CHAPTER 35

350 17 0
                                    

Kahit wala ideya kung anong nangyayari ay pinuntahan namin si Chin-chin sa address na sinabi niya sa tawag. Nakarating naman agad kami doon kahit hindi kami pamilyar sa lugar. Saktong pagbaba ko ng kotse ni Kaizer ay nakita ko si Chin-chin na nakatayo malapit sa isang abandonadong gusali.

"Chin-chin!" Sigaw ni Billie.

Agad kaming lumapit sa kanya. Nakita kong ang mukha niyang halata mong kagagaling lang sa iyak.

"Tulungan ninyo si Kuya Wilhem." Sabi nito.

"Nasaan ba siya?" Tanong ni Allistair.

Suminghot singhot pa si Chin-chin.

"Nasa loob. Pinagkakaisahan nila Andy."

Namilog ang mga mata ko at mabilis na napatitig sa gusaling nasa malapit.

"Nasa loob?" Si Billie na marahang hinihimas ang balikat ni Chin-chin.

"Nakipagkita kasi si Kuya Wilhem kay Andy. Sinundan ko sila dito. Tapos nakita kong hindi mag isa si Andy. Kasama niya ang mga barkada niya. Ngayon, pinagtutulungan nilang gulpihin si Kuya." Pagkukwento ni Chin-chin.

"Ilan silang nasa loob?" Tanong ni Hercules.

"Lagpas sampu po."

Nakita kong nagkatinginan si Hercules, Gioffer at Allistair. Habang si Zeno ay tinapik si Kaizer sa balikat.

"Kaya natin yan. Kahit lima lang tayo." Nakangising sabi ni Zeno.

"Anong binabalak ninyo?" Tanong ni Maxine sa mga kasama namin.

"Ano pa, ililigtas ang na aapi." Sagot ni Allistair na ginagalaw galaw ang mga leeg.

"Sasama ako." Sabi ko.

Napatingin ako kay Kaizer nang biglang hawakan nito ang kanang siko ko. Nakataas ang isang kilay nito sa akin. Peke naman akong napangiti.

"Taga-cheer lang. Baka pwede?"

Umiling siya.

"Kami ng bahala kay Wilhem. Maghintay nalang kayo dito." Sabi niya at naglakad na paalis.

Agad siyang sinundan ni Allistair, Hercules  at si Gioffer na hila-hila si Zeno. Natatawang napalakpak si Billie.

"Ayos din pala kapag may mga kaibigan kang sanay sa away." Komento niya.

"Tingin ninyo kaya nilang lima, yung grupo ni Andy?" Biglang tanong ni Maxine na papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Billie.

"Kaya yan. Nandyan naman si Kaizer." Sagot ko at ibinaling ang tingin kay Chin-chin na tahimik na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung paano matutulungan nila Kaizer si Wilhem lalo na at marami palang kasama ang bully na si Andy. Gayunpaman ay hindi naman ako kinakabahan para sa kaligtasan nila.

"Teka, tatawag ako ng pulis." Sabi ni Maxine at mabilis na lumayo habang hawak ang cellphone niya. Hindi na naman siya napigilan ni Billie dahil okay na ding may pulis para madala agad sila sa Andy sa police station ng magtanda.

Hindi naman nagtagal pare-pareho kaming nagulat nang lumabas mula sa abandonadong gusali sila Kaizer. Kasama si Wilhem. Agad kaming lumapit sa mga ito.

Napangiwi ako nang makita ang mukha ni Wilhem na puro bangas dala siguro ng pambubog nila Andy. Akay-akay pa siya ni Hercules at Allistair.

"Kuya!" Tawag ni Chin-chin sa pinsan bago ito nilapitan.

Nang mapatingin ako kay Kaizer ay nakita kong hawak-hawak niya sa braso si Andy. Kumpara kay Wilhem ay mas malala ang tama sa mukha nitong si Andy.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon