BLAIRE SAMANTHA'S POV
Kinabukasan ay tahimik lamang ako nung nasa hapag kainan kami. Sumasagot lamang kapag may tinatanong si tita celine o di kaya'y si tito miguel. Pero kung wala naman ay nakayuko lamang at nasa pagkain ang atensyon.
Habang si min naman ay kanina ko pa napapansin na pasulyap-sulyap sakin pero hindi ko na lamang siya pinansin.
Masiyado pang masakit sakin ang nangyari kahapon. Ngayon ko lang pinangarap na sana isa ako sa mga taong kapag nalalasing ay nakakalimutan yung mga nangyayari para nang sa ganon hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Pero hindi e malinaw pa rin sa utak ko lahat nang nangyari kahapon. Nakatatak pa rin sa utak ko lahat ng sinabi ni min. Nandon parin yung kirot sa dibdib ko kapag inaalala ang pangyayaring yun.
"Kanina ko pa napapansin ah! Ang tahimik niyo. Nag-away ba kayo?" biglang saad ni tita celine na parehong nagpaangat ng tingin namin ni min.
Umiling naman ako saka ngumiti. Ayaw ko namang mag-alala si tita at tito. Katulad nga nang sabi ni min, importante sa kaniya ang tiwala ng parents niya. Sisirain ko pa yun?
"Hindi po tita. Medyo masakit lang po yung ulo ko." sagot ko.
"Oo nga pala. Ano masakit pa ba ang ulo mo? First time mo pa nga palang uminom." may bahid na pag-aalalang sabi ni tita. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kaniya ng tumayo pa siya sa upuan niya at lumapit sakin para tingnan kong maayos lang ba ako.
"Medyo okay na po ako tita. Don't worry po."
"Mabuti naman." kita ko ang pag-aliwalas ng mukha nito. Hinaplos muna ni tita ang buhok ko bago bumalik sa upuan niya at umupo doon, "By the way, malapit na pala ang birthday mo hija. Next week na pala iyon."
Saka lamang pumasok sa isip ko ang tungkol sa birthday ko. Muntik ko ng makalimutan dahil sa dami ng iniisip.
"Oo nga pala! I almost forgot." sagot ko. Ramdam ko ang pagsulyap ni min sakin pero nanatili lamang ang tingin ko kay tita celine at tito miguel.
"Naku hindi mo dapat kinakalimutan ang birthday hija. Importante yan sayo." singit naman ni tito. Nahihiyang napakamot naman ako sa ulo ko.
Gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko dahil dun. Sarili kong birthday muntik ko pang makalimutan.
"Hija gusto mo bang dito mo na I-celebrate ang birthday mo sa bahay?" aniya ni tita celine.
"Okay lang po ba tita?"
"Of course hija! Mas gusto ko nga yun. Oh my god I'm so excited na!" di ko maiwasang mapatawa ng makitang tuwang tuwa si tita celine. Mahina pa nitong pinalo sa braso si tito miguel na naiiling at nakangiting nakatingin sa kaniya.
"Malayo pa yun mom. Don't be too excited!" singit naman ni min.
Di ko maiwasang mapabaling sa kaniya ng sumali na siya sa usapan namin, pero nang makita ko ang akma rin nitong pagbaling sakin ay mabilis akong lumihis ng tingin.
"Paanong hindi ako maeexcite son? That's sam's birthday. Kaya kahit malayo pa, paghahandaan ko talaga yan. Gusto ko engrande ang magiging birthday ni sam."
"Okay lang naman po kung simple lang tita."
"Oh no hija.. Ito ang unang birthday mo dito kaya gusto ko engrande ang magiging birthday mo." nakita kong napailing si tito sa asawa. I just smiled.
It doesn't matter to me if simple lamang ang birthday ko, as long as kasama ko sa araw na yun ang mga taong importante sakin. Lalong lalo na si mommy at daddy. But I don't think they can make it to my birthday dahil mukhang busy pa sila sa business.
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?