Ang Ligaya ng Pamilya
Nagpupuyos ang araw sa aming tahanan. Ang tanghalian ay puno ng halakhak at kasiyahan, habang kaming pamilya ay nagbibigay-pugay sa bawat isa sa hapag-kainan.
Ang saya at pagmamahal sa aming tahanan ay hindi kayang pantayan ng anumang bagay. Kapiling ko ang aking mga magulang, si Daddy Gabriel at si Mommy Isabela, na puno ng pagmamahal at pang-unawa.
Ngumiti si Dad nang may puno ng pagmamahal. “Mahal na mahal ko kayong dalawa,”
“At mahal na mahal ka rin namin, Gabriel.” Nakangiting sagot ni Mom kay Dad.
Sa gitna ng aming kaligayahan, may kakaibang bigat na nakikilos sa aking dibdib. May anino ng lihim na bumabalot sa aming pamilya, ngunit pinilit kong itaboy ito sa aking isipan.
Hindi maaaring may mali sa aming pamilya. Hindi maaaring may lihim ang aking mga magulang. Kailangan ko itong iwaksi sa aking isipan.
Ngunit sa paglipas ng oras, ang dilim ay unti-unting sumisilip. Sa pagtatapos ng araw, ang kaligayahan ay nabaliw sa kapaitan ng katotohanang bumalot sa aming pamilya.
Nakarinig ako ng sigawan sa kabilang silid at sa boses palang ay alam ko na kung sino ang mga sumisigaw. Ano'ng nangyayari doon?
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na sumilip sa kabilang silid, at ang aking puso ay biglang huminto sa pagtibok nang marinig ang mga salita ng pag-aaway ng aking mga magulang.
“Walang hiya ka, Gabriel. May anak tayo, ano ‘tong katarantaduhang ‘to?” Galit ngunit kalmadong sabi ni mommy.
Nangusap si Dad na huminahon si Mom at may bahid ito ng pananakot. “Tama na, Isabela. Hindi mo alam ang pinasok mo.”
Ang aking mundo ay biglang naglubog sa dilim, at ang pamilya na akala ko'y puno ng pagmamahal ay nabulag sa kasinungalingan at pagtataksil. Sa loob ng isang sandali, ang aking mundo ay gumuho, at ang aking puso ay durog sa sakit na aking nararamdaman.
YOU ARE READING
Shadows of Solace
General FictionCamila's life takes a drastic turn after her family fractures, leaving her motherless and vulnerable to the manipulation of her father's mistress and her daughter. Bullied and mistreated, Camila endures until a glimmer of hope emerges: the discovery...