Carmela's POV
"Kuya dito na lang po."
Tinignan ko ang puting bahay na nasa harapan ko ngayon. Grabe! Ilang taon na ba akong hindi nakakadalaw dito? sobrang miss ko na 'tong bahay na 'to.
Binigay ko na ang bayad ko sa driver at bumaba ng taxi at nagdoorbell. Agad naman itng bumukas at tumambad sa akin si Yaya Gina. Ang yaya ko mula pagkabata. Pagkakita ko sa kanya ay agad ko syang niyakap ng mahigpit.
"C-carmel, hindi ako makahinga." Pagkasabi nun ni Yaya ay agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Kamusta na po kayo? Bumabata kayo ah." Biro ko sa kanya. Agad naman nya ako hinampas ng pabiro at tumawa.
"Naku! ikaw talagang bata ka may asawa ka na nga ganyan ka parin. O'sya sya pumasok ka sa loob." sabi ni yaya at tuluyan na akong pumasok sa loob. ibigay ko kay Yaya ang pasalubong ko kay moomy at sa kanila. Pagkapasok ko p
alang ay agad kong nakita ang portrait namin nila mommy kasama si Daddy. Wala paring pinagbago ang bahay na 'to. Masyado pa rin itong tahamik gaya noon.
"Nandyan po ba si Mommy?" Tanong ko.
"Oo. Nandun sa kwarto nya. Puntahan mo na sya tyak na matutuwa yun sa pagdating mo." Tumango na lang at nagpaalam na aakyat sa kwarto nila Mommy.
Pagkadating ko sa kwarto nila Mommy ay agad kong binuksan ang pinto. "Surprise!" sigaw ko. Pero nawala ang ngiti ko nang nakita kong umiiyak si Mommy kaya agad akong lumapit sa kanya. Nakita kong pinunasan nya ang kanyang luha bago sya humarap sa akin.
"Oh my God, Carmel." Agad syang lumapit sa akin at agad nya akong binigyan ng isang mahigpit na yakap. "I miss you so much. Akala ko hindi ka na pupunta. " Niyakap ko din si Mommy ng sobrang higpit. Agad na kumalas sa akin si mommy at hinawakan nya ang aking pisngi gamit ang kanyang dalawang kamay. My God! I miss her so much! Naiiyak ako sa sobrang pagkamiss ko may mommy. It's been 2 years na hindi kami nagkita ni Mommy dahil nagpunta sya ng Canada last year kaya ito ang first time naming nagkita ulit.
Tinignan ko ang itsura ni Mommy. Sobrang maga ang kanyang mata na halatang kakagaling lang nya sa pag-iyak. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin kong parang may pasa sya sa kanyang kaliwang bibig. Agad naman nyang napansin na nakatingin ako sa kaliwang bibig nya kaya agad syang lumayo sa akin at tumalikod.
"Mommy." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.
"Mom." Naglakad na ako patungo sa kama kung saan sya nakaupo at agad akong tumabi sa kanya.
"Mommy, Meron ka bang nililihim sa akin? At anong nangyari dyan sa labi mo? Pasa ba yan?" Tanong ko sa kanya. Pero sa dalawang pagkakataon ay hindi nya ako sinagot. Hinawakan ko ang kamay nya.
"Sinasaktan ka ba ni Daddy, Mommy?" tanong ko sa kanya. At doon ko na rin nasagot ang sa got sa katanungan ko nang nakita kong tumulo ang luha ni Mommy. Agad ko syang niyakap ng mahigpit at doon na rin sya humagulgol ng iyak. Napaiyak na rin ako dahil kay Mommy. All this time? Sinasaktan pala ni Daddy si Mommy. Malayo ang loob ko kay Daddy dahil palagi syang wala dito sa bahay. Palgi syang out of town dahil dyan sa pesteng business nya at ngayon, malalaman kong sinasaktan pala nya si Mommy.
Kumalas si Mommy sa pagkakayakap ko at pinunasan ang kanyang luha.
"Mommy, Kaylan pa?" tanong ko sa kanya. Pero hindi nya ako sinagot.
"Please. I want to know kung ano ang ginawa sayo ni Daddy. Kung bakit ka nya sinasaktan ng ganito." Tumayo ako at hindi ko na mapigilang mapaiyak. Akala ko. Akala ako lang. Pati rin pala si Mommy nararanasan ang nararanasan ko. Ang sakit. ang sakit pala na makita mong nasasaktan ang Mommy mo at ang mas masakit pa dahil kagagawan yun ni Daddy.
BINABASA MO ANG
The Housewife's Revenge
General FictionMasama ba akong babae para ganituhin ako ng asawa ko? Gusto ko lang naman na mahalin ulit ako ng asawa ko pero hindi ko hiniling na ganituhin nya ako. - Ma. Carmela Buenaventura