Chapter 10

91 1 0
                                    

INILAGAY NI Fiona ang paper bag sa hita ni Vivianne bago umalis at iniwan si Vivianne mag-isa. Ganoon man ang mga sinabi ni Fiona sa kan'ya ay hindi na siya na-offend. Kung mayroon mang magmamalasakit nang husto kay Beckett, alam niyang si Fiona iyon.

She's his manager, after all.

But Fiona's last sentence made the hairs on her neck stand up in confusion and fear at the same time. Para bang may alam si Fiona tungkol sa kan'ya, bagay na ikinatakot niya.

Mabilis na lumipas ang mga oras, at hindi niya namalayang uwian na pala. It was Thursday, and her father wanted her presence at the mansion. Gusto niya sanang hindi pumunta pero alam niyang wala naman siyang magagawa.

She had power... but she felt powerless.

Umuwi muna siya sa dorm para makapag-ayos. Vivianne wore a black sleeveless Saint Laurent dress, partnered with Gucci black high heels. Ang gamit naman niyang bag ay galing sa Dior, maging ang hikaw na suot niya.

Today, she's not Vivianne Allamino who is a mere dress stylist at a small company... but the sole heir of the Allamino Empire, with its other subsidiaries.

Vivianne was accompanied by one of his father's guards, Kaizer, as they went to the Allamino mansion. The whole place was filled with flowers and trees, pero ganoon pa man, kada nandito siya sa bahay na ito ay nasusuka siya.

"Nasaan ang papa?" tanong ni Vivianne kay Kaizer, at itinuro nito ang daan papunta sa sala. "Alright. Thanks."

Vivianne walked toward the living room with her straight posture and confident expression, pero nang makita niya si Alfred pati ang lalaking katabi nito ay nalaglag ang panga niya.

"Vianne." Alfred stood up and greeted her. He even asked her to kiss him on the cheek, which she obliged after rolling her eyes.

"I told you to stop calling me Vianne, didn't I?" bulong ni Vivianne sa ama habang may pekeng ngiti sa labi nito. "Nakakasuka."

"Umayos ka. Huwag mo akong ipahiya." Humigpit ang pagkakahawak ni Alfred sa braso ni Vivianne, dahilan para mapangiwi siya nang bahagya. Nakakunot ang noo nito kanina, pero muling bumalik ang tingin nito sa lalaking kasama niya. "This is Beckett Clainfer. Soon-to-be one of my business partners, and your fiance."

Tumaas ang kilay ni Vivianne sa sinabi ng ama, kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi ni Beckett. They looked like a couple because of the clothes they wore.

Beckett was wearing a black Kilton K-50 suit which costs around sixty thousand dollars. As always, he looked handsome and charismatic, pero lahat ng iyon ay natabunan ng inis na nararamdaman niya ngayon.

Vivianne felt betrayed. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ng lalaki. Napakuyom ang kamao niya at napakagat sa pang-ibabang labi.

Strangely, Beckett didn't even feel any kind of fear with Vivianne's reaction.

Instead, his lust and desire intensified more... especially when his eyes followed Vivianne's every movement, his gaze fixated on her lips.

"It's nice to meet you, Vivianne Kaye Allamino," Beckett greeted, extending his hand toward Vivianne.

"Not the same thing, Beckett Hernandez Clainfer," sagot naman ni Vivianne bago nito kinuha ang kamay ni Beckett at pinisil ito nang mahigpit.

Her whole sanity depended on it. She was afraid that once she let go, her rage will burst into pieces. Naramdaman iyon ni Beckett, na mukhang gulat pa nga dahil alam pala ni Vivianne ang middle name niya.

"Let's eat, shall we?" paanyaya ni Alfred sa dalawa, at tumango naman sila.

The dinner was fantastic, as expected with the Allamino family's hospitality. Katulad ng reputasyon ni Beckett, maganda rin ang reputasyon ng mga Allamino sa masa. Sunod-sunod na taon na rin silang nananalo sa mga charity award, at ganoon din si Alfred bilang isang CEO.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon