CHAPTER 1

105 3 0
                                    

CHAPTER 1

Madaling araw palang ay maaga na akong bumangon at mag-luto ng umagahan namin ni ina at tay, hindi ko sila ginising dahil gusto ko silang ipag-handa ng agahan, madaling araw ay normal na saamin na gumising ng maaga dahil sa pang-araw araw na gawain sa buhay, tulad ng pag-punta sa paaralan pag-tapos ng paaralan ay dadaan sa bahay upang mag-igib ng tubig, pag-hahanda sa pag-luluto ng tanghalian at mag-lakad ng napakahaba upang madalhan ng pag-kain si mama at papa na nag-tatanim sa sakahan upang makaani ng bigay pag-tapos ng palay na ginagawang bigas.

"Anak, ang aga mo gumising.., ako na diyan at mag-asikaso kana upang hindi ka mahuli sa terminal ng sakayan ng bus papunta sa barko, pabalik sa maynila", mahabang sabi ni mama habang inaayos ang buhok, mabilis niyang kinuha ang sandok at siya na ang nag-gisa.

"Opo.. mama", mabilis ko na sabi, hinalikan ko rin ang kanyang pisngi.

Dali dali akong pumasok sa banyo, pero bago muna iyong hinanda ko muna ang susuutin ko. Mabilis akong napaligo at nag-bihis, nilagay ko ang tiwalya sa aking buhok at inikot ito, mabilis akong bumalik sa sala, at nakita ko na tapos na si mama na mag-handa at inaasikaso ang kanin, nandito narin si papa.

"Maganda umaga pa".

"Magandang umaga din sayo anak... Kumain na tayo para mahatid kita", malungkot na pahayag ni papa.

"Huwag ka malungkot mahal, babalik ulit dito si grace... anak punta na sa upuan at kumain". Agad akong napangiti kay mama at tumango.

Habang kumakain kami ay biglang nag-salita si papa na kinaubo ko kaya mabilis akong binigyan ni mama ng tubig.

"Maayos naba ang pakiramdam mo anak..", nag-aalala na sabi ni mama sa akin, at mabilis akong tinakip ni papa sa likod.

"Okay na po ako..", sabi ko habang binaba ang baso, nag-pahinga nalang ako ng malalim sa aking isip, talagangan hindi ako tatantanan sa ganitong tanong.

Mabilis kaming kumain nila mama at papa, nag-usap kami tungkol doon sa pag-kakaroon ng apo at tango lang ako ng tango. Shh wala nga akong boyfriend eh.. naiiyak na sabi ko sa isip ko.

Ngayon ay nandito na kami sa bus station, gusto kong umiyak ngunit pinigilan ko dahil ayokong mag-labas ng expression dahil nga minsan lang kami mag-kakasama.

Nag-paalam na kami sa isa't isa kaya habang nasa bus ako hindi ko mapigilan ang mapaiyak.

Ngayon ay nakasakay nako ng barko papunta sa kabilang lugar upang sumakay ulit ng bus papuntang maynila, habang papalayo ang barko na sinasakyan ko ay nakatingin parin ako sa labas.

"ma pa pag-balik ko may bulingit na kayong aalagaan".

Pag-kabalik ko galing masbate ay agad akong nag-pahinga kahit meron pakong trabaho ngayon, napapa isip nalang ako kung pano ko gagawin yun.

Sa sobrang dami kong iniisip ay nakaligtaan ko ang oras at agad na umidlip.

Nagising nalang ng may kumakalabit sa akin, agad akong napatingin dito habang hinahawi ang kanyang kamay.

"Ano ba... Sheymue", naiinis na sabi ko.

"Hoy.. babae!, hindi mo manlang kami tinawagan na nakauwi kana". Sabi nito ng pasigaw kaya wala akong nagawa na tumayo at samaan siya ng tingin habang hinaharanggan ang aking tenga.

"Ang ingay mo... Sheymue", sabi ko habang tinatakip ang aking mukha dahil bigla akong napahikbit na katunayang antok pako.

"Ano bayan... Sheymue, lumabas ka nga doon", sigaw ni Jhessica halatang badtrip.

Mabilis nyan tinulak si Sheymue sa pag-kakaupo kaya ang ending ay nasalampak siya sa sahig ng apartment namin, si jhessica naman ay pinatong ang isang binti sa kanyang binti na ang tawag ay nakapandekawtro pa syang upo ngayon.

"Pagod? Grace", tanong nito habang kumakain ng popcorn habang nakatingin sa akin.

"Ah... Oo", sagot ko, sa aming tatlo ay si jhessica ang pinakamaangas sa amin at kung minsan ay papalit palit ng taste dahil biglang nagiging babae o kaya naman minsan ay pang-lalaki na madaling salita ay tomboy, si Sheymue naman ang pinaka.. pinakamaarte sa lahat, nag-tataka parin ako sa aking sarili dahil nakatagal ako dito kahit madalas silang mag-bangayan at ako ay ginagawa nilang labasan ng sama ng loob at nung college kami ay naging mag-kaibigan kami at masasabi kong trio is work.

"May chika ako sayo teh", tawa naman ni Sheymue, habang nakalapit na sakin.

"Ano yun?", curious na tanong ko sa kaniya.

"Inlove nayan si Jhessica sa anak ng boss natin si Cleo josh Vanden Morgadez, na love first sight ang gaga", tawa nito, kaya gulat na gulat akong napatingin kay Jhessica, na nakakunot ang noo na nakatingin sa amin.

"What are you saying?", nakakunot na noo nitong sabi sa amin.

"Totoo naman naging wild ka nga dahil para kang tanga na nakatingin sa anak ng amo natin", sigaw na sabi ni Sheymue.

Nakinig lang ako sa sinasabi nila, actually hindi naman ako interesado sa sinasabi nila, kaya nung tapos na silang mag-ayaw ay dumistansya naman ako, natutuwa talaga kay jhessica puro sya tangi, Hahahahahaa.

"Punta lang ako sa kusina", paalam ko sa kanilang dalawa, ang mas inaalala ko yung problema ko kung paano ako magdadalang tao kahit walang asawa.

Kung ano ano nalang ang pumapasok sa utak mo grace, gutom lang yan wag na wag mo gagawin yung naiisip mo na ginagawa sa libro na nababasa mo,
Tskk.


Lumipas ang hapon at gabi na ngayon, kakatapos ko lang mag-luto at ngayon ay nag-hahanda na sila ng pinggan at kutsara, sila narin ang nag-sandok ng kanin, umupo na sila habang hawak ang kutsara at kumakain narin kami.

Malaki ang apartment na ito na rinutuluyan namin at hati kami sa bayarin dito, sakto lang mag-pasahod ang kumpanya namin pero masasabi kong sulit ito dahil buwan buwan at kahit kaming tatlo lang dito sa tinutuluyan namin ay marunong kaming mag-tipid kaya yung iba na itatabi ko upang ipadala sa masbate kung saan nandoon si mama at papa.

Hindi kami tahimik na kumakain dahil puro kwentuhan ang nangyayari, hindi ko masabi ang gusto kong sabihin dahil baka king ano ang isipin nila, pero wala namang mawawala kung susubukan diba.

"May himala bang nangyari sa kompanya habang wala ako doon?", natatawa na tanong ko.

"Yung dalawang araw na wala ka, boring sya teh", sagot ni Jhessica sa akin. Agad namang sinang-ayunan ni  Sheymue. "Oo teh ang boring".

"Pero yung himala na sinabi mo ay si jhessica lang yung tinablan dahil mag-kakapasa ako dyan kapag-nagbigay ako ng comment tungkol doon sa anak ng boss na si cleo". Naiinis na sabi nito.

Nanatiling tahimik si jhessica, kita ko ang pag-sama ng tingin niya kay Sheymue.

Mahinang buntong hininga ang narinig ko kay jhessica at agad akong napatingin sa kanya. "Balita kay tito at tita? Grace", tanong nito, at tipong nililigis ang usapan kay cleo cleo nayan.

"Maayos lang sila jhessica", sagot ko na mahina, si jhessica at sheymue ay minsan ko narin nadala papunta sa masbate, nag-karoon kami ng masayang pag-ligo sa dagat kasama si mama at papa.

"Mukha kang malungkot, problema?". Saad ni jhessica habang nakatabingi ang ulo habang tinitignan ako.

"Hindi ah...", hindi pako natatapos sa sinabi ko ay nag-salita siya kaagad.

"Madali lang sakin na hulaan ka grace, hindi ka marunong mag tago", naka ngisi na tingin nito sakin, "matagal na tayong mag-kaibigan kaya mabilis ko lang malaman kung may problema kayo". Mahabang saad ni jhessica.

"Go ... Tell us your problem grace", sarcastic na boses nito pero nag-aalala yung mata nito habang nakatingin sa akin.

Mahina akong napabuntong ng hininga dahil sa nangyari, tama siya simula nung first year college kami ay sya talaga ang pinakamatalas at mapag-obserba sa amin, matalino talaga si jhessica kahit sa anong larangan payan, si jhessica kahit walang preno ang bibig ay lalaitin ka at huhusgahan pero mabait naman sya kahit tomboy at mabilis lang mag-init ang ulo niya sa hindi malamang kadahilanan.

Pero balik tayo, tungkol doon ay mukhang wala akong magagawa at kaylangan ko don ang tulong nila jhessica at sheymue. Kaya nag-lakas akong sabihin sa kanila ang lahat.

Don't forget to share, vote, comment, and recommended to other, advance thank you everyone❤️❤️

UNEXPECTED PREGNANCY WITH THE BILLIONAIRE'S CHILD Where stories live. Discover now