09

507 7 0
                                    


"Hija, mamaya ay darating na ang magsusukat ng traje de boda mo at ang wedding coordinator. You should tell them what you want, okay?" bilin sa kaniya ng ina habang nag-aalmusal sila.

Tumango naman siya rito bilang sagot kahit pa hindi naman niya pa rin talaga napag-iisipan kung ano ba ang gusto niyang isuot para sa kasal niya. Everything was happening so fast and Kate still couldn't believe it.

Pakiramdam niya ay napakabilis ng pangyayari... at maging ang mga tao rin sa paligid niya ay lahat nagmamadali.

Kailangan matapos kaagad ang gown niya sa loob ng isang linggo lamang. Ang mga wedding invitations, souvenirs, venue... lahat.

"Are you okay, hija?" hinawakan ng daddy niya ang kamay niya at nilingon niya ito. "Are you not feeling well?" he asked and she smiled a little.

"I am fine, Dad. Just a little sleepy," sagot niya rito na ikinangiti naman din nito. Hindi niya mabanggit dito na hindi siya nakatulog kaagad dahil na rin sa pag-iisip ng kailangan niyang gawin.

"Mabuti na rin at mukhang nagkakaigihan kayong dalawa ni Wynn, Kate," komento ng mommy niya sa kaniya. "We're worried that you two won't get along immediately," she added and Kate looked at her and smiled a little.

"Maybe because we both can't do anything about the wedding," sabi niya naman na ikinakunot ng noo ng ina niya.

"What do you mean? Ayaw mo bang magpakasal sa kaniya?" lumingon ito sa daddy niya na tila humihingi ng tulong dahil sa sinabi niya.

"It's not that, Mommy. I was just saying... we didn't know each other. Kung hindi naman dahil sa kasunduan ay hindi naman kami magkakakilala at... hindi kami ikakasal..." sagot niya rito. "I mean, this wedding is because of the agreement made by our grandparents... not love..." hindi niya mapigilang sabihin.

Malinaw naman din sa kaniya na iyon ang dahilan kung bakit sila ikakasal ni Wynn. Maybe he just thought it would really be a waste of time defying them.

"You will be able to learn to love him, hija," hinawakan ng mommy niya ang kamay niya at nginitian siya. "Wynn is a good man, their family is..."

Tumingin siya rito at maliit na ngumiti. Hindi naman ang damdamin niya ang iniisip niya. Hindi siya mahihirapan na mahalin ang lalaki dahil may nararamdaman naman na siya para rito. Naisip niya lang ang sitwasyon ni Wynn...

Mamahalin ba siya nito?

Ano ba ang kahihinatnan ng magiging relasyon nilang dalawa?

Those were just some of the questions going around her head. Gusto niyang isipin na posibleng may nararamdaman ito para sa kaniya dahil dalawang beses na siya nitong hinalikan... pero hindi naman din sinasabi ni Wynn ang tungkol doon.

Hindi siya nakapasok ng araw na iyon dahil na rin sa darating na mga bisita niya na kailangan niyang estimahin para sa kasal nila.

Nakapili na siya ng disenyo ng wedding invitation nila, tinulungan din siya ng mga magulang niya at magulang ni Wynn sa pagpili ng mga magiging ninong nila sa kasal nila at kung sino pa ang magiging imbitado.

Halos naubos ang buong maghapon niya sa pakikipag-usap sa mga ito at sa paghahanap na rin ng magandang disenyo para sa wedding gown niya.

Wynn wasn't able to drop by since he had a meeting with their clients today. Nagpadala na lang si Kate sa lalaki ng mga detalye at sinabihan ito na kung maaari ay magtungo sa bahay nila bukas para makapagdesisyon din ito para sa kasal nila.

It was their wedding, ayaw naman niyang siya lamang ang magdesisyon para roon. Gusto rin niyang alamin kung may naiisip ba ang lalaki para sa kasal nila, kung may gusto ba itong baguhin o hindi kaya ay idagdag.

BOF 1: WYNN RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon