Kelra's POV
"Handa na ba kayo sa announcement mamaya?" tanong ni Louisa, isa sa mga editor ng Kompanya. Nag-aayos ito sa kanyang mukha habang ang mata ay mariing nakatingin sa amin. Binalik ko ang tingin sa monitor, napasinghap ako nang makitang may panibagong ni-send na namang file si Mrs. Alma. Gusto niya talaga akong bugbugin sa trabaho, kakapagod naman.
"Balita ko lalaki daw ang bagong CEO ng kompanya,"
"Saan mo naman narinig ang balitang 'yan?" tanong naman ni Ellen. Ang ka-trabaho kong naging kaibigan ko na rin. Lagi itong kontra kay Louisa, minsan kasi bida-bida ang babae iyon kaya maraming galit sa kanya. Hindi lang sipsip, malandi rin.
"Sa head department, Ellen. Saan ka ba galing at bakit hindi mo alam ang balitang 'to?" Tumaas ang kanyang kilay.
Tumawa ng mahina si Ellen habang inaayos ang tambak na papel sa kanyang lamesa. "Nagtatrabaho, Louisa. Wala kasi akong oras sa mga chismis, inuuna ko lagi ang trabaho."
"What are you trying to say? Na hindi ko inuuna ang trabaho?" Tumayo na siya.
"May sinabi ba ako? Kung natamaan ka, edi totoo?"
Bago pa man sumugod si Louisa kay Ellen, pinigilan siya ng dalawang kaibigan. Sina Ari at Lori, kaibigan niyang sipsip din pero mas magaling siya sa mga ito. Kaya laging mataas ang sahod niya dahil nilalandi niya ang dating
CEO ng kompanya, matanda at panot na iyon pero tila walang pakialam si Louisa, para sa pera e gagawin talaga ang lahat. Nangangailangan din naman ako pero hindi ako gagawa ng ganung klaseng kadirian para lang sa pera. I can earn without seducing any men, o ibenta ang sarili.Sabagay, tumatanda na si Louisa, kailangan niya siguro ng maraming pera para sa libing niya?
"Magsama kayo niyang walang kwenta mong kaibigan! Lagi namang palpak ang trabaho ninyo! Kung hindi dahil sa akin, matagal na kayong pinatanggal!"
Sumilay ang ngisi sa aking labi. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanya. Hinila ko ang kanyang kwelyo at mas lalo pang ngumisi sa kanya. "Edi salamat sa paglalandi sa boss natin. Malaki ba?"
Nanlaki ang mata niya. "A-Anong pinagsasabi mo? Lumayo ka nga!" Tinulak niya ako, mahina lamang pero sapat na para makalayo sa kanya.
"Baka iba ang iniisip mo ah? 'Yung sahod ang tinutukoy ko, Louisa."
"Pantay-pantay tayong lahat dito! At hindi ko nilalandi ang boss natin, Kelra. Huwag ka ngang mambintang kung wala kang proweba!" galit niyang sambit at padarang na kinuha ang bag sa upuan tsaka lumisan kasama 'yong dalawa niyang kaibigan.
"Babaeng 'yon talaga, wala nang ginawang tama sa buhay. Pati dating boss natin na may asawa at panot pa hindi pinalampas,"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binalik ko ang atensyon sa monitor at binuksan ang file na pinadala ni Mrs. Alma. Nakasaad sa file na aayusin ko raw ang mga nakasulat duon at pagkatapos ipapasa sa ceo office para makita at mabasa ng bagong ceo.
Nilaan ko ang buong oras sa pag I-edit at pagdadagdag ng mga salita sa document. Paminsan kinakausap ako ni Ellen tungkol sa gagawing party ni Mrs. Alma pero hindi naman iyon nakakahadlang sa trabaho ko, mas okay nga 'yon dahil hindi ako mabo-bored sa kakatutok sa monitor.
At tsaka paniguradong hindi rin ako makakadalo sa party na 'yan dahil may anak akong laging naghahanap sa akin sa bahay. May family gathering pa sila next week, kailangan nandun ako kaya tatapusin ko this week ang mga tambak na trabaho para wala nang gagawin next week. Sana hindi ako tambakan ng bagong ceo para goods ang lahat. Walang po-problemahin.
Pagkatapos kong mag-edit, binalik ko muli sa file iyon at hinayaan na mag-loading. Matagal-tagal pa naman kaya nagpasya ako na kausapin muna si Ellen.
Binalingan ko siya ng tingin, ngunit ako'y natigilan nang makita si Klaxon sa aming harapan. Nakatayo kasama ang tatlong kasamahan ni Mrs. Alma.