KABANATA 4

5 0 0
                                    

_____________________________________
PAST.     06.08.19
_____________________________________

-----------------------------------
From Mommy:

                  Nak, nasundo ko na si Chad, sumakay ka na lang. Mag-ingat ka, huh! Malakas ang ulan.

------------------------------------

Ito ang laman ng text ni Mommy. Kasalukuyan ako ngayong nasa waiting shed at basang basa dahil sa ulan na mayroong dalang hangin. 

Kung titingnan ako ngayon, para na akong basang sisiw habang naghihintay sa matagal  na bus.

Oo, alam kong nakabusangot na ako kung titingnan ng mga dumadaan din na estudyante man o kotse pero 'di ko mapigilan dahil nakakainis talaga.

Ilang minuto pa lamang ay nasulyapan ko ang isang lalaking tila papunta rin sa waiting shed at halos parang basang sisiw na rin katulad ko dahil nga sa lakas ng ulan. Medyo hindi ko maaninag ang mukha sa malayo ngunit pamilyar ang tangkad niya. Pamilyar din ang bag at ang pagtakbo nito. Halos lahat ng inaakto niya ay pamilya.

"Parang si Reo."

Kasi si Reo nga.

Nanlaki ang mata ko ng makumpirma ko kung sino ang pamilyar na pigura. Yung crush koooooo.

Hindi din naman ako nagkamali
dahil sa waiting shed nga ang tungo ni Reo.

Kahit nababalisa  ay nagkunwari na lang akong hindi siya napansin. Pinilit kong ibaling ang atensyon sa harap hanggang sa makasilong nga siya. Natanaw ko namang napahinto at napatingin si Reo sa direksyon ko kung kaya dulot ng kaba ay napatikhim ako.

Dahan dahan siyang naglakad pasilong hanang umusog naman ako pagilid.

Edi lalo kang mababasa!

Patuloy ang pagkukunwari ko naman na napalingon sakanya at nakita kong basang basa siya mula ulo hanggang oaa habang ginugulo niya ang buhok niya.

Grabe ang gwapo niya lalo sa malapitan at kahit mukha siyang basang sisiw din na kagaya ko, abot sa pwesto ko ang bango niya.

Hindi naman ako pinagbigyan ng kalangitan sa hiling ko na bigyan pa kami ng ilang minuto upang mangyari sana ang pinaplano ko. Yung tipong matatalisod ako tapos mapapahawak sakanyaaa.

Pero apakagaling ng timing. Dumating ang bus.

At ayon nga, walang nangyaring ganoon.

Kahit na ganun, nauna akong pumasok at pumwesto sa isang bakanteng upuan. Medyo malamig ngunit hindi ko yun ininda dahil mas inuna ko na iangat ang ulo para makita kung saan umupo si Reo.

Napataas ang mga kilay ko ng walang matagpuang taong naglalakad sa aisle ngunit mas nagulat ako ng napagtantong nasa tabi ko na pala siya at nakasunod pala siya saakin.

Sa oras na iyon, nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya sa mata.

Gwapo shet.

"Usog ka, Ms."

Hindi ko alam ba't ako natameme at hindi agad naintindihan ang sinabi niya ngunit agad na itinuro niya ang paligid at doon ko napagtanto na puno ang bus at magkakatabi kami?

OO, MAGKAKATABI KAMI NI REO.

Kahit natataranta ay dali dali akong umusog at pumuwesto sa may bintana dahil sino ba naman ang ayaw. Halos hindi ako makahinga dahil hindi ko akalain na medyo may awa pa naman ang tadhana saakin para iparanas ang mga ganto.

It Didn't End With A Happy EndingWhere stories live. Discover now