Sabrina
Nakagising ako dahil panay ang yugyog ni Kristoff sa balikat ko. Napakamot pa ako sa ulo ko. Sarap batuhin ng unan.
"Ano ba Kristoff ang aga-aga istorbo ka! Alam mo naman natutulog pa ako! Sinisira mo ang beauty ko" sabi ko sa kaniya.
Napakamot siya sa ulo niya ng pinasadahan ko siya ng tingin.
"Ate Umalingawngaw yun alarm clock, hindi mo ba naririnig ate? Maaga umalis si mama kaya hindi ako nakahingi ng pera. Ate pahingi muna ng pamasahe at baon ko sa School, bayaran ko lang mamaya kapag binigyan ako ni Mama ng allowance" Saad niya.
"Kumuha ka sa bag ko. Ayon ko nakasabit sa likuran ng pintuan ko" sabi ko sa kaniya.
"Salamat Ate Sabrina" Saad niya.
"Kumuha kana diyan at isara mo ang pintuan sa harapan at e lock mo mabuti baka pasukin tayo ng magnanakaw. Alam mo naman sa Panahon ngayon mahirap magtiwala kahit kanino" Saad ko sa kaniya.
"Sige Ate Sabrina alis na ako" Sabi niya.
"Bye" sabi ko. Kailangan ko na bumangon dahil may pasok ako ngayon. Gising na Disney Princess, hindi ka mayaman at kailangan mo magtrabaho para may pera ka! Saad ng utak ko.
N-Napaliyad ako habang inuunat ko ang braso ko. Bumangon ako sa kama. Tinupi ko ang kumot at inayos ko ang unan. Binuksan ko ang TV.
Nilaksan ko ang volume ng TV, habang naliligo ako ay nakikinig ako ng balita ngayon araw. Grabe ang mga nangyayare ngayon sa mundo. Hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Katulad ng mga giyera sa Israel laban sa Hamas. Mga nangyayare sa China na pilit sinasakop ang Philippines sea. Grabe talaga ang mga Chinese na yan gamahan sa Teritoryo, akala mo naman madadala sa hukay kapag namatay sila.
Kaloka.
Binasa ko ang buhok ko at bago ko nilagyan ng shampoo. Sinabon ko agad ang katawan ko dahil nilalamigan na ako. Malamig ang tubig na lumalabas a Shower. Pagkatapos ko maligo tinuyo ko agad ang buhok ko. Nagbihis narin ako ng Blouse at Pantalon. Nag Spray ako ng pabango. Paglabas ko sa Gate hindi ko nakita ang kotse ni Ezra. Parang nasasanay na ako na sinusundo niya ako tuwing umaga at hinahatid sa gabi.
Nalungkot ako bigla. Naghintay ako ng thirty minutes kaso hindi parin dumarating si Ezra kaya sumakay na ako ng jeep papunta sa Opisina. Inabot ko ang bayad sa Driver at tsaka bumaba.
Dumiretso ako sa loob ng gusali.
"Ma'am ID niyo po?"Sinita ako ng Guard dahil hindi nakasabit ang ID sa leeg ko.
"Wait lang manong Guard dito sa bag ko ang ID ko. Sorry na nakalimutan ko lang isabit sa leeg ko" sabi ko sa kaniya.
Kinuha ko ang ID ko sa Bag at tsaka sinabit sa leeg ko kaya hindi na ako sinita ng Security guard. Pagpasok ko sa opisina nakita ko ang mga kasama ko nagtutumpukan. Ano kaya ang pinapanood nila kaya lumapit ako.
"Gosh girl another breaking record" Saad ni Abegail sabay Pangisi-ngisi sa labi niya."Wow grabe talaga ang mga Montercarlos brothers, Higit sa mga gwapo at malakas sa mga girls ay magaling sa business" Saad niya.
"My gosh ang Gwapo-gwapo kaya ni Liam Montercarlos, alam niyo ba bawat laro niya ay inaabangan ko talaga, ang galing niya maglaro ng Basketball" sabi ni Denise.
"Mas lalo gwapo si Jaden, Hot, antipatiko, kahit medyo suplado bagay na bagay naman sa gwapo mukha niya" segunda Saad ni Anne.
Nakatingin ako sa TV, Nagulat ako dahil nasa TV sila at ini-interview sila sa bago business nila magkakapatid. Ang yaman talaga ng Montercarlos Brothers. Nakita ko si Ezra nakatayo sa gilid habang nakatingin sa mga media at mga reporter. Nakatingin siya sa Camera.
God, he's so handsome when he smiles. And when he's not smiling. And when he's sleeping. And when he's awake. And when he's breathing.He was so sweet. So handsome and charming. And way too good for me.
Napaawang ang bibig ko habang Pinapanood ko sila sa TV. Ang gwapo talaga ng Montercarlos Brothers, pero ang mata ko napako kay Ezra. Una ko siya makita sa Tarlac gwapo na talaga siya. Siguro kung iikutin ko ang buong mundo, siya ang pinaka-gwapo Priest na nakita at nakilala ko.
Ibang-iba na ang pamumuhay niya ngayon kumpara noon nasa Tarlac siya. Palagi Bible at rosary ang hawak-hawak at nakaharap sa marami tao tuwing araw ng linggo.
Napapangiti nalang ako habang nakatingin sa kaniya.
Kaya pala hindi siya dumating sa bahay dahil busy siya sa bagong business nila magkakapatid. Naaumawaan ko naman siya dahil hindi lahat ng oras niya sakin.May iba rin siya inaatupag at pinagkaka-abalahan katulad ng pag negosyo.
"Sabrina grabe ang yaman Pala ng Montercarlos Brothers, alam mo ba sila ang nagmamay-ari ng Blaise Hotel sa Asia at Matrix residence sa Japan. Grabe" Saad ni Abby habang nakatingin sakin."Gwapo, mayaman at higit sa lahat may sinasabi sa buhay" Aniya.
"Oo nga nabalitaan ko rin Abby, napanood ko nga" sabi ko sa kaniya.
Humarap siya sakin habang tini-timpla ang mainit na kape dahil Umuusok pa ito.
"Alam mo Sabrina ma swerte talaga ang mapapangasawa ng Montercarlos Brothers dahil higit sa mayaman na ay mga gwapo pa. Walang tapon" Saad niya.
"Alam mo mahilig ka sa gwapo" sabi ko sa kaniya.
She's sip coffee.
"Bakit ikaw hindi kaba mahilig sa gwapo ah?" Tanong niya kaya natigilan ako bigla.
"Mahilig naman kaso hindi masyado" sabi ko.
"Oh hindi ako naniniwala sayo, by the way may tatapusin muna ako ngayon kaya mamaya tayo mag chikahan" Saad niya sakin.
"T-Take your time Abby" Saad ko.
Hinarap ko muna ang trabaho para matapos agad. Marami ako dapat tapusin ngayon araw. Bukas linggo para makapagpahinga naman ako.
"Sabrina sabay tayo lunch ah" Umalingawngaw ang boses ni Niko ang kaibigan ko bakla."May baon ako Paborito mo Chezzy shrimp" Nakangisi saad niya.
"Hoy ang daya-daya mo talaga Niko bakit si Sabrina lang niyaya mo sumabay mag lunch" Saad ni Abby.
He's chuckled.
"Naku girl baka magtampo ka sakin kaya mamaya sumabay kana" Saad ni Niko.
"Yan ang gusto ko sayo Niko" sabi niya.
Sabay-sabay kami tatlo kumain ng tanghalian. Masarap ang baon na chezzy shrimp ni Niko kaya naparami ako ng kain. Nabusog ako.
Maaga ang labasan ko ngayon dahil sabi ng Boss namin maaga kami magpahinga sa trabaho. Malapit na ang mahal na araw kaya long weekend ang bakasyon.
Sinuklay ko ang buhok ko at tsaka nagpahid ng kaunti pulbos sa mukha bago lumabas sa Opisina. Medyo marami dumadaan na taxi at jeep kaso hindi ako sumakay agad dahil may hinihintay ako.
Nasanay na ako sa Tuwing lumalabas ako sa Opisina ay nandiyan siya naka-abang sakin. Natatanggal ang pagod at stress ko sa tuwing nakita ko siya.
His smile melts my heart.His smile makes my heart sing.His smile makes my day sparkle.His smile feels like a warm embrace.Nothing makes my day like a smile from my guy.His smile makes my heart jump with joy.
When I see him smile, my heart skips a beat.Pupunta kaya siya dito para sunduin ako? Nag overthink na naman ako!
YOU ARE READING
MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete
RomanceEzra Montecarlos is a Priest, Mahal na mahal niya ang maglingkod sa Diyos at Mangaral ng salita ng Diyos. Isang araw makilala niya ang babae si Sabrina Nunez, Masayahin, Palangiti. Hindi namamalayan ni Father Ezra na Mahuhulog na pala ang loob niya...