"Akin ka na lang
Akin ka na lang
Iingatan ko ang puso mo.”
“Akin ka na lang
Akin ka na lang
Wala nang hihigit pa sa iyo.”
“Oh! Heto ang panyo, punasan mo luha mo. Ayan, umiiyak ka naman, kaw naman kasi bakit hindi mo pa iwanan yang babaero mong boyfriend.”
Habang inaabot ko kay Steph ang panyo ko na muli na naman mababasa ng luha at sipon niya sa kakaiyak, isang kanta ang paulit ulit na tumutugtog sa aking isipan tuwing lagi kaming magkasama at tuwing makikita ko siyang umiiyak. Isa kanta ng bandang Itchyworms.
Akin ka na lang
Akin ka na lang
Iingatan ko ang puso mo.
Akin ka na lang
Akin ka na lang
Wala ng hihigit pa sa iyo.
“Mahal ko siya Migs eh, tanga na ako kung tanga pero ganun talaga ang magmahal. Salamat at lagi kang nandyan.”
Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay hiniga niya ang ulo niya sa balikat ko at sabay punas ng mga luha niya. Habang ako naman ay hinagod hagod ko ang mahaba niyang buhok at sa isip isip ko….
“Hayst! Hanggang dito na lang ba ako sayo? Eh! Kung sa akin ka na lang sana, hindi ka iiyak ng ganyan. Lam mo bang matagal na kitang mahal, pero hanggang kaibigan lang talaga turing mo sa akin. Sana ibaling mo naman puso mo sa akin para hindi ka na umiyak pa ng ganyan.”
Heto ang mga salitang gusto ko sanang sabihin sa kanya pero wala akong lakas ng loob magtapat. Yes! Isa akong ABANGERS, sa 8 years na namin magbestfriend 5years na akong nag aabang na sana ako na lang ang mahalin niya. Hindi naman sa humihingi ako ng kapalit sa halos araw araw kong pagdamay sa kanya, sa araw na umiiyak siya nandun ako, sa mga panyong pinampapahid niya sa mga luha niya, ang gusto ko lang naman ay makita siyang ngumiti as in totoong ngiti. Gusto ko lang ma isalba ang halos gutay gutay niyang puso dahil sa hinayupak niyang bf na walang gnawa kundi pa luhain siya.
“Halika na Steph hahatid na kita sa inyo, mamaya na ung birthday party mo. Dapat happy happy tayo mamaya ah. Nandoon lahat ng mga tropa natin.”
Habang naglalakad kami walang imik si Steph siguro iniisip niya ung tungkol sa kanila ng bf niya. Mala lapit na kami sa kanila ng makita ko ung lumang waiting shed. Maikukumpara ko pala ang sarili ko sa waiting shed na ito. Taga sangga ng init ng araw at ng ulan kagaya pagsangga ko sa mga bad mood, init ng ulo at luha ni Steph pag may away sila ng bf niya. Waiting shed kasi ilang years na rin ako nag wawait na sana mag level up naman ang best friend zone namin to a lover zone. Eh! Teka hindi naman ako nagtatapat sa kanya papaano mag lelevel up yun? Ano ba kinakatakot ko? Yung sumagot siya ng…
Migs sorry ah! much better kung magbestfriend lang tayo wag na nating paabutin pa sa ganun level pls. I love you as my bestfriend.
“Ouch! Ganun ba yun Steph? Bestfriend mo lang ako? Bestfriend? 5 years Steph, 5 years na kitang minamahal.”
ang sumisigaw na salita sa utak habang hndi ko namamalayan na niyugyog ko na pala ang balikat ni Steph.
“Hoy! Migs ok ka lang? Madudurog mo na balikat ko ah! Ano bang nangyayari sayo?”
“Ah? Naku wala Steph. Tinataktak ko lang lahat ng luha mo para maubos ng lahat hehehe. Naks! Tibay ng balikat mo ah! Nag ggym ka ba?”
“Baliw ka talaga Migs, thank you lagi mo akong pinapatawa.”