" how.. how can I k*ll my own father?" saad ni Eli at luhaang huminto sa pag atake, nanginginig ang mga labi at naka kuyom ang kamao.
" daughter.. masasayang ang lahat kung hindi ako mawawala. " sagot naman ng wizard at mapait na ngumiti, to be honest, gusto nya makasama ang anak niya kahit ilang sandali, dahil hindi sya nabigyan ng pagkakataon na makasama ito.
" W- wala na po ba ibang paraan? I- I think I have a lot of mana! C-can I use it?" kagat labing tanong ni Eli, umaasa na may magandang isasagot ang tatay niya.
Ngumiti mula ang hari at inatake si Eli, nabigla naman si Eli nang masugatan siya. Nakatitig lang si Eli sa wizard habang inaatake nito siya, tiniis niya ang hapdi.
" Gusto mo ba na masayang lang ang lahat ng sakripisyo ko para sayo?"
Nagising si Eli sa katotohanan kaya sumagot siya. " pero.." huminga siya ng malalim at umiiyak na hinanda ang lahat ng kapangyarihan niya, balak niya ibuhos ang lahat ng to sa wizard.
" Ganiyan nga. " ngumiti ang wizard at handa na rin nitong ibuhos ang lahat ng kapangyarihan niya sa anak niya.
Hindi alam ni Eli ang mangyayari, naniniwala siya na mas malakas ang tatay niya kesa sa kaniya at mas gusto niya pa na ito ang manalo. Kampante siya na mananalo ang tatay niya at siya ang mawawala, handa na siya na mangyari iyon. Ibubuhos niya na lang ang lahat kahit matalo siya.
Sabay silang nagpaulan ng apoy at yelo, mabilis nilang sinugod ang isat isa. Walang makita ang mga nanonood sa bilis nilang dalawa.
Nagpaulan ang wizard ng mga demonyo, nagsilaglagan ito sa baba kaya dali dali si Eli nag cast ng shield para sa mga tao.
Bumalik si Eli sa ere at sinugod ang tatay niya, nag cast siya ng isang espada. Hinawakan niya ito at balak isaksak sa tatay niya, nakailag naman ito at binalik ito kay Eli. Tumama ito sa tagiliran ni Eli, tumulo ang dugo ni Eli kaya hinawakan nya ang tagiliran niya.
Mukhang walang balak ang wizard na magpatalo kay Eli, kaya kampante na siya na hindi mawawala ang ama niya.
Nauubos na ang oras, kailangan na matupad na ang tadhana. Tinaas nilang dalawa ang kamay nila at nag cast ng napaka laking bola na halos sakupin ang lahat, nilalaman nun ang lahat ng mana nila.
Palapit na ito sa direksyon nilang dalawa. Bumibilis ang tibok ng puso ni Eli, handa na siya na mawala sa mundong iyon. Napatingin siya sa ama niya, bumuka ang bibig nito.
" Goodbye my beloved daughter.."
Nagtataka si Eli kung bat sinabi ito ng ama niya, napatigil siya sa pag iisip ng tumama ang kapangyarihan niya sa ama niya. Tinignan niya ang bola na papalapit sa kaniya, tumama ito sa kaniya at tumalsik siya pero...
No!! No!!
Eli cried, sobrang lakas. Sugatan siya pero nakatulala siyang tinignan ang ama niya na unti unting naglalaho.
" No.. You cheated.. napaka daya mo.." mahina niyang saad habang humahagulgol.
Yes, hindi binuhos ng ama ni Eli ang lahat ng kapangyarihan nito. Walang intention ang bola na iyon na p*t*yin si Eli, naglalaman ito ng shield na kahit masugatan siya ay gagaling din.
Hindi katulad ng cinast ni Eli, may intention ito na p*t*yin ang ama niya pero confident si Eli na iilag ang ama niya pero...
" AHHHHHHHHHHH!!! WHYYYY!!!" Sigaw ni Eli, halos mapunit na ang lalamunan nito.
Why is rhis happening to me?
Hinawakan ni Eli ang dibdib
niya, sobrang bigat at hindi na siya makahinga. Sobrang bigat, sobrang sakit, dama niya ang sakit sa lalamunan niya.Bumagsak siya sa lupa, nagtipon ang mga tao. Nag aalala ang mga ito sa kaniya, dali daling nagpunta ang mga healer upang gamutin si Eli.
pero sure na, hindi nila magagamot ang sugat na nararamdaman ngayon ni Eli.
A/N: Hey, appreciated sa mga nag vote, nakakagana iyon. Please follow me! Tsaka sorry if ang gulo ng story, on the spot po kasi ako magsulat. Wala akong outline ng mga mangyayari, hindi ko po pinlano. Kahit ano na lang maisip ko, kaya antagal ko po bago mag update kasi nag iisip pa ako ng mangyayari kasi kahit ako di alam sunod na mangyayari sa sinusulat ko.
YOU ARE READING
I was reincarnated as a Kontrabida in another world
RomancePROLOGUE Pagka gising ko nasa ibang lugar na ako at isa pala akong kontrabida sa isang istorya ng mga bida. Eh ano naman? Love story? Ewww, never pumasok sa isip ko unless babae ang magiging partner ko. Kidding! Galit na galit itong mga lalaki sakin...