"I am sorry, you what?"
Napasimangot siya kay Fatima nang eksaherada nitong tanungin siya ulit kung ano ang ginawa niya kay Wynn noong nagdaang gabi. As usual, dahil wala naman talaga siyang mapagsasabihan ng mga nangyayari sa kaniya, kay Fatima siya nakikipag-usap at nabanggit niya sa babae ang nangyari.
"Nataranta nga ako," depensa niya habang nakasimangot pa rin. She was really surprised when he was about to kiss her. Hindi naman niya gustong sampalin ang lalaki, nabigla lang talaga siya sa plano nitong gawin sa kaniya.
"Kate, kapag nabibigla ka, you usually just look away. Hindi nananampal!" pinanlakihan siya ng mata nito at pagkatapos ay napailing ito. Napasandal naman si Kate habang nakatingin lang sa baon niyang pagkain na halos hindi pa niya nagagalaw.
Hindi rin naman siya nakatulog kaagad dahil sa pag-iisip kung galit ang lalaki sa kaniya o ano. Hindi naman din ito nagpadala ng mensahe sa kaniya at nahihiya naman din siyang padalhan ito ng mensahe. Naisip niyang baka talaga nagalit ito dahil sa ginawa niya rito.
She kept on checking her phone but Wynn really didn't send her any message. Hindi rin ito nagparamdam sa kaniya sa buong maghapon kaya mas kinakain naman siya ng guilt dahil doon.
"It wasn't the first time that he was slapped, I think... Why is he mad, then?" tanong niya kay Fatima habang inaayos na niya ang gamit niya pauwi dahil malapit na ang driver nila sa bangko. Mukhang wala rin talagang plano si Wynn na sunduin siya ngayon dahil kung mayroon, alam niyang hindi na pupunta ang driver nila.
"Maybe it wasn't, but still. Sino ba ang matutuwa kapag nasampal?" natatawang sabi ni Fatima sa kaniya bago siya inaya ng lumabas para makauwi na rin sila. Napanguso na lang siya at sumunod na rin sa babae papalabas ng bangko.
Pilit niyang inalis ang disappointment sa isip niya nang makita na nasa labas na ang sasakyan nila. Maybe up until the last step before they went out, she was hoping that Wynn was there to pick her up...
Napailing na lang siya nang pumasok sa loob ng sasakyan.
Hindi niya rin maunawaan ang sarili... hindi pa naman sila matagal na nagkakasama ng lalaki ngunit para bang nakakaramdam na agad siya ng attachment dito. Was it because she really had feelings for him even before he knew that he's going to marry her?
"May celebration daw bukas kaya late tayo makakauwi," untag ni Fatima sa kaniya. She looked at her and nodded her head. Birthday celebration ng manager nila at sa loob na lang ng bangko gaganapin iyon kaya pagtapos ng trabaho nila ay hindi siya kaagad makakauwi.
Nakabili na rin naman siya ng ireregalo rito kaya wala na siyang pinoproblema pa.
The only thing that's occupying her mind is actually a person.
Wynn Raven Montes de Oca.
Muli siyang nagpakawala ng hangin habang nakatingin sa labas ng bintana. Iniisip niya kung dapat bang kausapin niya ang lalaki at humingi ng tawad dito...
Well, she knows that she should. She was at fault...
Pero nahihiya rin siya na kausapin ito...
She silently berates herself for what she did. Siguro ay pupuntahan na lang niya ang lalaki kinabukasan pagkatapos ng party para makausap ito at makahingi siya ng tawad. Hindi rin naman siya mapapakali talaga kapag alam niyang may galit sa kaniya.
Matapos nilang maihatid si Fatima ay dumiretso na rin sila sa bahay nila para makapagpahinga na rin siya. Naabutan niya rin na naroon ang mga magulang niya kaya sabay-sabay na rin silang naghapunan.
She opted to have dinner first so when she goes to her room, she will just wash up and sleep.
"How was your dinner with Wynn, hija?" tanong ng mommy niya sa kaniya habang kumakain silang tatlo. Napahinto naman siya sa gagawing pagsubo at ibinaba ang kubyertos, pinunasan niya rin muna ang gilid ng mga labi bago tumingin dito.
BINABASA MO ANG
BOF 1: WYNN RAVEN
RomanceWynn is the second son of Arturo Montes de Oca and Marisol Samaniego-Montes de Oca. After his brother left their home two years ago, he has been the person their parents are trusting to manage the business and fulfill an agreement that was long agre...