.

38 4 6
                                    


Hi! I'm Nicole and this is my first day of school as a college student in Philip University. (Isang sikat na University sa buong Pilipinas).

Huh.. excited na ako pero syempre kinakabahan din naman kasi first day ko palang nga at ang masaklap, wala pa akong kakilala
" so sad" bulong ko sa sarili ko.

Ito na........ nasa harap na ako ng gate ng bago kong school...
"Woooah ang laki ng school!"
Medyo napabulalas pa ako sa sobrang pagkamangha. Grabe, ang daming tao at halatang halata sa muka nila na anak ng mayayaman. Posturang postura with red lips pa. Yung mga cellphone din na gamit nila puro touch screen , samantalang yung sakin ( sabay dukot sa bulsa ng isang second hand na cellphone) isang ordinaryong cellphone lang with matching keypad pa!
" di bale na, mag aral ka nalang mabuti para yumaman kana at pag mayaman kana makakabili kana ng iphone6 at kahit na anong gusto mo (sabay pikit at parang gigil na gigil na binabanggit lahat pangarap sa buhay) Bahay, kotse, magagarang damit masasarap na pagkain, araw araw ako magpapa salon, magshoshopping, pupunta ng ibang bansa, sa Korea, New York, Roma at li..li..bu..tin ko BUONG MUNDO!!!!" sigaw ko "KASAMA ang PRINCE CHARMING KOOO!!!" Pahabol ko pang sabi. At parang may naramdaman akong kakaiba sa paligid ko, para bang .. la..la.lahat ng ingay nawala. At dahil dun unti unti kong dinilat ang mga mata ko na para bang alam ko na kung anong nangyayari.
(dilat kaliwang mata
-_ < then kanan >_- then sabay dilat sa dalawang mata ) " uh oh"
nakita ko ang sarili ko na nakataas ang dalawa kong kamay at medyo nakatingkayad pa at bahagyang nakabukaka.. At yung itsura ko.. Yun bang para akong nanalo sa lotto na pagkatapos ay biglang panaginip lang pala.. Ung ano.. Ahhhhyy eno beyen.. Ayoko na! gusto ko nang umuwi! Lahat sila nakatingin sakin hiyang hiya na ako. Para akong ice cream na unti unting natutunaw dahil sa talim ng titig nilang lahat,
sa sobrang luwang ng school dito pa ako nakapwesto sa gitna at napapalibutan nila akong lahat....
"Ooh, is she crazy??" Bulong ng isang babae sa katabi nya. "Tss. Isn't it obvious? hello..." Sagot naman nung isa. Pa english english pa..
Pero seryoso anong gagawin ko, uhmm tatakbo ba ako uhmm ngingiti uhh sasayaw, hindi ndi ndi ndi
lalo kang mapapahiya, hindi ka kaya marunong sumayaw,
kanta nlng tama, tama, tama para kunwari ngpapractice kalang para sa audition, don't panic , chill ka lang
"Pri..n..ce cha..arm..i.ing kooo ooh hoo ohh ohhhooo" ang pagtatapos ng aking practice para sa audition... daw?? hindi lang pala ako singer, composer din. Bakit sa haba haba ng panahon na lumipas bakit ngayon lang kita na discover??? (Katahimikan) Palakpakan sila !!!! sabay tawa.. OMG. " hoooo ang ganda mo!!! Hahaha ang galing mong kumanta" sigaw nung isang lalaki sabay tawa. " witwiiw" sabi naman nung isa ring nang iinsulto." Ako ang prince charming mo my princess. Hahaha" sabi naman ng pangit na lalaki mula sa ibang kumpol ng grupo naman.p "Hahahaha" isang grupo naman ng mga kababaihan ang nagtawanan.

Dahil sa sobrang kahihiyan napatakbo nalang ako ng mabilis palabas ng campus. Sige takbo lang takbo, bilisan mo pa, lumayo ka sa lugar ng mga walang awa mong ka SCHOOLMATE!!! Habang tumatakbo hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Ayoko sa lugar na yun! hindi na ako babalik sa impyernong lugar na yun.. Ayoko na!!

"Sira ang unang araw mo sa college.! " sabi ko sa sarili ko." Bakit kasalanan mo din naman ahh?" Sagot ko sa sarili ko " bakit? Bawal bang mangarap, ha! " pasigaw kong tanong sa sarili ko " hindi, pero ang problema nangarap ka at pinagsigawan mo pa sa harap mismo ng mga hipokritang mapanlait na mga hayop na yun!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

&quot;STARTED WITH A KISS&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon