"Bakit uuwi ka na?" tanong ni Fatima sa kaniya nang magsabi siya rito na uuwi na siya. Nagpaalam na rin siya sa manager niya na kailangan na niyang umuwi at halfday na lang ang ipapasok niya.
Nagtataka man ay pinayagan naman din siya nito. Marahil ay dahil din simula naman ng pumasok siya sa bangko ay hindi siya kailanman nalate o umabsent man lang. She's always punctual and she always takes the job that needs to be done.
Kailangan lang talaga niyang umuwi dahil kailangan niyang makausap ang mga magulang niya tungkol sa plano ni Wynn. Pinakiusapan niya ang lalaki na iatras ang pamamanhikan ngunit imposible na iyong magawa dahil na rin alam na ng mga magulang nito ang tungkol doon.
They canceled their plans already for that. Mas nakakahiya kung ipapacancel niya pa ang plano ng mga ito.
"Mamamanhikan daw sila Wynn mamaya," mahinang sabi niya sa kaibigan na mabilis niyang hinila ng malakas nang biglang tumili ito. Nagtinginan ang lahat sa gawi nila at pinanlakihan niya naman ng mata ito.
Pulang-pula si Fatima habang nakatingin sa kaniya na bakas na bakas ang kilig sa mukha nito.
"Oh my gosh! Ikakasal ka na talaga!" hinawakan pa nito ang braso niya at niyugyog siya. "Tapos sa crush na crush mo pa! Ikaw na talaga ang maganda!" eksaheradang sabi nito sa kaniya kaya napailing na lang siya at tinuloy na ang ginagawang pag-aayos ng bag niya.
Sinundan naman siya nito nang pumasok siya sa pantry para kumuha ng chocolates.
"Did he confess his feelings to you already?" usisa pa ni Fatima sa kaniya nang naupo muna siya dahil hihintayin niya pa ang driver nila. She looked at her friend and shook her head lightly.
Wala namang nababanggit si Wynn sa kaniya tungkol sa ganoong bagay. Wala naman din pa itong sinasabi tungkol sa nararamdaman nito para sa kaniya. She doesn't even know if he likes her or not...
Sinabi lang nito na gusto nitong gawin siyang isang Montes de Oca, maliban doon ay wala naman na itong sinabi patungkol sa nararamdaman nito.
Ayaw rin naman niyang sabihin ang nararamdaman para sa lalaki. Ayaw niyang isipin nito na she's taking advantage of the situation. Nalagay silang dalawa sa sitwasyon na iyon, hindi niya naman gustong maisip ni Wynn na gustong-gusto niya ang nangyayari dahil may nararamdaman siya para sa lalaki.
Alam niya na pumapayag lang naman si Wynn na magpakasal dahil sa respeto sa mga magulang nito, at sa pagprotekta na rin sa nakababatang kapatid na papalit dito kung aatras ito. Maliban doon ay wala na itong dahilan pa.
Hindi naman dahilan ang yaman ng pamilya niya dahil kung hindi siya nagkakamali, mas mayaman pa nga ang Montes de Oca kaysa sa pamilya niya.
"Kate!" muling untag ni Fatima kaya nilingon niya ang kaibigan niya at umiling siya rito. "There's nothing to confess," sabi niya naman sa kaibigan bago tumayo na rin nang sabihin sa kaniya na nasa labas na ang sundo niya.
"Sige na, I have to go. I'll see you tomorrow," paalam niya sa kaibigan bago naglakad na para lumabas at dumiretso sa sasakyan. Dumaan na lang din siya sa mall para bumili ng cake para sa dinner mamayang gabi at umuwi na rin pagkatapos.
Naabutan niya ang Mommy niya na naroon at may kausap ito. Napansin niya rin na may ibang tao sa bahay nila.
"What's happening, Mommy?" tanong niya sa ina nang lumapit at humalik sa pisngi nito. Ngumiti naman ang babaeng kausap nito sa kaniya kaya nginitian niya na lang din ito bago muling bumaling sa ina.
"I just hired a caterer for the dinner with the Montes de Oca later," sabi naman nito sa kaniya na hinawakan ang pisngi niya. "Why don't you take some rest first, hija? Mamayang gabi pa naman ang dating ng mga bisita," ngumiti ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BOF 1: WYNN RAVEN
RomanceWynn is the second son of Arturo Montes de Oca and Marisol Samaniego-Montes de Oca. After his brother left their home two years ago, he has been the person their parents are trusting to manage the business and fulfill an agreement that was long agre...