS DARWIN RYU LAGADAMEO
LEE SEUNG GI AS PATRICK LUIS FERRER
IM YOONA AS MARY (THE RELIGIOUS GIRL)ACTUALLY GAGAWAN KO DIN NG SARILING STORY SI PATRICK THE GANGSTER AT ANG MAKAKAPARTNER NYA AY SI MARY THE RELIGIOUS GIRL. SO I HOPE YOU ALSO READ IT PAG NATAPOS KO NA. :)
Follow nyo lang ako ;) salamat!
-Kookie_ssen29