PROLOGUE

13 2 0
                                    


DISCLAIMER: This story is an original work of fiction created by Ikigaei. All characters, events, and situations depicted in this story are products of the author's imagination and are not intended to represent any real individuals or events. 


Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This work is protected by copyright law, and any unauthorized reproduction, distribution, or use of this material without the author's permission is strictly prohibited.


All Rights Reserved | Ikigaei


 - - - -


[Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for Flight 123 bound to Manila. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes. Thank you.]


"Kayla, tinatawag ka na ng crew para sa onboarding check ng mga entering passengers, ako na bahala dito sa desk" sabi ni Tricia sakin pagkatapos ko gawin yung pre-boarding announcement ng flight namin papuntang Manila.


Tumango ako at nagsimulang ayusin ang mga papel habang tumatayo sa upuan. "Ganun ba? Sige mauuna na ako sa eroplano. Mag-ingat ka dito!," sagot ko naman sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya nagsimula na akong maglakad papasok sa Jet Bridge papunta sa mga kasama kong flight attendant.


Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang umalis ako ng Pilipinas, mula nang tumira ako dito sa Dubai para sa matagal ko nang pangarap, na makasali sa Emirates bilang international flight attendant. Masaya ako sa mga bagay na naabot ko sa buhay mag isa pero hindi kasi naging madali para sakin na iwanan ang lahat sa iyong sariling bansa para sa isang pangarap.


Kaso may mga iniwan akong hindi natapos na problema at isa siya sa mga dahilan kung bakit ayoko pang umuwi. Hindi pa ako handang harapin ang mga darating na pangyayari pero sa tingin ko ay gumawa ng paraan ang tadhana para sa akin.


Napatingin ako sa mga kasama kong flight attendant "Kai!, Halika nga dito, hinihintay ka namin, buti dito ka na dumiretso pagkatapos mong mag-pre-boarding announcement" kumaway si Jamie.


Hinawakan naman ako ni Allegra sa balikat "Oh ano Kayla? Mukhang may maghahanap sayo sa Manila o baka ikaw ang maghahanap?" tumatawang nagpaparinig sa akin.


Inirapan ko siya habang tinatanggal yung kamay niya sa balikat ko, "Nakakatawa ka, pero hindi ako natawa, tsaka hindi niya ako hahanapin kasi may iba siyang babae".


"Sus, gumagawa ka lang ng palusot kasi mahal mo pa"


Excuse me? Hindi noh anong akala niya sakin naka move on na kaya ako mga 100% already. Kaya wala akong pake sa kanya!


"Ganyan naman silang mga mga lalaki, mamahalin ka ng sobra, kapag nahulog ka sa kanila, iiwanan ka lang bigla!" nagalit ako bigla.


Matagal ko nang kaibigan si Allegra simula noong first year namin sa college, siya ang lagi kong kasama hanggang sa maabot namin ang aming pangarap na makapunta sa Dubai. Palagi kaming magkasama at hindi mapaghiwalay ng ganun-ganun lang, pero simula nung naging flight attendant ako at siya naman pilot, hindi nagtutugma ang mga schedule namin, ngayon lang nangyari.


Nagkatinginan sila ni Jamie at ngumisi si Allegra "Baka nagkamali ang mga mata mo sa nakita mo nung gabing yun, parang hindi siya yung taong yun o baka nagselos ka lang masyado kay ate girlie kong oa?" tanong niya pabalik habang si Jamie naman ay tumawa sa gilid niya dahil sa usupan namin.


Itong si Jamie wala namang jowa eh, pero kung makaasar sayo akala mo meron, delulu na siguro siya sa dami niyang pinapanood na k-drama gabi-gabi.


"Alam mo manahimik ka na lang muna. Papasok na ang mga pasahero, tama na ang pangaasar niyo baka isabit ko kayo sa pakpak ng eroplano" sarkastikong akong ngumiti at humarap sa entrance ng eroplano.


Dami daming pwede pag usapan pero ayun pa talaga nasa isip niya. Hindi ko naman kasalanan na naglaho bigla yung high school sweetheart niya!


Isa-isang pumasok ang mga pasaherong nakapila sa labas "Good afternoon! Can I check your ticket?" Nakangiting sabi ko sa mga pasahero pagpasok nila at inabot nila sa akin.


Mukhang marami ang nagbabalak pumunta at umuwi ng Pilipinas ngayon dahil nakita ko rin na full-flight na kami. Kaya medyo magiging busy kami sa buong byahe, hindi na bago ang makaranas ng ganito pero minsan nakaka-burn out lalo na kapag inaaway ka ng mga pasahero ng walang valid na dahilan.


Tinitingnan ko kung nakasakay na ba ang lahat sa eroplano bago ang aming pre-flight announcement at safety briefing, kaya naglakad ako sa aisle habang tinitingnan ang mga upuan.


"Jamie, sabihin mo kay Marcus na ayusin ang mga bagahe sa mga overhead compartments para sure tayong balanse lahat ng gamit sa loob ng aircraft" sabi ko kay Jamie habang papalapit ako sa kanya.


[Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 123 bound to Manila. We are currently preparing for take-off and are expected to be in the air in approximately eight minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments if you haven't done so — ]


Habang umaandar ang eroplano patungo sa runway, nag double check ulit kami sa mga ang mga passengers na nakasakay dahil required ito para sa amin at para na rin sa kaligtasan ng lahat. Dahil mukhang walang problema, pumunta kami sa aming mga posisyon at naghihintay para sa safety briefing ng lahat.


"Hey, I think you're preoccupied at the moment, do you need anything?" pagaalalang tanong sakin ni Marcus habang umaandar na kami paakyat.


Humarap ako sakanya "Don't worry about me, just thinking about certain things but it's no big deal" pagrarason ko sa kanya kasi napansin niyang badtrip ako simula nung nag b-board na mga pasahero.


Napatingin ako sa katabi kong bintana ng eroplano dahil ayaw kong makipag-usap sa mga kasama ko. Ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong malaman pero hindi ko magawa dahil nasaktan ako ng sobra. Pumikit muna ako dahil hindi pa kami nakakastable sa ere.


This is it, I'm going home to you, Manila.


__________________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Skybound Above the Clouds (Metro Series #1)Where stories live. Discover now