Prologue

2 0 0
                                    

“CHEEEEEEERSSSSS!”

Party lights, loud music, the smell of different alcohols', the smell of cigarettes and wasted people.

I love how people dance without limitations, drink without worrying about hangovers tomorrow, and be free tonight with happiness.

“Rai! Bottoms up!” sigaw ni Eann at ibinigay sakin ang isang baso ng martini, kinuha ko kaagad iyon at tinungga.

I am Raiza Elara Gutierrez, and i am with my friends at one of the bars in LA tonight.

Naghiyawan ang lahat ng maubos ang laman ng basong tinungga ko.

“Ahhhh!” sigaw ko at inilapag sa mesa ang baso.

We are now graduated in college, kaso walang trabaho. Hindi naman iyon kaso sa amin, dahil anak kami ng mayayaman at may kaya sa buhay, and with that kayang kaya nila kaming buhayin kahit wala kaming trabaho.

And I don't want to work either, mas gusto ko ang mag lasing kasama ang tropa kesa mag pakahirap sa trabaho kung pwede naman akong humingi nalang ng allowance kay daddy.

I danced along with the beat of loud music, lumundag lundag ako sa kalasingan hanggang sa maibagsak ko nalang sa couch ang sarili dahil sa pagkahilo.

“Isa pa rai!” Pasigaw na saad sakin ni eann dahilan naring malakas ang tugtog bago iabot sa akin ang isang baso, pero iba na ang laman nito. Tinungga ko iyon at malakas na ibigsak sa lamesa ang baso ng maramdaman ko ang pagguhit nito sa lalamunan ko.

“Ayos lang ba yan?” pasigaw na tanong ng isa pa naming tropa.

“Yeah, h-hilo lang 'to *hik si rai” lasing na sagot ni eann.

Actually puro foreigners ang mga kaibigan ko, natuto lang silang mag tagalog dahil iyon ang gamit namin sa bahay, dahil iyon ang gusto ni mommy.

At dahil palagi narin naman silang nandoon ay natuto narin silang magsalita ng tagalog sa nakalipas na mga taon.

ibinaling ko pakanan ang ulo ng maramdaman ang pag kahilo. I heard my surrounding got wilder and wilder. May tumatapa pa sa paa ko kakasayaw but i didn't mind at all.

“I'm leaving” i said when i already made up my mind. tinapik ko sa balikat ang ilang mga kaibigan bago pasuray suray na naglakad patungo sa pintuan.

Madaming sumalubong sa akin at sumubok akitin ako o mag alok na ihahatid ako ngunit nilampasan ko ang mga iyon at hindi pinansin.

Sanay akong malasing kung kayat nasanay narin akong mag drive ng lasing kahit bawal pa iyon.

I maneuvered my mustang and stepped on its acceleration. Sa bilis ng pag papatakbo ko ay feeling ko hinahabol ako ni kamatayan.

Binuksan ko ang bintana ng kotse at dinama ang hangin na nang gagaling sa labas, malabo na ang paligid dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan.

I am not scared because i believe in my own skills. Nakapag attend ako ng driving lessons kaya alam na alam ko kung paano ang gagawin sa sasakyan ko.

yun ang akala ko.

but, when fate wants to play with your life, you can't do anything about it and you will just realize, what will gonna happen with the people you will be leaving behind? how about your parents that still loves you despite being a hard-headed and stubborn child?

napaigit ako ng sumakit ang mga braso at paa ko habang bumabagal ang pag papaikot ikot ng sasakyan ko sa kalsada hanggang sa maisalpok ko nalang ito sa poste ng ilaw.

ilang beses akong nauntog, at feeling ko mababali na ang kanang kamay ko at ang leeg ko dahil sa pag-gewang gewang kanina ng sasakyan ko.

malabo ang paningin ko ng buksan ko ang mga ito, sumasabay narin ang alak dahil nakainom ako. I feel a searing pain in my head, wala akong magawa kundi indahin ito.

maya-maya naramdaman kong bumukas ang pintuan sa gilid ko at may tumapik tapik sa pisngi ko.

“Miss?” mabagal ang kaniyang pagkakasabi, hindi ako kumibo dahil hindi ko mahanap ang boses ko, nakita ko namang hinugot niya ang cellphone niya at ang huling narinig ko bago mahimatay ay ang paghingi niya ng tulong..

Saturday Night Where stories live. Discover now