“THANK YOU,” wika ni Danna-ann na may nakapaskil na matipid na ngiti para sa babaeng nag-check ng kaniyang VIP passes card para sa Mask bar nang muli nitong ibalik ito sa kaniya.
Nang tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bar, muli ang pamilyar na pakiramdam ang kaniyang nadama. Same ambience, same feelings and most of all same place na tila iyon ang unang beses na pagpasok niya sa lugar na ito.
Katulad ng palagi niyang ginagawa kapag nasa loob na siya, iginagala niya ang paningin sa paligid. Nagbabakasakali na matatagpuan na nang kaniyang mga mata ang palagi niyang pakay rito.
Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang sumubok na matagpuan ang binata rito dahil tuluyan na itong naglahong parang bula. Maging si Skite ay naglahong parang bula. Wala na rin siyang balita rito.
Tiningnan niya ang VIP passes card na nananatili niya pa ring hawak. Ang VIP card na hawak niya ang nagbukas sa kaniya ng ilang mga katotohanan na dapat niya pang malaman.
Automatic na bumalik ang kaniyang isipan sa pangyayari kung bakit mayroon siya nito ngayon at ang taong naging dahilan ng pagkakaroon niya nito. Walang iba kung hindi ang kaniyang mahal na daddy.
Mask bar VIP passes card! Iyon ang agad na nakita ni Dann-ann na nakasulat sa pinaka harapang bahagi nito. Inilapag iyon ng ama sa lamesa matapos niyang itanong kung saan niya maaaring makita si Ethan.
Dinampot niya iyon at pinakatitigan. Maraming katanungan ang bumulusok agad sa kaniyang litong isipan.
Nabahiran ng mga katanungan ang kaniyang magandang mukha nang tinapunan niya ng tingin ang ama.
Bakit mayroon nito ang kaniyang ama? Ano ang ibig sabihin ng VIP passes card na ito? Hindi kaya alam nito ang Mask bar? Ang inabutan niyang tagpo sa opisina ng ama kung saan sila ipinakilala nito sa isa't isa ni Ethan.
Hindi na niya kailangan pang bigyan ng tinig ang lahat ng katanungang nabuo sa kaniyang isipan sapagkat kinusa na iyon ng kaniyang ama .
“Hayaan mong sa akin mo na lamang marinig ang mga paliwanag na nais pang sabihin sa iyo ni Ethan, anak. In fact alam ko na malaki rin ang kinalaman ko sa likod ng pagtatago niya bilang si Code Zero,” wika ni Ricardo sa anak.
“A-ano po ang ibig ninyong sabihin, dad?” tanong naman ni Danna-ann sa ama.
“Sa Mask bar mo lang makikita si Ethan bilang si Code Zero at ang VIP passes card na iyan ng mask bar ay isang access mo na malaya mong magagamit, anak. Sa pamamagitan niyan hindi mo na kinakailangan pang dumaan sa proseso, gaya ng pangkaraniwang passes card na ginamit ninyo ng kaibigan mong si Shenna mula naman kay Skite.”
Gumulat sa kaniya ang narinig sa ama. Kung ganoon alam ng Daddy niya ang Mask bar at kung ano ang mayroon sa loob dito? Pinili niyang isatinig ang katanungan nasa kaniyang isipan.
“Bakit alam ninyo po ang Mask bar, dad?”
“Katulad ni Skite at Ethan ay isa rin ako sa official member ng mask bar, anak. Si Ethan din ang nagsabi sa akin na nakita ka niya sa mask bar.”
“Po? A-ano ang ibig ninyo sabihin nakita niya ako sa Mask bar? Don’t tell me na matagal na po niya akong kilala?” Nagugulumihanan niyang tanong. Parang biglang sumakit ang ulo niya sa mga bulusok ng katanungan na nais niyang mabigyan agad ng kasagutan.
“Kilala ka niya oo, pero siya hindi mo pa kilala. Nakikita ka na niya noon pa, pero siya hindi mo pa nakikita kahit minsan noon. Bago pa man kita pinapunta sa opisina ko nang araw na iyon kung saan kita ipinakilala kay Ethan ay alam ko na ang lahat nang naganap sa inyo. Ipinagtapat na lahat iyon ni Ethan sa akin, anak. Wala siyang inilihim na kahit katiting na detalye.”
BINABASA MO ANG
Mask Bar Series: The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...