FOM 5:

17 1 0
                                    

"Naeexite ako." kinikilig na parang kitikiti tong si Kathy sa tabi ko ngayon na nakaupo sa isa sa mga nipa hut.

Nandito kami sa Rich Field, isang park malapit sa school namin na madalas naming puntahan para magpractice.

Sabado na ngayon at nagdidisyunan namin na simulan na ang paghahanda para sa presentation habang maaga pa para hindi kami magahol sa oras.

"Tigilan mo nga yan Kathy, masyado kang halata." saway sa kanya ni Angel. Pano hindi kikiligin ang isang yan, dream come true daw kasi itong magaganap.

Paano makakapareha nya sa sayaw ang crush of is life since last year.

Yeah, walang nagawa si Louie at Zelle, pinagpalit kami ng pares which I think is a good thing kasi hindi ko makakapareha ang nakakabadtrip na taong yun at kaibigan ko naman ang pinares sakin ngayon, si Ronald.

Naghihintay lang kami dito dahil wala pa si Zell at Louie, sinundo daw nila yung choreographer na kunuha nila.

Nagpagdisisyunan din na kumuha ng choreo para mas organize ang gagawin namin sayaw.

Nilagay ko ang headset ko sa tenga para makinig na lang sa music at maiwasan ang boredom na unti-unting lumalamon sakin.

Napatingin ako sa kabilang nipa hut di kalayuan samin, nandoon kasi ang ibang grupo at nag-uusap na din para sa gagawin nilang preparation.

Napatingin ako sa lalaking nakaheadset din tulad ko at nakapikit.

Anong ginagawa nya jan? Dapat dito siya ha.

Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya. Cute pala siya, sana lagi na lang siya nakapikit at wag nang dumilat para cute siya lagi. Bad Janine.

Hindi ko napigilan mapangiti. "Huy." napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil bigla itong dumilat at may kumalabit sakin, si Angel. Tinanggal ko ang headset ko at tinignan siya. "Para kang baliw jan nakangiti."  bilalas nito pero hindi ko na lang siya pinansin.

Hindi din nagtagal dumating na sina Louie kasama ang choreo na nagngangalang Denise.

Pinaform nya kami ng straight line paharap sa kanya para daw kita nya kaming lahat.

"So be good to me and I'll be good to you." simula nito samin. Mukha naman siyang mabait, pero istrikto daw siya pagdating sa sayaw. "Aayusin ko ang partnering nyo para mas maganda ang tingin sa sayaw."

"Pero may partners na po kami." singit ni Angel.

"Really? But I will rearranged it." nakangiti nitong sabi at nagsamulang naglakad sa harapan namin pabalik balik na maiging sinusuri kami.

"Ikaw at Ikaw. Dito kayo" turo nya kay Kathy at Marrion. "Ikaw, tsaka ikaw ay hindi ikaw pala."

Ganun ang ginawa nya hanggang sa tatlo na lang kaming natitira.

"One boy, two girls left." sabi nito habang nakapamewang sa harapan namin, inilagay nya pa ang kanyang kamay sa baba na animong ang lalim nang iniisip.

"Syempre ikaw boy dito ka." pinalapit nya sa kanya si Justin. Really bakit kulang kasi ng isa ngayon. "at ikaw." turo nya kay Beth.

So ano ako dito puno? Wala akong partner, sa props department na lang ako.

"Lipat ka na lang sa ibang grupo girl." nakangiting sabi nito habang tinatapik ang balikat ni Beth. Nagsimula na itong maglakad paalis at pumunta sa iba naming kaklase na iba ang grupo.

Eh?

"Ikaw, dito ka." tinuro nya ako at pinalapit.

Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti. "Tuturuan ko muna kayo ng basic waltz." inilagay nya ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay ng lalaking katabi nya at ang kaliwa ko naman sa balikat nito.

Dahan-dahan ko namang naramdaman na may kamay na humawak sa kaliwang parte ng bewang ko.

"Perfect." narinig kong kumento ni Kuya Denise. "Ok, guys get your partner and do there position."

Napatingin ako sa tao sa harap ko ngayon na nakatingin din pala sakin.

"sila pa din oh."
"Ayaw ka pa ha."

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"If its meant to be it will be."

FRIEND OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon