Prologue

19 2 0
                                    

"Tao po?" rinig kong sigaw ng isang batang lalaki sa labas ng bahay namin.

"Sandali lang" ani ko bago lumakad at pagbuksan siya ng pinto. Sumalubong sa akin ang ngiti ng batang lalaki na may dalang tupperware na may lamang macaroni salad.

"Hello! ako nga pala si Cedrick. Bagong lipat lang kami rito" sabi niya at iniabot sa akin ang hawak niya. "Gumawa si mama ng macaroni salad para sa mga bago naming kapitbahay. Sana magustuhan niyo." ngumiti siya pagkatapos niyang ibigay sa akin yung salad.

"Salamat" nginitian ko rin siya pabalik.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong nito sa akin.

"Ako si Mhika. Marami akong kalaro rito. Papakilala kita sa kanila para marami ka ring kalaro." sabi ko at tumango naman ito saka umalis.

——————————————————

Ang tamis at aruga na laganap sa simula
Ngayo'y nabaon na
Sa puso't isip na mapait
'Di na maibabalik sa unang araw

Ang pait at ang sakit na dati'y wala naman
Ngayon ay hindi na mailagan
Ang tanong na walang sagot
Luha ang nadudulot sa ating mga mata

I'm Sorry I'm LateWhere stories live. Discover now