Kung nananaginip man si Kate sa mga sandali na iyon, hindi niya alam kung gusto pa ba niyang gumising at bumalik sa reyalidad o mas gugustuhin niyang manatili sa mga sandali na iyon habang ang mga labi ni Wynn ay nananatiling nakadikit sa mga labi niya.
At her age, she doesn't know how to kiss. She didn't have experience doing those kinds of things.
Naramdaman niya ang paghapit ni Wynn sa bewang niya upang mas mapalapit siya sa lalaki. She let out a soft moan as he continued kissing her lips. Naramdaman niya rin ang maliit na pagngiti ni Wynn habang magkalapat ang labi nilang dalawa bago ito marahang lumayo sa kaniya at tinitigan siya.
She tried looking at him but ended up looking away, blushing.
"You don't know how to kiss," he said. More like he was amused than judging. Napatungo si Kate bago marahang umatras upang magkaroon siya ng espasyo upang huminga. Being that close to Wynn makes it hard for her to breathe. Pakiramdam niya ay ayaw niyang gumawa ng kahit na anong ikagagalit ng lalaki.
Sa limang magkakapatid, si Wynn talaga ang mukhang istrikto. Must be because of the responsibilities he's carrying. Being the eldest now since Wyatt left, all were expecting him to do a great job running their businesses and obey his parents–even if it was against his will.
Maybe that was also the reason why he looked so serious all the time.
"I..." She bit her lip as she tried thinking of an excuse why she doesn't know how to kiss. "I..." she clenched her fists. Hindi niya gustong sabihin sa lalaki na hindi pa naman siya nagkakaroon ng boyfriend kailanman.
"You never had a boyfriend?" tanong ni Wynn sa kaniya. Nag-angat naman siya ng tingin sa lalaki at pakiramdam ni Kate ay pulang-pula na ang pisngi niya dahil sa hiya. Gusto na lang din niyang ipagpasalamat na gabi na at posibleng hindi na nito kitang-kita ang reaksyon niya.
She looked down and nodded her head a little. "Yes..." pag-amin niya sa lalaki. Huminga siya ng malalim bago muling tumingin kay Wynn. "I'll go inside now. Be careful on driving," sabi niya na lang sa lalaki bago tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay nila.
Pinigilan na lang din niya ang sarili na mapalingon sa lalaki habang naglalakad siya dahil napakabilis ng tibok ng puso niya habang naglalaro sa isipan niya ang nangyari.
Wynn kissed her...
He kissed her again.
She went straight to her room and when she got inside, she leaned on her door and put her hand on her chest. Pinapakiramdaman niya ang tibok ng puso niya na tila ba tinatambol dahil sa halik na nangyari.
Hindi niya rin napigilan na mapangiti habang iniisip ang nangyari. Hinawakan niya ang labi niya at nagtungo sa may harap ng salamin niya at pinagmasdan ang sarili. Namumula pa rin ang pisngi niya at hindi niya mabura ang ngiti sa mga labi niya.
"Goodness, Kate..." komento niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa sariling repleksyon sa salamin. She shook her head and opted to just wash up so she can have her rest.
Bago matulog ay si Wynn ang laman ng isipan niya at ang halik na ibinigay nito sa kaniya.
Kinabukasan sa almusal ay kasabay niyang kumain ang mga magulang niya. That's what she also loves when she's at home. Noong nasa Maynila siya ay mag-isa lang siyang kumakain ng almusal, madalas pa nga ay hindi siya nakakapag-almusal.
"They said Wynn dropped you off last night," sabi ng Daddy niya sa kaniya habang umiinom ito ng kape. Napatingin naman siya rito bago marahang tumango.
"Yes, Dad. He went to the bank last night. Birthday po kasi ng manager namin at inimbitahan siya, siya na rin po ang naghatid sa akin pauwi..." sagot niya rito. Tumango naman ito na tila nasisiyahan sa nangyayari sa anak nito at sa anak ng kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
BOF 1: WYNN RAVEN
RomanceWynn is the second son of Arturo Montes de Oca and Marisol Samaniego-Montes de Oca. After his brother left their home two years ago, he has been the person their parents are trusting to manage the business and fulfill an agreement that was long agre...